You are on page 1of 8

8

FILIPINO
Learning Activity Sheets
Ikaapat na Markahan

Florante at Laura: Isang Obra Maestrang


Pampanitikan ng Pilipinas

20

REGION VI-KANLURANG VISAYAS

0
Filipino 8
Learning Activity Sheets
Ikaapat na Markahan
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Gemma B. Obsiana


Editor : Catherine D. Diaz
Tagasuri : Lilibeth D. Meliton
Tagaguhit : Gemma B. Obsiana
Tagalapat : Gemma B. Obsiana

Division of Capiz Management Team:


Salvador O. Ochavo, Jr. Ed.D., CESO V
Dr. Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Dr. Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

1
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng Kagawaran
ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and
Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi
na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan
at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na
may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

2
Aralin 1

I. Paghinuha sa Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura Batay sa


Napakinggang mga Pahiwatig sa Akda

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa
napakinggang mga pahiwatig sa akda. (F8PN-1Va-b-33)

Panimula (Susing Konsepto)


Ang buhay ng tao ay puno ng mga karanasan. Mahalagang minsan ay balikan natin ang mga
karanasang ito ika nga “hindi makararating sa paroroonan ang hindi lilingon sa pinanggalingan.
Gawin nating inspirasyon ang mga karanasan, kaaya-aya man o hindi.
Ang mga karanasang ito ang magpapatibay ng ating sarili at magiging dahilan ng ating
tagumpay sa kinabukasan. Gaya na lamang ng mala-teleseryeng talambuhay ni Francisco Balagtas
Baltazar, kung saan ginawa niyang inspirasyon ang kaniyang mga naging karanasan na dahilan ng
kaniyang pagkabuo ng Istoryang Florante at Laura na nagmarka sa Panitikang Pilipino.

Talambuhay ni Francisco Balagtas Baltazar


Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong makata at may-akda. Siya ay kinikilala
bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa
kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng
ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.
Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko) ay isinilang noong Abril 2,
1788 kina Juana dela Cruz at Juan Baltazar sa Barrio Panginay, Bigaa (na kilala ngayon bilang
Balagtas sa kanyang karangalan), sa lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga kapatid
na sina Felipe, Concha, at Nicholasa.
Nag-aral si Francisco sa isang parochial school sa Bigaa kung saan pinag-aralan niya ang
mga panalangin at katekismo, at kalaunan ay nagtrabaho bilang houseboy para sa pamilyang Trinidad
sa Tondo, Manila kung saan siya ay pinag-aral ng kanyang tiyahin sa Colegio de San Jose. Noong
1812, nagtapos siya sa degree ng Crown Law, Spanish, Latin, Physics, Christian Doctrine,
Humanities, and Philosophy. Ang kanyang dalawang dating guro na si Dr. Mariano Pilapil at José de
la Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang nagturo sa kanya kung paano magsulat ng mga tula.
Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas upang mapabuti ang kanyang pagsusulat, at noong
1835 ay natagpuan niya ang kanyang musa na si Maria Asuncion Rivera nang lumipat siya sa
Pandacan. Nagsalita siya tungkol sa kanya sa Florante sa Laura bilang 'Celia' at 'MAR'.
Si Balagtas ay pinabilanggo Mariano Capule, isang maimpluwensya at mayamang lalaking
kalaban niya sa pagmamahal kay Celia. Habang nasa kulungan ay isinulat ni Balagtas ang kanyang
makasaysayang piraso ng Florante at Laura na inspirasyon ang mga elemento ng kanyang
kasalukuyang buhay.
Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong iyon, ang Espanyol ay ang
dominanteng wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas mula sa bilangguan noong 1838 at
inilathala niya ang Florante at Laura noong panahong iyon.
Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat siya sa Balanga, Bataan
noong 1840, at pagkatapos ng labing anim na taon ay naging Major Lieutenant at punong tagasalin
ng hukuman.
Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng Orion, Bataan, sila ay
nagpakasal noong Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang anak- limang lalaki at anim na
babae. Gayunpaman, pito lamang sa kanila ang nabuhay.

3
Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na ang bawat katutubong Pilipino
ay magkaroon ng apelyidong Espanyol. Pagkatapos nito ay naging kilala si Balagtas bilang Francisco
Baltazar. Si Balagtas ay nabilanggo sa ikalawang pagkakataon noong 1856 nang ipahayag ang
reklamo ng isang kasambahay na pinutol niya ang buhok nito. Siya ay napalaya noong 1860 at
ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng tula.
Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang huling hangarin
ay walang sinuman sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang mga yapak sa takot na sila ay
dumaan sa parehong mga paghihirap na kanyang dinanas. Sinabi pa niya na mainam pang maputol
ang kanilang mga kamay kaysa ang mga ito ay maging manunulat.
Si Balagtas ay lubos na pinahahalagahan sa Pilipinas na ang Pilipinong termino para sa
debate gamit ang ekstemporanyong taludtod ay ipinangalan sa kanya: ang balagtasan. Ipinangalan
din ang isang paaralang elementarya sa kanyang karangalan, ang Francisco Balagtas Elementary
School (FBES), na matatagpuan sa kahabaan ng Alvarez Street sa Santa Cruz, Maynila.

Pagsasanay/Aktibidad

F8Q4_A1 Aktibiti 1. Panuto:Magbigay ng hinuha sa maaaring kinalabasan/kinahinatnan ng


sumusunod na pahayag batay sa napag-aralang talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ang bilang isa ay ginawa na para sa iyo.

Kinahinatnan batay sa kaniyang


Pangyayari sa buhay ni Balagtas
Talambuhay
Halimbawang Sagot:1. Ginamit ni Balagtas
1. Sa panahong iyon, umiral ang simbuyo ng
ang kaniyang kaalaman at galing sa panitikan
paghihimagsik. Ang mga pang-aabuso ng
sa pamamagitan ng paglikha ng mga akda
prayle ay nagbunsod ng hindi mabilang na
upang mapukaw ang kaalaman ng
mga pag-aalsa ng mga katutubong nagnanais
sambayanan, isang paghihimagsik sa isang
na maging malaya.
intelektwal na pakikibaka.
2. Si Balagtas ay ipinabilanggo ni Mariano
Pinagdusahan ni Balagtas sa kulungan ang isang
Capule, isang mayaman at maimpluwensyang maling paratang,at dahil sa kabiguan ay naisulat
niya sa loob ng presinto ang awiting Florante at
lalaking nakalaban niya sa pag-ibig kay Celia. Laura
3. Ipinagbili ni Balagtas ang kaniyang lupain at
Ibinenta niya ang kanyang mga kalupaan
ari-arian upang makapagbayad ng malaking kapalit ng kalayaan,marahil dito siya ay
naging isang katulong at nakilala niya si
halaga para makalaya. Juan Tiambeng.
4. Naghimagsik siya sa matandang istilo ng
Siya ay nagsumikap na maipakita
panulat. Bagamat sa nilulumot na istilo ng awit at maipagmalaki ang kanyang
bilang popular na anyo ng panitikan sa natatanging akda.

kaniyang panahon.
5. Ginamit ni Balagtas ang malalamyos na Labis na pag-aalala na may umagaw sa
salita na siyang nagpapaigting sa mga pagmamahal ni selya sa kaniya

damdaming binubuo niya sa kaniyang akda.

4
F8Q4_A1 Aktibiti 2: Bigyang hinuha ang isinasaad ng mga pahiwatig. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Naiiba ang paghihimagsik ni Balagtas. Ito ay nakatuon sa isang intelektuwal na pakikibaka.


Ninais niyang mapailang sa larang ng nag-aalimpuyong himagsikan sa pamamagitan ng
kaniyang kahenyuhan sa larangan ng panitikan.

Halimbawang sagot: Mahihinuha mula rito na si Balagtas ay sadyang matalino.


Ginamit niya ang kaniyang katalinuhan upang mailantad
ang kasamaan ng mga Kastila nang hindi nakikipaglaban
nang marahas.

2. Ang paglalantad ng mga katotohanan ay inilantad niya nang patago. Inilahad niya ang
umiiral na kasamaan at kasakiman ng mga namamahala sa pamamagitan ng mga
saknong. Tinuligsa niya ang mga taong naliligayahan sa panloloko sa kanilang kapwa sa
tulong ng mga kasabihan.
ang mahihinuha mo sa pahayag ay…
Mahihinuha mula sa paglahad ni balagtas ang katotohanan ng
patago.Inilahad niya ito ng pahakbang-hakbang
.

3. Sa panahong ang kababaihan ay mailalarawang mahinhin, hindi makabasag pinggan at


mahina, binibigyang – diin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan ni
Flerida, isang babaeng Muslim.
Mahihinuha sa pahayag na ang kababaihan ay…
Ang mga babae noon ay hin-hin at makisig kumpara sa ngayong panahon .
.

4. Ang pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat


napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunongsakim at mapaghangad sa
yaman.
Mahihinuha sa pahayag na…
Ito lamang ay tama sapagkat mahihinuha .
dito kung ano tayong klaseng tao sa mga tao na
gusto nateng ihalal .

5. Batay sa mga nakalahad sa bilang isa hanggang apat, mahihinuha na napakahalagang


pag-aralan ng Florante at Laura dahil
Hindi lamang ito naglalarawan ng isang .
kuwento kundi sumasalamin sa realidad ng .
ating
mundo.
5
II. Pagtiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda sa Pamamagitan ng Pagtukoy sa
Kalagayan ng Lipunan sa Panahong Naisulat ito, Layunin ng Pagsulat at Pagsusuri sa
Epekto ng Akda Pagkatapos Itong Isulat

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
- pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
- pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat
(F8PB-IVa-b-33 176)

Panimula (Susing Konsepto)

Bilang mag-aaral mahalagang mapag-aralan mo ang ilang makasaysayang akda na


nagmarka at bumago ng ating kasaysayan. Isa sa mga akdang ito ay ang Florante at Laura na
isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Masasalamin sa kasaysayan ng kaniyang buhay ang
mga karanasan niya na humabi at naging dahilan upang maisulat niya ang kawili-wili at walang
kamatayang akda, ang Florante at Laura.
Sa araling ito’y makikilala mo si Francisco “Balagtas” Baltazar sa pamamagitan ng
kaniyang talambuhay at malalaman mo ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.
Makatutulong ito upang masagot mo ang gawaing inilaan kaugnay ng araling ito.

Mga Gawain
Panuto: Unawain ang Kaligirang Pangkasaysakay ng Florante at Laura. Pansinin ang
mahahalagang detalye na tumutukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito,
Layunin sa pagsulat ng akda at epekto ng akda pagkatapos itong isulat.

Kaligirang Pangkasaysakay ng Florante at Laura

Ayon sa kay Epifanio de los Santos(isang historian),nalimbag ang unang edisyon ng


“Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon.
Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng‘Florante’” ni dalubhasang sa
Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng
iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles,
subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya
ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel dearroz ayon kay Epifanio de los
Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa atmga kapistahan sa halagang 10 centavo
bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang
nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong
Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad
na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875. Nalilimbag ang pamagat ng
bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang
nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang muslim na si Aladin.Batay
ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan at kasawian
6
ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni
Selya) at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR -ay napakasal kay Mariano
Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa
piitan.

Pagsasanay/Aktibidad
F8Q4_A1 Aktibiti 3.Panuto: Sa Pamamagitan ng Graphic Organizer, tukuyin at isulat ang mga
impormasyong hinihingi mula sa iyong mga napag-alaman. Kopyahin ang gawain sa
sagutang papel at punan ng mga sagot. May halimbawang ibinigay para sundin mo.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Kalagayan ng lipunan sa Epekto ng akda pagkatapos Pagtukoy sa layunin ng


panahong naisulat ito itong isulat pagsulat ng akda
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
Ipinagbabawal ang mga Nagbuklod sa mga Pilipino Mailahad ang mga
babasahing tumutuligsa sa para labanan ang pangaapi kaapihan at kawalang
kalupitan ng mgaKastila. ng mga mananakop katarungang naranasan
_ niya sa lipunan.
_

F8Q4_A1 Aktibiti 4. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang akdang Florante at Laura bilang bahagi ng ating panitikan?

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor

A. Organisasyon ng mga idea 5 puntos

B. Kawastuan ng mga kaisipan 5puntos


C. Orihinalidad 5puntos
KABUOAN 15 PUNTOS

5 - Napakahusay 3 – Mahusay 1 - Di-Mahusay

4 - Mas-Mahusay 2 - Medyo Mahusay

Mahalaga ito sapagkat malaki ang mga gampanin nito sa pagkamit ng


ating kalayaan .Ito rin ay nagsasalamin ng mga pinaghirapan at mga
pagsubok na dinaanan ng ating mamayan upang makalaya.

You might also like