You are on page 1of 3

La Consolacion College

(Formerly Holy Child School)


Poblacion, Liloan Cebu

PANGGITNANG PAGTATAYA (FIL 2)


at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Pangalan: Chrystylyn Bacalso


FF
Petsa: 11/26/2021

Kurso at Taon: BEED 2 Marka:

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong sa bawat bilang. Pag-isipan nang mabuti ang
pipiliing sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_ A__ 1. Ang pangunahing layunin nito ang maipahayag ang nararamdaman at nasasaloob.
a. Ekspresib c. Naratibo
b. Transaksyunal d. Deskriptibo
_B_ 2. Layunin nito na magbigay ng interpretasyon, mangatwiran, maghatid ng impormasyon, magsuri,
manghikayat, o di kaya makipagpalitan ng mga ideya sa iba.
a. Ekspresib c. Naratibo
b. Transaksyunal d. Deskriptibo
__B___ 3. Ito ay isang proseso ng pagbibigay kahulugan sa isang teksto.
a. Pag-unawa c. Pakikinig
b. Pagbasa d. Pagsulat
__D___ 4. Ito ay isang proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga tiyak na katanungan ng tao
tungkol sa kanyang lipunan o kapaligiran.
a. Pagbasa c. Pakikipanayam
b. Pagsasarbey d. Pananaliksik
__D___ 5. Ang sumusunod ay mga gawain bago sumulat (pre-writing) maliban sa:
a. Pangangalap o pag-iimbak ng ideya
b. Pag-iisip at dito pinaplano ang susulatin
c. Talakayan o brainstorming na maaaring isahan o maramihan
d. Ang mga kaisipan, ideya, pananaw ay isinatitik na sa papel
__D___ 6. Ang sumusunod ay mga gawain sa pagsulat ng burador (draft/writing stage) maliban sa:
a. Aktwal at malayang paggawa ng draft o burador
b. Hindi pinasusubalian ang maaaring pagkakamali
c. Ang mga kaisipan, ideya, pananaw ay isinatitik na sa papel
d. Dito nagaganap ang total na pagwawasto (editing)
__D___ 7. Ang sumusunod ay mga gawain sa huling hakbang ng pagsulat (re-writing) maliban sa:
a. Sinusuri o inaalam ang pag-aayos, pagsunud-sunod ng presentasyon, mga bantas,
gramatika at iba pang mekanismo sa pagsulat
b. Dito nagaganap ang total na pagwawasto
c. Ifokus ang sulatin sa interes, kaisahan, at pag-uugnay-ugnay ng ideya
d. Pag-iisip at dito pinaplano ang susulatin
__A___ 8. Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
a. Akademik c. Jornalistik
b. Teknikal d. Referensyal
__B___ 9. Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o
komersyal na layunin.
a. Akademik c. Jornalistik
b. Teknikal d. Referensyal
__C__ 10. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang
makikita sa mga pahayagan o magasin.
a. Akademik c. Jornalistik
b. Teknikal d. Referensyal
__D___ 11. Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hingil sa isang paksa.
a. Akademik b. Teknikal
c. Jornalistik d. Referensyal
__A___ 12. Uri ng jornalistik na ang nilalaman ay ang anumang pangyayaring may kaugnayan sa
kapayapaan ng bansa, ng kabuhayan, edukasyon, politika, kultura, isports, kalusugan at/o
relihiyon ay isang balita.
a. Balita c. Lathalain
b. Editoryal d. Balitang pang-isports
__B___ 13. Uri ng jornalistik na sulatin na naglalaman ng anumang artikulong nagbibigay-pakahulugan
sa balita.
a. Balita c. Lathalain
b. Editoryal d. Balitang pang-isports
__C___ 14. Uri ng jornalistik na sulatin na nakapaghahatid ng kaalaman sa mga mambabasa bukod pa sa
kasiyahan at kawilihang hatid nito kabilang ang interbyu, libangan gaya ng palaisipan, horoscope
at iba pa.
a. Balita c. Lathalain
b. Editoryal d. Balitang pang-isports
__D___ 15. Uri ng jornalistik na sulatin na naglalaman ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga laro
at paligsahan.
a. Balita c. Lathalain
b. Editoryal d. Balitang pang-isports
__D___ 16. Ang sumusunod ay mga konsiderasyon sa pangangalap at paggamit ng mga datos maliban sa:
a. Layunin ng pag-aaral c. Kahalagahan ng pag-aaral
b. Inaasahang matutuklasan sa pag- d. Paksa ng pag-aaral r
__A___ 17. Ang isang matagal na gawain sa paghahanda ng pananaliksik na nangangailangan ng sapat na
panahon.
a. Pangangalap ng datos c. Sinopsis
b. Direktang sipi d. Parapreys
__D__ 18. Ito ay ang pagsasabing muli ng impormasyong naitala ng mananaliksik mula sa
pinanggalingang sanggunian na gamit sa kanyang sariling pangungusap.
a. Pagbabalangkas c. Sinopsis
b. Direktang sipi d. Parapreys
__A__ 19. Itinuturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha itong mahalaga upang maiwasan ang
paglayo sa pagtalakay sa isang paksang napili.
a. Pagbabalangkas c. Sinopsis
b. Direktang sipi d. Parapreys
__C__ 20. Ito ay isang mensahe o pahayag na naglalaman ng balita, impormasyon, o
nararamdaman ng nagpadala para inaasahang tatanggap nito na nasa ibang lugar.
a. Cellphone c. Liham o Sulat
b. Computer d. Balita
__A___ 21. Bahagi ng liham na naglalahad ng pinagmulan o tirahan ng sumulat at ang petsa kung kailan
niya ito isinulat.
a. Pamuhatan c. Bating pangwakas
b. Bating panimula d. Lagda
__B___ 22. Bahagi ng liham na ang tawag sa pambungad na pagbati sa babasa ng iyong liham.
a. Pamuhatan c. Katawan ng liham
b. Bating panimula d. Bating pangwakas
Katawan ng Liham 23. Bahagi ng liham na naglalaman ng iyong mensahe o dahilan sa iyong pagsulat sa
inaasahang babasa nito.
a. Pamuhatan c. Bating pangwakas
b. Bating panimula d. Lagda
__C___ 24. Bahagi ng liham na kung saan nagpapaalam ang sumulat.
a. Pamuhatan c. Bating pangwakas
b. Katawan ng liham d. Lagda
__D__ 25. Bahagi ng liham na nagsasaad ng pangalan ng sumulat ng liham.
a. Pamuhatan c. Katawan ng liham
b. Bating panimula d. Lagda

II. TAMA O MALI. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pahayag ng bawat bilang. Isulat
ang titik T kung ito ay nagpapahayag ng tama at kung mali ay palitan ang salitang may
salungguhit upang ito ay maging tama. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

T 1. Ang pagsulat ay paraan ng interkomunikasyon ng tao sa pamamagitan ng arbitraryong simbolo na


minamarkahan upang makabuo ng isang Sistema.
T 2. Ang balangkas sa tradisyunal na anyo ay binubuo ng bilang Romano, mga malaking titik o letra,
bilang Arabik, at maliliit na titik.
Tesis na pangungusap 3. Ang susing ideya ang pinakabuod na nagpapahayag ng kabuuan ng ideya.
Susing ideya 4. Ang tesis na pangungusap ay ang salitang “may laman” sa isang pahayag, gaya ng mga
konsepto, teorya, katawagan at iba pa.
T 5. Sa paghahanda ng mga datos, higit na makabubuti ang pagtatala ng mga layunin kaysa sa paglilista
ng mga hipotesis.
T 6. Ang pamamaraang madaling mahanapan ng impormasyon ukol dito ay mahalaga sa pag- aaral.
T 7. Ang materyal na sisipiin ay dapat malinaw, may mga bantas at ang pahina na pinagkunan ng sipi.
T 8. Isa sa mga paraan ng pagsulat ng synopsis ay ang pagsulat ng unang burador, pagrebisa nang
makailang ulit, at muling isulat sa malinis na papel.
T 9. Itinuturing na isang bersyon ng pinaikling synopsis o buod ang prese.
T 10. Ang parapreys ay punto-sa-puntong pagbubuod ng ideya ng ibang tao na ipinahahayag niya sa
sariling pangungusap.

III. Panuto: Sagutan ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

1-4. Elemento sa Paghahanda o Paggamit ng mga Datos

 Layunin
 Panukat
 Paksa
 Pamaraan

5-7. Uri ng Pag-aayos ng mga Datos

 Direktang sipi
 Sinopsis (Buod)
 Parapreys (Hawig)

8-10. Mga Bahagi ng Teksto

 Introduksyon
 Gitna o Nilalaman
 Wakas o Kongklusyon

11-15. Mga Bahagi ng Liham

 Pamuhatan
 Bating panimula
 Katawan ng liham
 Bating pangwakas
 Lagda

You might also like