You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANGAN EXAM

1. Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mgakaalaman ng mga mag-aaral
kaya ito tinatawag din na __________ na pagsulat.
A. intelektwal B. personal C. teknikal D. lohikal
2. Ang mga sumusunod ay mahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat maliban sa;
A. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.
B. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng
akademikong komunidad.
C. Ang akademikong pagsulat ay walang sinusunod na partikular na kumbensyon.
D. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.
3. Ang __________________ ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo upang matulungan ang
mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga argumento o ideya ng sumulat.
A. akdang pampanitikan B. akademikong teksto C. sulating teknikal D. sulating tradisyonal
4. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging _______ nito, inaral, sinaliksik,
obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka- impluwensya ng kanyang mambabasa.
A. impormal B. kumbensyunal C. pormal D. lohikal
5. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang ______________kung saan kinakailangan ang mataas na
antas ng kasanayan sa pagsulat.
A. akademikong institusyon B. bahay C. online chat room D. lahat ng nabanggit
6. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman sa paraang nakalimbag.
A. Pakikinig B. Pagsasalita C. Pagsusulat
7. Anyo ng pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga
halimbawa.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay
8. Anyo ng pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay
9. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa
isang isyung nakahain sa manunulat.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pangangatwiran
10. Anyo ng Pagsulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar o pangyayari.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay
11. Uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan, gabay,
o damdamin sa paglalakbay.
A. abstrak B. sanaysay C. tula
12. Ang sumusunod na sulating akademiko ay naglalahad:
A. abstrak, bionote, buod, sintesis
B. posisyong papel, talumpati
C. photo essay, replektibong sanaysay, lakbay sanaysay
13. Ang mga sumusunod ay halimbawang sulating akademiko na naglalarawan;
A. abstrak, bionote, buod, sintesis
B. posisyong papel, talumpati
C. photo essay, replektibong sanaysay, lakbay sanaysay
14. Ang mga halimbawang sulating akademiko ay nangangatuwiran;
A. abstrak, bionote, buod, sintesis
B. posisyong papel, talumpati
C. photo essay, replektibong sanaysay, lakbay sanaysay

15.Ang mga halimbawang sulating akademiko ay nagsasalaysay;


A. abstrak, bionote, buod, sintesis
B. posisyong papel, talumpati
C. photo essay, replektibong sanaysay, lakbay sanaysay
16. Anong uri ng abstrak ang karaniwang ginagamit sa mga papel sa Agham Panlipunan?
A. Deskriptibong Abstrak C. Naratibong Abstrak
B. Impormatibong Abstrak D. Sikolohiyal na Abstrak
17. Saan galing ang salitang abstrak?
A. Sa Latin na ibig sabihin ay abstraque C. Sa Espanyol na ibig sabihin ay abstraki
B. Sa Latin na ibig sabihin ay abstracum D. Sa Espanyol na ibig sabihin ay abstrako
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mahusay na
abstrak?
A. Binubuo ng 50-100 salita
B. Kompleto ang mga bahagi
C. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
D. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa
19. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagsulat ng abstrak?
A. I-proofread ang pinal na kopya C. Isulat ang unang draft ng papel
B. Basahing muli ang buong papel D. Irebisa ang unang draft ng papel
20. Bakit itinuturing na “Mukha ng Akademikong Papel” ang abstrak?
A. Dahil ito ang makikita sa pinaka-unang pahina ng aklat
B. Dahil ito ang pinakamahalagang uri ng akademikong papel
C. Dahil kung walang abstrak wala ring akademikong papel
D. Dahil ang abstrak ang karaniwang tinitingnan ng mga mambabasa.

B. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama, M naman kung Mali.
1. Sa Akademiya, nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kasanayang kaugnay ng larangang
pinagkakadalubhasaan
2. Ang mga kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat ay hindi naman kailangan sa
pagsulat ng mga sulating akademiko.
3. Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at
eksperimentasyon sa mga institusyong pang-akademiko
4. Ginagabayan ang akademikong pagsulat ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng
pagsusuri.
5. Ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan naman ng karanasan, kasanayan, at common sense.
6. Ang akademikong sulatin ay direktang tumutukoy sa tao at damdamin, hindi sa mga bagay, ideya, at
katotohanan.
7. Ang pananaw sa pagsulat ng akademikong sulatin ay nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
8. Ang batayan sa pagkuha ng datos sa pagsulat ng mga akademikong sulatin ay mula sa obserbasyon,
pananaliksik, at pagbabasa.
9. Ang akademikong sulatin ay subhektibo, samantala ang di-akademikong sulatin ay obhektibo.
10. Ang audience ng mga akademikong sulatin ay mga mag-aaral, guro o mga iskolar.

C. Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang tamang sagot.


Extemporaneous Paghahanda Nanghihikayat
Kasukdulan Nangugulat Impormatibo
Pagbaba Okasyonal Mang-aliw
Pag-unlad Espesyal Impromptu

1. Talumpating naglalahad ng kaalaman tungkol sa isang paksa.


2. Talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang okasyon.
3. Talumpating nanghihikayat sa mga tagapakinig na gawin ang isang bagay.
4. Talumpating pinaghandaan ng ilang oras o araw.
5. Talumpating walang paghahanda.
6. Talumpating nagpapatawa sa mga tagapakinig.
7. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang pagpukaw sa atensyon ng tagapakinig.
8. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
9. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang paglikha ng tensyon sa talumpati.
10. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang pagtatapos ng talumpati.

D. Gamitin ang mga sumusunod sa loob ng pangungusap.

1. Daw
2. Raw
3. Walisan
4. Walisin
5. Subukan
6. Subukin
7. Pinto
8. Pintuan
9. Ooperahan
10. Ooperahin

You might also like