You are on page 1of 12

FILIPINO 8

PANGALAN: BAITANG/SEKSYON:

Kwarter IV – Linggo 1

Kaligirang Pangkasaysayan
ng Florante at Laura

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man,
kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity

Sheets Manunulat: Jonalyn F. Pedigan

Pangnilalamang Patnugot: Girlie P.

Macmac Editor ng Wika: Evelyn D. Peralta

Tagawasto: Jonalyn F. Pedigan

Mga Tagasuri: Luis R. Mationg, Maricel A. Zamora, Maja Jorey B.


Dongor at Jouilyn O. Agot
Tagaguhit: Maricel A. Zamora

Tagalapat: Maricel A. Zamora

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS
Manager Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian
II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon, Ronald N. Fragata,
Joseph D. Aurello, Enrile O. Abrigo Jr., Maja Jorey B. Dongor
at Ernesto P. Socrates Jr.
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1 Kaligirang Pangkasaysayan
ng Florante at Laura

MELCs: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa


napakinggang mga pahiwatig sa akda. (F8PN-IVa-b-33); at
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy
sa kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito, pagtukoy sa layunin ng
pagsulat ng akda, pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat.
(F8PB-IVa-b-33)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy
sa kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito, layunin ng pagsulat ng akda at
pagsusuri sa epekto ng akda.
2. Nakikilala ang mga kaisipang hango sa apat na himagsik na napapaloob sa akda.
3. Natutukoy ang mga mahahalagang kaisipang may kaugnayan sa pag-aaral ng
Florante at Laura batay sa mga pahiwatig sa akda.

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan na may kaugnayan


sa kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura. Bilugan ang titik ng tamang sagot
na tinutukoy sa bawat aytem.
1. Itinuturing siyang Ama ng Balagtasan at may-akda ng Florante at Laura.
A. Jose P. Rizal C. Lope K. Santos
B. Francisco Balagtas D. Rogelio Sikat

2. Sa anong panahon naisulat ang Florante at Laura?


A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Espanyol
B. Panahon Hapon D. Panahon ng Himagsikan

3. Ano ang ginamit ni Balagtas na paraan ng pagsulat upang maitago ang mga
mensahe ng kanyang awit?
A. alegorya B. sining C. liriko D. disenyo

4. Kanino inialay ni Francisco Balagtas ang kanyang tula?


A. Leonor Rivera C. Juana Tiambeng
B. Leonor Valenzuela D. Maria Asuncion Rivera

5. Ang sumusunod ay naging kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ang Florante


at Laura MALIBAN sa .
A. Kaawa-awang kalagayan ng Albanya (Pilipinas)
B. kaliluhan
C. kalupitan
D. kasaganahan

1
Panuto: Isulat ang T kung wasto ang pahayag at M kung hindi wasto ang pahayag. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

6. Isa sa mga layunin ng pagsulat ng akda ni Balagtas ay ang himagsik laban sa


hidwaang pananampalataya.

7. Epekto ng akda pagkatapos isulat ay nanatiling makabuluhan, angkop, at


gabay sa mga Pilipino sa nakaraang panahon lamang.

8. Sa kabila ng mahigpit na sensura ng mga Espanyol ay naging matagumpay si


Balagtas na mailusot ang kanyang awit dahil relihiyon at paglalabanan ng mga
Moro at Kristiyano ang temang kanyang ginamit.

9. Ang kabiguan, kaapihan, himagsik at walang katarungang naranasan ni Balagtas


ang nagtulak sa kanya upang likhain ang walang kamatayang Noli Me Tangere.

10.Isa sa mga kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura ay nagsilbing gabay


sa pag-iingat sa mga taong mapagpanggap at makasarili.

Ating Alamin at Tuklasin

Tunay na biyaya ang pagkakaroon ng mayamang panitikan. Panitikang


humubog sa ating pagkatao at kulturang kinabibilangan. Isa ang Florante at
Laura sa mga akdang pampanitikan na punumpuno ng mga aral sa buhay na
obra maestra ni Francisco Balagtas. Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo
upang malaman mo, patuloy na mapagyaman at maisabuhay ang aral at mga
pagpapahalaga na nakapaloob dito.

Alam mo ba ang dami ko talagang


natutuhan sa Ibong Adarna.
Sensura- pagbabawal
na mailathala ang
isang akda
Alegorya-
matalinhagang
salaysay
Obra Maestra- Tama! Kaya sabay naman nating pag-
pinakatampok o aralan ngayon ang Florante at Laura.
itinatanging likha ng
tao

Natatandaan mo pa ba ang huling aralin sa ikatlong markahan na kung saan ikaw ay bumuo ng isang social awarene
Basahin at pag-aralan mo ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Florante at La

Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura


Ang akdang pampanitikan na Florante at Laura ay isang awit at korido na
isinulat ni Francisco Baltazar a.k.a Balagtas. Ito ay inihandog niya sa kasintahang
si Celia o Maria Asuncion Rivera. Naisulat ito noong panahon ng pananakop ng
mga Espanyol kung saan mahigpit ang sensura kaya ipinagbawal ang mga babasahin at
palabas na tumutuligsa sa mga Espanyol Sa kabila ng mahigpit na sensura ay
matagumpay na nailathala ang akda sapagkat gumamit siya ng mga alegorya at mga
simbolismo sa paghahatid ng mensahe tungkol sa kaupitan at pagmamalabis ng mga
Espanyol.
Ang Florante at Laura ay isang obra maestra ng panitikang Pilipino na
tumatalakay tungkol sa “pag-ibig” ni Florante sa kanyang kahariang Albanya na
tumutukoy sa bansang Pilipinas. Isinulat niya ang akda loob ng selda kung saan siya
ay nakulong dahil sa maling paratang ng kanyang karibal na si Nanong Kapule. Ang
kabiguan kaapihan at walang katarungan ang nagtulak sa kanya upang likhain ang
akda na ito.

Kalagayan ng Lipunan sa Panahong Naisulat ang Florante at Laura

 Kaawa-awang kalagayan ng Albanya, (Pilipinas) kaliluhan, kalupitan at


kawalang katarungan

Layunin ng Pagsulat ng Akda

 Himagsik laban sa malupit na pamahalaan- sa bahaging punong salita


ay masisinag ang buo at sinasagisag ng sakdal-sungit na panahon mistulang
gubat na madilim, mahayop na mababangis at walang kasinsukal na lupaing
kinaroroonan ng tinawag niyang kaharian ng Albanya na sinsabing Pilipinas.
 Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya- ang pamahalaan at
simbahan ay iisa ang turing at kapangyarihan. Ipinakita ni Balagtas na pantay
ang karapatan ng mga Moro at Kristiyano.
 Himagsik laban sa mga maling kaugalian- ipinakita niya ang mga maling
pagpapalaki sa anak, pagkamainggitin, mapanghamak, mapaghiganti sa
kaaway at pang-aagaw ng pag-ibig sa iba.
 Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan- hinikayat ni Balagtas na
sumulat ng mga akda na magbubunyag sa tunay na kalagayang panlipunan.

Epekto ng Akda Pagkatapos Itong Isulat

 Gumabay sa mga pangkaraniwang tao at mga bayaning nagmulat sa diwang


makabayan ng mga Pilipino
 Ang mga aral ay nanatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin
sa mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon.

3
Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura
Nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay tulad ng sumusunod:
Wastong pagpapalaki sa anak
Pagiging mabuting magulang
Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
Pag-iingat sa mga taong mapagpanggap at makasarili
Maging maingat sa pagpili ng pinuno
(Pinagkunan: Glady E. Gimena, Leslie S. Navarro, Ofelia E. Concepcion, Ang Pinaikling Bersiyon – Florante at Laura ni Francisco Ba

Tayo’y Magsanay
Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung anong kaisipan ang ipinahihiwatig ng pahayag. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa tatsulok bago ang bilang.

Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan


Wastong pagpapalaki sa anak
Pag-iingat sa mga taong mapagpanggap at makasarili
Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
Kawalang katarungan

1. Sinulat ni Balagtas ang Florante at Laura sa loob ng selda kung saan siya ay
nakulong dahil sa maling paratang na pakana ng mayamang karibal.

2. Sa panahong ito, mahigpit ang ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang


mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng
mga Espanyol.

3. Naitago niya sa pamamagitan ng paggamit ng alegorya ang mensahe na


pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol.

4. Ang kabiguan, kaapihan, himagsik at walang katarungang naranasan ni


Balagtas ang nagtulak sa kanya upang likhain ang walang kamatayang
Florante at Laura.

5. Paglalabanan ng mga Moro at Kristiyano ang temang ginamit niya sa akda at


naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura.
Gawain 2

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) kung ang pahayag ay hango sa apat na himagsik at ekis (X)
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa kahong inilaan.

1. Sa bahaging himagsik laban sa malupit na pamahalaan ay masisinag ang buo at


sinasagisag ng sakdal-sungit na panahon.
2. Hinikayat ni Balagtas na sumulat ng mga akda na magbubunyag sa tunay na
kalagayang panlipunan.
3. Magkahiwalay ang kapangyarihan ng simbahan at pamahalaan noong panahon ng
Kastila.
4. Tinawag ni Balagtas na kaharian ng Albanya ang Pilipinas.
5. Isa sa ipinakita ni Balagtas ay ang maling pagpapalaki sa anak.

Bakit mahalagang basahin at pag-aralan pa rin ang Florante at Laura sa kasalukuyang panahon?

Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung sa anong kaligirang pangkasaysayan napapaloob ang mga


kalagayang panlipunan na ibinigay. Isulat ang akmang simbolo sa loob ng kahon bago
ang bilang.

kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito


pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat.

1. Kaawa-awa, kaliluhan at kalupitan sa bansang Pilipinas noong panahon ng


Espanyol.
2. Ang mga aral ay nanatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa
rin sa mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon.
3. Mailahad ang apat na himagsik na naghari sa puso ni Balagtas sa
pamamahala ng mga Espanyol.
4. Gumabay sa mga pangkaraniwang tao at mga bayaning nagmulat sa diwang
makabayan na mga Pilipino.
5. Ipinakita niya ang mapanghamak, mapaghiganti sa kaaway at pang-aagaw
ng pag-ibig sa iba.
Gawain 2

Panuto: Isulat ang ( + ) tanda kung positibo ang mga pangyayari na isinasaad ng
pangungusap at ( - ) tanda kung negatibo. Isulat ang sagot sa bilog bago ang bilang.

1. Sa lagusan ng Plaza Cuartel ay humigit kumulang isang daan at limampung


Amerikanong bihag ang sinunog ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
2. Ipinagtanggol ni Dr. Higinio Mendoza ang mga Palaweño laban sa mga Hapones
noong unang panahon kaya siya ay bayaning maituturing.
3. Ang Fuerza de Sta. Isabel na matatagpuan sa munisipyo ng Taytay Palawan ay
isang kuta ng mga militar na Espanyol upang kalabanin ang mga Moro na nais
manakop at nais mangalakal.
4. Ang Immaculate Conception Cathedral ay isa sa mga kilalang simbahan sa
lalawigan ng Palawan simula pa noong panahon ng Espanyol. Isinagawa ang
unang
misa dito noong taong 1872.
5. Sa Princesa Eulalia Park ay matatagpuan ang estatwa ng isang prinsesang
Espanyol na nagngangalang Eulalia kung saan isinunod ang pangalan ng Lungsod
ng Puerto Princesa.

Sa papaanong paraan makatutulong sa pang-araw-araw na buhay ang mga aral na makikita sa akdang Florant

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Piliin mula sa kahon ang mga salita/pariralang maaaring ipuno sa bawat patlang
upang mabuo ang pahayag.

sensura Pananakop ng Espanyol


apat Maria Asuncion Rivera (MAR), Celia
Florante at Laura
DUDUGT

Ang 1. ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong panahon ng 2. sa bansa. Matagumpay na nailusot ni Balagt
4. na himagsik ni Balagtas laban sa mga mapang-abusong Espanyol noong unang panahon. Ang kaniyang awit ay iniaalay
Ating Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan na may kaugnayan


sa kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura. Isulat sa patlang bago ang bilang
ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat aytem.

1. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sensura?


A. pagbabawal na mailathala ang isang akda
B. pagpapakita ng matinding emosyon
C. pagtangkilik sa isang gawain
D. pagpapahintulot na makapagsulat
2. Ang sumusunod na salita ay maiuugnay sa salitang alegorya maliban sa
.
A. matalinhagang salaysay C. masining na salaysay
B. matayutay na salaysay D. makabuluhang salaysay
3. Kanino inialay ni Francisco Balagtas ang kanyang tula?
A. Flerida C. Juana Tiambeng
B. Nanong Kapule D. Maria Asuncion Rivera
4. Ipinakita ni Balagtas na pantay ang karapatan ng mga Moro at Kristiyano. Sa
anong himagsik nabibilang ang nabanggit na karapatan?
A. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
B. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
C. Himagsik laban sa mga maling kaugalian
D. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
5. Ang sumusunod ay mga kalagayan na nagtulak kay Balagtas na isulat ang
Florante at Laura maliban sa isa. Alin ang hindi kabilang?
A. kabiguan C. kaluguran
B. kaapihan D. himagsik
Panuto: Tukuyin at salungguhitan sa loob ng panaklong ang angkop na salita na
bubuo sa diwa ng tamang pangungusap tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng
Florante at Laura.

6. Nagtagumpay si Balagtas na mailusot ang kanyang awit dahil (relihiyon,


siyensya, sining) at paglalabanan ng mga Moro at Kristiyano rin ang temang
ginamit niya.

7. Sinulat ni Balagtas ang Florante at Laura sa loob ng (himpilan, selda, silid) kung
saan siya ay nakulong dahil sa maling paratang na pakana ng mayamang karibal.

8. Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang (gintong pamana, baul ng


kaalaman, obra maestra) ng panitikang Pilipino at sinasabing nagbukas ng
landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na daantaon.

9. Ang kaharian ng (Albanya, Krotona, Atenas) ay sumasalamin sa kalagyan ng


Pilipinas noong unang panahon.

10. Nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay ang Florante at
Laura isa lamang dito ay ang (pagiging mabuting magulang, pagiging mahusay
na mag-aaral, pagiging madiskarte sa buhay).
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay Ating Subukin Ating Tayahin
Gawain 1 1. A
1. F 1. B 2. D
2. E 2. C 3. D
3. D 3. A
4. D
4. A 4. D
5. C
5. D
5. C 6. Relehiyon
6. T
Gawain 7. Selda
7. M
2 1. √ 8. T 8. Obra Maestra
2. √ 9. M 9. Albanya
3. X 10. T 10. Pagiging Mabuting Magulang
4. √
5. √
Ating Pagyamanin

Gawain 1 Ang Aking Natutuhan

1. 1. Florante at Laura
2. Pananakop ng Espanyol
2.
3.
3. sensura
4. apat
4.
5. Maria Asuncion Rivera (MAR), Celia
5.

Gawain 2

1.

2.

3.

4.

5.

Sanggunian

Aklat
Gimena, Glady E., Leslie S. Navarro, Ofelia E. Concepcion. Ang Pinaikling Bersiyon –
Florante at Laura ni Francisco Baltazar, Caloocan City: Prime Multi-Quality
Printing Corp. 2010.
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono :

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like