You are on page 1of 4

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO PANANALIKSIK

IKATLONG KUWARTER

1. Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya sa pagtuturo ay binibigyan din
niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang mapagtagumpayan ko ang hamon sa aking buhay. Anong
uri ng paglalarawan ang ginamit sa pahayag?
a. Karaniwang paglalarawan c. deskriptib teknikal
b. Obhetibo d. subhetibo
2. Ito ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan.
a. Deskriptibo b. impormatibo c. naratibo d. argumentatibo
3. Suriin ang halimbawang teksto kung nasa anong nilalaman ito ng prosidyural.
“Sa paggawa ng saranggola, kailangan mo ang mga sumusunod: dalawang (2) piraso ng patpat-1/4 pulgada
ang kapal, papel de hapon, pandikit, tali, at palara o papel.
a. Target na awtput b. kagamitan c. metodo d. ebalwasyon
4. Ito ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto, kung paano
inorganisa ang mga ideya.
a. scanning b. skimming c. mapagsiyasat d. sintopikal
5. Sa antas ng pagbasang ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuoang teksto at nagbibigay ng mga
hinuha o impresyon.
a. primarya b. mapagsiyasat c. analitikal d. sintopikal
6. May layunin itong magbigay ng impormasyon, magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa
iba’t ibang paksa?
a. deskriptib b. Impormatib c. persuweysib d. prosidyural
7. Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong sa iyo ng pagbabasa?
a. Napapalawak ang ating bokabularyo. c. Napatataas ang antas ng ating pang-unawa.
b. Nadagdagan ang ating kaalaman. d. lahat nang nabanggit
8. Ito ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na
itinakda bago magbasa.
a. scanning b. skimming c. analitikal d. sintopikal
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng HINDI tamang pagpapakahulugan sa
antas ng pagbasa?
a. Sa pagbasa ay may pag-asa.
b. Mula sa analitikal na pagbasa ng isang aklat ay maaari ka nang maging eksperto sa isang tiyak na paksa.
c. Ang mapagsiyasat na pagbasa ay maghahawi tungo sa analitikal na pagbasa.
d. Ang primaryang pagbasa ang pinakamataas na antas ng pagbasa.
10. Ito ang mga babasahin na naglalaman ng mga kaalaman, impormasyon, kaisipan, idea, saloobin, at
damdamin ng iba’t ibang tao ay tinatawag na ______________.
a. teksto b. pagbasa c. prosidyur d. paglalarawan
11. Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay na ang bahaging ito ay nasa kasanayang bago magbasa?
a. Sa kasanayang ito maisasagawa ng isang mambabasa ang pagtatasa ng komprehensiyon, pagbubuod,
pagbuo ng sintesis at ebalwasyon.
b. Sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan
ang teksto.
c. Kinakapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto.
d. pagtukoy sa opinyon o katotohanan ng isang pahayag ay mahalagang kasanayan ng isang mambabasa.
12. Nawa’y kasabay ng mga pagbabagong iyon, hindi mawawala ang ating kagustuhang makatulong at
tumulong sa ating kapwang nangangailangan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
_________________.
a. mabisa b. kasama c. hangarin d. pangkaraniwan
13. Suriin kung anong salita ang tinutukoy sa ginamit na kahulugan sa pahayag. “Lahat tayo ay nasa panahon
ng kagipitan o peligro na ito ngunit may mga itinuturo din itong aral sa atin”.
a. krisis b. epektibo c. kasama d. bayanihan
14. Ito ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto
a. pananaw b. damdamin c. opinyon d. layunin
15. Ito ay may layuning makuha ang “gist” o pinakaesensiya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng
pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan.
a. Intensibong Pagbasa b. Ekstensibong Pagbasa c. primarya d. mapagsiyasat
16. Sa antas ng pagbasang ito ay maaaring maging eksperto sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing
ng mga akdang inuunawa.
a. primarya b. mapagsiyasat c. analitikal d. sintopikal
17. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng tamang pahayag tungkol sa kahalagahan ng pagbasa?
a. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan.
b. Nakararating sa mga pook na hindi pa narating.
c. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan.
d. Lahat nang nabanggit.
18. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa
ang isang tiyak na bagay.
a. deskriptib b. impormatib c. persuweysib d. prosidyural
19. Buhay pa rin ang bayanihan sa ating bansa ngunit digital na sa tulong ng mga apps at fund transfers. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Pagtulong ng walang inaasahang kapalit c. bago sa pangkaraniwan
b. Pangkaraniwan d. kasama
20. Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang nagpapakita ng paghahanda sa pagbasa?
a. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin
b. Paghahawan ng sagabal
c. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan
d. Nagdadagdag ng kaalaman
21. Marami ang magbabago at iyon ang magiging “new normal” para sa ating lahat. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
a. Bago sa pangkaraniwan b. pangkaraniwan c. paggamit ng teknolohiya d. mabisa

22. Updated digitally na ang halos lahat ng bagay pati ang pagtulong sa ating kapwa ngayong panahon ng
enhanced community quarantine (ECQ) kung saan kailangang sundin ang physical/social distancing. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit c. paglayo-layo ng mga tao
b. Paggamit ng teknolohiya d. panahon ng kagipitan o peligro
23. “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto. Magbasa upang mabuhay”, ang pahayag na ito ay winika ni______?
a. Gustave Flaubert b. Anderson et al. c. Roald Dahl d. Douglas Brown
24. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula
sa tagabasa kundi sa teksto.
a. Bottom-up b. Top-down c. Interactive d. Iskema
25. Ito ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay.
b. impormatibo b. deskriptibo c. naratibo d. persuweysib
26. Ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa
o usapin gamit ang mga ebedinsya.
a. argumentatibo b. naratibo c. impormatibo d. deskriptibo
27. Sa pahayag na “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga
matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa upang mabuhay”. Ano ang nais na ipahiwatig nito sa iyo
bilang isang mambabasa?
a. Sa pamamagitan ng pagbabasa ay nailapat natin at naisabuhay ang ating mga nababasa.
b. Tayoy magbasa para hindi mamatay at tayoy mabuhay.
c. Gayahin natin ang mga bata sa paraan ng kanilang pagbabasa.
d. Sa pamamagitan ng pagbabasa tayo ay nalilibang lamang.
28. Ayon kina _______________ ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga
nakakodang impormasyon sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum?
a. Stewart at Tei b. Long at Richards c. Urquhart at Weir d. Adler at Doren
29. Imadyinin natin ang isang bata, tumatakbo sa kalsada, pipi siya, at tabingi ang mukha,
pinagtatawanan ng ibang bata, kaya lagi siyang umiiyak at tumatakbo. Suriin kung anong uri
ito ng teksto?
a. Argumentatib b. deskriptib c. impormatib d. persuweysib
30. Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
a. Target na awtput b. kagamitan c. metodo d. ebalwasyon
31. Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kwento. Kadalasang ipinapakilala sa pamamagitan ng flashback.
Anong pamamaraan ito ng narasyon?
a. Plot twist b. foreshadowing c. in medias res d. ellipsis
32. “Sinisimulan sa pagsisiyasat ang tekstong babasahin upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa
batay sa genre ng teksto”. Suriin ang pahayag kung anong kasanayan ito nabibilang?
a. Bago Magbasa b. Habang Nagbabasa c. Pagkatapos Magbasa d. wala sa nabanggit
33. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon
ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
a. Bottom-up b. Top-down c. Interactive d. Iskema
34. Ang __________ ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may akda sa ibang pamamaraan at
pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.
a. Abstrak b. Rebyu c. Parapreys d. Teksto
35. Ito ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Anong elemento ito ng pangangatuwiran?
a. Proposisyon b. Argumento c. metodo d. layunin
36. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Anong pamamaraan ito ng
panghihikayat ayon kay Aristotle?
a. Logos b. pathos c. ethos d. glittering
37. Ito ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay. Anong propaganda devices ang ang
ginamit sa pahayag?
a. Glittering Generalities b. Name calling c. transfer d. testimonial
38. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto, MALIBAN sa_________?
a. Upang makilala ang uri ng tekstong ating babasahin
b. Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutunan gaya ng iskiming, iskaning,
kaswal, komprehensibo, at iba pa.
c. Kumokonsulta din tayo sa mga talaan ng nilalaman upang mabatid kung ang akdang ating babasahin ay
may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan natin ng kasagutan.
d. Hindi mahalaga ang mabatid ang layunin, nilalaman, at maging kung sino ang sumulat ng teksto upang
matukoy ang kapakinabangang hatid nito.
39. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa diksiyunaryo tuwing may mababasang
salitang mahirap unawain. Maaaring gumawa ng tentatibong paghihinuha sa pagtukoy ng kahulugan ng
salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng teksto. Alin sa mga sumusunod ang ang maaaring gawin para matukoy
ang kahulugan ng isang salita?
I. bigkasin ang salita II. Suriin ang estruktura ng salita III. Pag-aralan ang konteksto IV. magsaliksik

a. I, II, III b. II, IV, I, c. II, IV d. IV, III, I

40. “Baka makipag-away ka na naman, Impen,” tinig iyon ng kaniyang ina. Nangangaral na
naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng
mumo sa kamay. ( simula ng “Impeng Negro” ni Rogelio Sikat)
a. Impormatib b. naratib c. persuweysib d. prosidyural
41. Ang mga paghahanda sa pagbasa ay kailangang gawin ng isang mambabasa ay ang sumusunod, MALIBAN
sa:
a. Pagpopokus ng atensyon c. paghahawan ng sagabal
b. Bago basahin ang teksto ay hindi pagpamilyar sa paksa nito d. pagpili ng angkop na lugar

42. Tinatawag din itong EKSPOSITORI – o tekstong naglalahad / nagpapaliwanag ay nagbibigay rin ng mga
impormasyon.
a. deskriptibo b. persuweysib c. naratibo d. impormatibo
43. Suriin ang mga pahayag sa ibaba kung alin ang nagpapakita ng katotohanan?
a. Ang pangulo ng Pilipinas ngayon ay si Rodrigo Duterte.
b. Sabi ng kapitbahay namin ang bahay daw na iyan ay may naninirahang multo.
c. Sa aking palagay mas payapa ang buhay ng tao na may takot sa Diyos.
d. Ayon kay Santiago et al., (2000), ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng katamaran ng mga Pilipino.
44. Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, kailan, saan, sino, paano.
a. naratibo b. impormatibo c. deskriptibo d. persuweysib
45. Mga hakbang sa pagtatanim:
Una, ihanda ang binhi o punlang gagamitin.
Pangalawa, ihanda ang lupang pagtataniman o plotting.
Ikatlo, itanim na ang binhi ng may 0.6 cm ang lalim.
Ikaapat, siguraduhing may sapat na tubig at katamtamang sikat ng araw.
a. Argumentatib b. deskriptib c. persuweysib d. prosidyural
46. Gumagamit ng estratehiyang “zoom lens”.
a. Intensibong pagbasa b. Ekstensibong pagbasa c. bago magbasa d. habang nagbabasa
47. Ito ay naglalahad ng mga pahayag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o
mambabasa.
a. naratibo b. persuweysib c. impormatibo d. prosidyural
48. Obhetibo ang paglalahad ng kongkretong katangian ng mga impormasyon sapagkat tiyak ang ginagawang
paglalarawan. Anong uri ito ng paglalarawan?
a. Karaniwang paglalarawan c. masining na paglalarawan
b. Teknikal na paglalarawan d. wala sa nabanggit
49. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatib?
a. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatib.
b. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensyon ng mga tekstong impormatib.
c. Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit.
d. Lahat ng nabanggit
50. May iba’t ibang estruktura ang paglalahad ng tekstong impormatib. Ang pahayag na “Bumaba
ang insedente ng mga napahamak sa pagdiriwang ng Bagong Taon (2020) kumpara sa
nakalipas na limang taon,” ay.
a. Pagbibigay ng depinisyon c. paglilista ng klasipikasyon
b. Paghahambing d. sanhi at bunga
51. Epektibo ito lalo na sa panahong hindi tayo makalabas sa ating bahay. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?.
a. mabisa b. kasama c. hangarin d. paggawa nang mabuti
52. Pagsasalaysay ng mga kuwentong nakaaantig ng galit o awa upang mangumbinsi.
a. pathos b. logos c. ethos d. wala sa nabanggit
53. Ang mga detalye sa tekstong deskriptibo ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng _________ ?
1. Sensory details 2. Figures of speech 3. Factual details 4. Wala sa nabanggit
a. 1,2,4 b. 2,3,4 c. 1,2,3 d. 1,2,3,4
54. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa.
a. prosidyural b. argumentatibo c. impormatibo d. naratibo
55. Gumagamit ng damdamin upang mahikayat ang mga mambabasa.
a. pathos b. logos c. ethos d. wala sa nabanggit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Ibigay ang hinihingi sa bawat aytem at
isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.
56. Sumulat ng isang pangungusap na nagpapakita ng katotohanan.
57. Sumulat ng isang pangungusap na nagpapakita ng opinyon.
58. Bumuo ng pangungusap gamit ang masining/subhetibo na paglalarawan.
59. Bumuo ng pangungusap gamit ang karaniwan/obhetibo na paglalarawan.
60. Bumuo ng isang halimbawang pangungusap/teksto sa paraang prosidyural.

You might also like