You are on page 1of 2

DEPARTMENT OF EDUCATION

PUERTO GALERA NATIONAL HGH SCHOOL- SAN ISIDRO EXTENSION

Banghay-Aralin

Filipino VIII

Pebrero 21, 2018

7:30 - 8:30 - Diamond 3:00-4:00-Amethyst

I. Layunin

1. Nailalarawan ang mga paraan ng pagkikita ni Laura ng pagmamahal kay Florante .

2. Nasusuri ang sarili sa pagharap sa isang sitwasyon sa buhay kapag nakadarama ng panbugho pagseselos.

3. Nakapagbibigay payo sa isang umiham uko sa naramdamang selos sa kapatid sa pamamagitan ng paggawa ng liham.

II. Paksang Aralin

A. Alaala ni Laura
B. Sangunian: Florante at Laura
C. Kagamitan:laptop at libro

III. Paraan ng pagtuturo

A. Panimulang Gawain
B. Balik aral sa paksa: Don’t do this!
Ang mag-aaral ay may gagawing isang aktibidad at kung sino ang mahuling mali sa aktibidad ay magbabahagi ng kanyang natutunan .
C. Motibasyon: Ang matatamis na nakaraan!
Ang guro ay tatawag ng mag-aaral at magbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang matatamis na nakaraan.
LINANGIN:
Gawain 1: TALASALITAAN(PUNTOS AT SAGOT)
Pilin ang titik ng tamang kahuugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Lubos na nakararamdam ng hilahil si Florante sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan at alala ang pagtataksil ng kanyang kasintahan.
A. dusa B. selos C. galit D. muhi
2. Pilit na inaapuhap ni Florante sa kanyang isip ang mga kadahilanan ng pagtataksil sa kanya ni Laura .
A.binabalik-balikan B. sinusuri C. Inaalagaan D. Hinahanp
3. Napapaluha si laura sa tuwina na magkakagurlis si florante mula sa digmaan .
A. magkasakit B. magkabukol C. magkagalos D. Magkapilay
4. Ang patuloy na pagluha ni florante sa puno ng higera dahil sa labis na kasawian.
A. matuloy B. mapigil C. matanggal D. masaid
5. Tuluyan ng napayukayok si Florante sa puno ng higera dahil sa labis na panghihina.
A. napasubsob B. bumagsak C.napahiga D. napaupo
Gawain 2: Pangkatang gawain
Ang mag-aaral ay mahusay na ipapaliwang ang bawat saknong ng may pag-unawa.
Gawain 3: MALAYANG TALAKAYAN!
Pagpapalawak sa nilalaman ng awit.
1. Ano-ano ang mga ginagawa ni laura kay Florante bago ito magtungo sa pakkilahok bilang tanda ng kanyang pagmamahal.

2. Paaano nakikilala ni Lura si LAura kahit nakapagitna pa ito sa mga sundalo kpag dumating pagkatrapos ng pakikipaglaban?
3. Paano inaaaliw ni Laura si Florante kapag ito ay nalulumbay?.
4. Ano ang winika ni Florante na nagsasad ng kanyang pagkasiphayo kay laura?
5. Bakit nawalan ng tiwala si Florante kay Laura?
6. Alin ang higit na ipinaghihinagpis ni Florante sa kanyang kalagayan- Ang kanyang kamatayan o ang pagtataksil ni Laura? Patunayan
ang sagot?
7. Kung ikaw ang nasa kalagyan ni Florante, sino ang una mong hihinganng tulong? Bakit?
Paglalapat
BAKIT AKO NAGSESELOS?
Ang mag-aaral ay magbabahagi ng mga karanasan sa kanilang buhay na nagseselos sila hndi lamang sa minamahal pati sa iba pang bagay?

IV. Ebalwasyon

Mahal kong Kaibigan!

Ang mga mag-aarala ay magbibibay ng payo sa isang lumiham ukol sa nararamdamang selos sa kapatid, kaibigan o kung sno pang malapit
sa buhay nila sa pamamagitanng paggawa ng liham.

V. Kasunduan

Basahin at bigyang pansin ang mga mahahalagang pangyayari sa arain VIII “ O PAGSINTANG LABIS”

Inihanda ni: Rex T. Sandoval Iniwasto ni: MA. ISABEL B. RENIVA


Student teacher Guro sa Filipino VIII

MARGIE A. GAYA
Punong Guro

You might also like