You are on page 1of 1

Pagsasanay 1.

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) ang patlang kung ang ipinapahayag ng bawat pangungusap ay may kinalaman
sa Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura at ekis (✖) kung hindi.

1. Naging malaya ang mga Pilipino sa pamamahala ng mga Espanyol sa bansa.

2. Ang Florante at Laura ay hitik sa kagandahang-asal na dapat gamitin sa buhay.

3. Ang karaniwang paksa ng panitikan sa panahon ng Kastila ay tungkol sa panrelihiyon.

4. Ipinag-utos na maaaring gumawa ng mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa kataksilan ng mga


Espanyol sa bansa.

5. Ang akda ni Balagtas ay ginamitan ng simbolismo na kakikitaan ng nasyonalismo.

Gawain blg. 2

Panuto: Punan ng angkop na mga sagot ang pahayag tungkol sa pangkalahatang natutuhan mo sa
modyul na ito.

Nalaman ko na si Francisco Balagtas ay kinikilala bilang __________________. Nagkaroon siya ng


matitinding pagsubok sa kanyang buhay na nagsilbing hamon upang maging isang ____________ na
manunulat. Sa Panahon ng ________________, umiral ang ilang pangyayari sa bansa na sa panahon ring
iyon kung kailan isinulat ni Balagtas ang awiting ____________________. Sa kanyang akda ay gumabay
hindi lamang sa mga mamamayan kundi gayundin sa mga bayani na sina _________________ at
Apolinario Mabini.

Pagpapahalaga

Ang talino at talento ay dapat pinagyayaman at gamitin sa mabuting paraan. Gaya ng makata salat man
sa yaman, inapi, dinusta nagdusa sa pag-ibig at nakulong subalit sa kanyang determinasyon hindi siya
nawalan ng pag-asa. Siya ngayon ay isang sikat na manunulat sa larangan ng panitikan. Sa kasalukuyang
panahon, bilang isang kabataang Pilipino ikaw ba ay may paninindigang katulad ni Francisco Balagtas?
Bakit? _________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

You might also like