You are on page 1of 4

SANTA FILOMENA NATIONAL HIGH SCHOOL

Ikatlong Markahan - Unang Lagumang Pasulit


sa
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pangalan: ___________________________________ Seksiyon: ________ Petsa: ________ Iskor: __________

Pangalan at Lagda ng Magulang/Tagapangalaga: ________________________________________________________


KABUUANG PANTUTO: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
sagot sa patlang bago ang bilang.
Self-Learning Home Task 1

___1. Ito ay isang proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon
o ideya na kinakakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang
maunawaan.
A. Pagbasa B. Pagsulat C. Pagsusuri D. Wika
___2. Ang wika ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Bawat wika ay may kaniya- kaniyang istuktura at
kahulugan na kailangang alamin upang maunawaan ang impormasyong ipinahahayag nito
(Panganiban 2016).
A. Kognitibong Aspekto B. Komunikatibong Aspekto
C. Pisyolohikal na Aspekto D. Panlipunang Aspekto
___3. Iniintegreyt at iniuugnay ang kaalamang nakuha ng mambabasa sa kanyang dati nang kaalaman
at/ o karanasan sa hakbang na ito. Halimbawa: Pinapaisip ng guro ang mga estudyante ng isang
sitwayson sa kanilang buhay na maiuugnay sa isang tiyak na pangyayari sa loonb ng tekstong
binasa.
A. Asimilasyon B. Komprehensyon C. Persepsyon D. Reaksyon
___4. Pagpoproseso ito sa isipan sa mga impormasyong ipinapahayag ng simbolikong nakalimbag. Ang
pag-unawa sa teksto ay nagaganap sa hakbang na ito. Halimbawa: Ang bawat grupo ay naghahanda
ng kanilang pagpapaliwanag batay sa naunawaan ng kanilang tekstong binasa.
A. Asimilasyon B. Komprehensyon C. Persepsyon D. Reaksyon
___5. Ito ay pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahang mabigkas ang tunog ng mga titik na
bumubuo sa bawat salita. Halimbawa: Ang ikalawang pangkat ay sabay sabay na binibigkas sa
bahagi ng tekstong ibinigay ng guro nang buong linaw.
A. Asimilasyon B. Komprehensyon C. Persepsyon D. Reaksyon
___6. Ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso
sa tulong ng mata at utak o isipan. Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa
paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza(Cababan 2017).
A. Teoryang Ibaba-Itaas B. Teoryang Itaas-Ibaba C. Teoryang Interaktibo D. Teoryang Schema
___7. Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga kaalaman na nabubuo na sa
kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Anong teorya ito ng
pagbasa.
A. Teoryang Ibaba-Itaas B. Teoryang Itaas-Ibaba C. Teoryang Interaktibo D. Teoryang Schema
___8. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto (Cababan
2017).
A. Teoryang Ibaba-Itaas B. Teoryang Itaas-Ibaba C. Teoryang Interaktibo D. Teoryang Schema
___9. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binabasang teksto.
A. Damdamin B. Paksa C. Pananaw D. Tono
___10. Ito ay pangkalahatang tema o mensahe. Ito ay tinatawag ng iba na sabjek.
A. Damdamin B. Paksa C. Pananaw D. Tono
___11. Ito ay tumutukoy sa nagsasalaysay o nagsasalita sa isang teksto.
A. Damdamin B. Paksa C. Pananaw D. Tono
___12. Ito ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay.
A. Damdamin B. Paksa C. Pananaw D. Tono
___13. Ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayanng mga
proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.
A. Argumentativ B. Informativ C. Persweysiv D. Narativ
___14. Ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon.
A. Argumentativ B. Informativ C. Persweysiv D. Narativ
___15. Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.
A. Argumentativ B. Informativ C. Persweysiv D. Narativ
___16. Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay.
A. Argumentativ B. Informativ C. Persweysiv D. Narativ
___17. Ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal na katangian
ng isang tao, lugar, bagay.
A. Deskriptib B. Impormatibo C. Prosidyural D. Nanghihikayat
___18. Ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng hakbang ng malinaw na
hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain.
A. Narativ B. Prosidyural C. Perseysiv D. Informativ

Para sa 19-22
Ano ang mga sintomas ng bagong coronavirus?
Kasama sa mga sintomas ang lagnat, pagkapagod, ubo, at pananakit ng kalamnan o katawan.
Ang sakit ay maaaring umunlad sa igsi ng paghinga at mga komplikasyon mula sa pulmonya. Ang mga
sintomas ay maaari ring isama ang pagduduwal sa pagsusuka, pagtatae, panginginig, pawis sa gabi,
namamagang lalamunan, sakit ng ulo, pagkalito, o pagkawala ng lasa o amoy. Ang ilang mga
nahawaang pasyente ay nakakaranas lamang ng mga banayad na sintomas habang ang iba pa - lalo na
ang mga matatandang indibidwal at ang mga may kalakip na kalagayan sa kalusugan - ay maaaring
magkaroon ng mas malubhang sintomas. Ang mga sintomas ay maaaring bumuo ng 2-14 na araw
pagkatapos ng pagkakalantad sa virus.
Kung nagkakaroon kayo ng mga babala ng emerhensiya para sa COVID-19, kumuha agad ng
medikal na atensyon. Kasama sa mga babala ng emerhensiya*:
Problema sa paghinga
Patuloy na sakit o presyon sa dibdib
Bagong pagkalito o kawalan ng kakayahan upang pukawin
Asul sa labi o mukha

www.sccgov.org
___19. Ano ang layunin ng may-akda sa kanyang teksto?
A. Nagbigay ng impormasyon B. Nagpapaliwanag.
C. Nagsasalaysay. D. Nangungumbinsi.
___20. Anong pananaw ang ginamit ng teksto sa paglalahad ng mga impormasyon?
A. Unang panauhan B. Ikalawang Panauhan
C. Ikatlong Panauhan D. Kombinasyon
___21. Ano ang tonong nangingibabaw sa loob ng teksto?
A. malungkot B. mapangutya C. masaya D. seryoso
___22. Ano ang paksa nangingibabaw sa loob ng teksto?
A. Babala ng Coronavirus B. Mga babala ng emerhensiya para sa COVID-19
C. Mga Dapat Gawain kung may Coronavirus D. Sintomas ng Coronavirus
___23. “Ibinahagi ni Cathy sa buong klase ang kanyang masasabi hinggil sa akdang binasa at mensaheng
inihatid ng akda.” Ang proseso sa pagbabasa na tinutukoy sa halimbawa ay?
A. Asimilasyon B. Komprehensyon C. Persepsyon D. Reaksyon
___24. “Sinuri ni Archie ang istilo sa pagsulat ng manunulat ayon sa kwastuhan at kahusayan nito.” Ang
proseso sa pagbabasa na tinutukoy sa halimbawa ay?
A. Asimilasyon B. Komprehensyon C. Persepsyon D. Reaksyon
Self-Learning Home Task 2 (Tekstong Impormatibo

___25. Ayon sa kanya ang pangunahing uri ng teksto na kapupulutan ng kaalaman ay ang tekstong
Impormatibo.
A. Atanacio B. De Laza C. Peña D. Villapaz
___26. Sinasabi niyang ang tekstong impormatibo ay kung minsan tinatawag ding ekspositori.
A. Atanacio B. De Laza C. Peña D. Villapaz
___27. Ayon sa kaniya, ang mga nakasulat na konsepto at kaisipan ay maaaring mabasa o makita sa
anuman at alinmang babasahin. May malaking pagkakaugnayan ang kaalamang pantalasalitaan sa
pag-unawa ng teksto.
A. Atanacio B. De Laza C. Peña D. Villapaz
___28. Mahihinuha sa pagpapakahulugan nina _________ 2016, _________ 2016 at _________na
magkakapareho ang kanilang kaisipan hinggil sa teksto na maghatid ng mahalagang detalye o
impormasyon sa kabatiran ng mga mambabasa.
A. Atanacio, Villapaz at De Laza B. Atanacio, Villapaz at De Peña
B. Atanacio, Peña at De Laza D. Peña, Villapaz at De Laza
___29. Ito ay ang hangarin na nais ihatid nang may-akda sa kanyang mga mambabasa at sasagot sa
tanong na “Anong impormasyon ang nais ipabatid ng sumusulat sa kaniyang target na
mambabasa?”. Ano ito?
A. Istilo sa Pagsulat C. Pangunahing ideya
B. Layunin ng may-akda D. Pantulong na Kaisipan
___30. Ito ay sasagot sa tanong na “Tungkol saan ang teksto?”, ano ito?
A. Istilo sa Pagsulat C. Pangunahing ideya
B. Layunin ng may-akda D. Pantulong na Kaisipan
___31. Mahalagang malinaw na mailahad ang mga detalyeng ito upang matumbok ang pangunahing ideya
ng teksto. Ito ay sasagot sa tanong na “Ano-ano ang nailatag ng mga detalye na sumusuporta sa
pangunahing ideya?”. Ano ito?
A. Istilo sa Pagsulat C. Pangunahing ideya
B. Layunin ng may-akda D. Pantulong na Kaisipan
___32. Ang elementong ito ay ang kagamitan o sangguniang magtatampok sa mga bagay na bibigyang-
diin.
A. Istilo sa Pagsulat C. Pangunahing ideya
B. Layunin ng may-akda D. Pantulong na Kaisipan
___33. Anong istilo sa pagsulat ang ginagamit kung mga terminolohiya na may kaugnayan sa paksa ang
bibigayng pakahulugan?
A. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
B. Paggamit ng mga nakalarawang presentasyon
C. Pagsulat ng mga Talasanggunian
D. Talasalitaan
___34. Anong istilo sa pagsulat ang ginagamit kung may mga larawan, guhit dayagram, tsart,
talahanayan, timeline, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa?
A. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
B. Paggamit ng mga nakalarawang presentasyon
C. Pagsulat ng mga Talasanggunian
D. Talasalitaan
___35. Karaniwang inilagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba
pang sangguniang ginagamit upang higit na mabigyang diin ang katotohanang naging basehan sa
mga impormasyong taglay nito. Anong istilo ito sa pagsulat ng tekstong impormatibo?
A. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
B. Paggamit ng mga nakalarawang presentasyon
C. Pagsulat ng mga Talasanggunian
D. Talasalitaan
___36. Coronaviruses - isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso, nagiging
sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga/respiratoryo (SARS). Anong istilo ng pagsulat ang
ginamit sa halimbawang pangugusap?
A. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
B. Paggamit ng mga nakalarawang presentasyon
C. Pagsulat ng mga Talasanggunian
D. Talasalitaan
___37. Ang elementong ito ay ang paggamit ng kayarian sa paglahad ng teksto ay nakatutulong upang
maunawaan ang katha.
A. Hulwarang Organisasyon C. Pangunahing ideya
B. Layunin ng may-akda D. Pantulong na kaisipan
___38. Layunin ng tekstong ito na mabigyang linaw ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaalaman,
pangyayari, tao at iba pa (Bernales et al 2013), anong hulwaran ng organisasyon ng tekstong
impormatibo ang tinutukoy nito?
A. Paghahambing at Pagkokontrast B. Pagbibigay kahulugan
C. Pag-iisa-isa o Enumerasyon D. Suliranin at Solusyon
___39. Ipinapaliwanag ng manunulat ang kahulugan ng isang salita, terminolohiya, o konsepto. Layunin
nitong mabigyang-kahulugan ang iba’t ibang termino upang mabigyan-daan ang lubos na
pagkaunawa ng mga mambabasa sa teksto (Bernales et al 2013). Anong hulwaran ng organisasyon
ng tekstong impormatibo?
A. Paghahambing at Pagkokontrast B. Pagbibigay kahulugan
C. Pag-iisa-isa o Enumerasyon D. Suliranin at Solusyon
___40. Madalas maging sintomas ng mga viral infections na ganito ang pagkakaroon ng mataas na init sa
katawan, pagkakasakit ng katawan, sore throat, malalang pagsipon at pagubo. Sa halos lahat ng
kaso, tumatagal ito ng ilang araw bago nawawala A. Paghahambing at
Pagkokontrast B. Pagbibigay kahulugan
C. Pag-iisa-isa o Enumerasyon D. Suliranin at Solusyon
___41. Ginagamit ang hulwarang ito upang maglahad ng problema at kalaunan ay maglahad ng solusyon
sa suliranin, ano ito?
A. Pagbibigay kahulugan B. Paghahambing at Pagkokontrast
C. Sanhi at Bunga D. Suliranin at Solusyon
___42. Nagpapakita ito ng direktang relasyon sa pagitan ng bakit nangyari ang pangyayari at kung ano
ang naging resulta nito, anong hulwaran ang tinutukoy nito?
A. Pagbibigay kahulugan B. Paghahambing at Pagkokontrast
C. Sanhi at Bunga D. Suliranin at Solusyon
___43. Ano ang paraan ng pagkalahad ng tekstong impormatibo?
A. nagsasalaysasy C. naglalarawan
C. nangangtuwiran D. nagpapaliwanag/naglalahad
___44. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatibo maliban sa isa, ano ito?
A. artikulo B. balita
C. editoryal D. pananaliksik
___45. Ang mga sumusunod ay layunin ng tekstong impormatibo maliban sa isa, ano ito?
A. maghatid ng kaalaman, B. magpaliwanag ng mga ideya,
C. magbigay-kahulugan sa mga ideya, D. mangumbinse
___46. Coronaviruses - isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso, nagiging
sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga/respiratoryo (SARS). Anong hulwaran ng orgnisasyon ng
tekstong impormatibo ang halimbawang pangungusap?
A. Paghahambing at Pagkokontrast B. Pagbibigay kahulugan
C. Pag-iisa-isa o Enumerasyon D. Suliranin at Solusyon

___47. Ang mga sumunood ay elemento ng tekstong impormatibo maliban sa isa, ano ito?
A. Layunin ng may-akda B. Pagbibigay-diin sa mga salita
C. Pag-iisa-isa D. Pantulong na kaisipan
___48. Ang mga sumunood ay hulwaran ng organisasyon ng tekstong impormatibo maliban sa isa, ano
ito?
A. Paghahambing at Pakokontrast B. Sanhi at bunga
C. Suliranin at Solusyon D. Talasalitaan

You might also like