Professional Documents
Culture Documents
Nakasisiguro ba kayo na nasa mabuting pagtahak ng landas o tamang daan ang inyong mga anak?
Nagagabayan ba sila ng tama?Lumalaki ba silang may takot at pananalig sa Diyos ama? Iyan din ang mga
tanong na naglalakbay at gumugulo sa aking isipan bilang isang ina. Iniisip ko na sa araw-araw ba ng
pamumuhay ng aking anak masasabi ko bang siya ay nasa tamang landas at tama ang daang kanyang
tinatahak. Sa totoo lang bilang isang ina hindi ko alam at hindi ko lubos na magampanan pa na palaging
ibahagi sa kanya at ipaunawa ang mga salita ng Diyos o maipahayag ang nilalaman ng Banal na
Kasulatan.Kaya naman naisipan kong gawin na ipasok siya sa isang Catholic School na kung saan ay
makakasigurado ako na doon ay palagi siyang makakarinig at tuturuan ng mga salita ng Diyos. Doon ay
natuto siya kung paano maging isang tunay na taga-sunod sa kabutihang taglay ng ating Panginoon.
Nauunawaan na niya ang mga salita ng Diyos at naipapahayag niya din ito sa kanyang kapwa bata. Sa
pamamagitan ng pagpasok sa Catholic School natututo ang mga bata kung paano makisalamuha sa kapwa
ng may takot at pananampalataya sa Diyos. Natututo sila ng iba’t ibang mga Gawain na kalugod-lugod sa
ating Panginoon. Napakalaking katulungan ng naitayong paaralan ni St. Arnold Janssen ang Divine Word
College. Maraming mga kabataan ang nahihimok upang maging alagad ng Diyos at makapagpahayag ng
kanyang mga mabubuting salita ayon sa Banal na Kasulatan. Naging isang magandang instrumento ang
Divine Word College upang maisakatuparan ang lahat ng mabubuting gawa ng ating Panginoon.