You are on page 1of 6

P

ANDIBISYONG IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 11
TAONG PANURUAN 2023-2024

Pangalan______________________________________________Pangkat_______________

Guro_________________________ Paaralan__________________________Iskor_________

I. Basahing mabuti ang katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Bilang mambabasa, makatutulong sa iyo ang kalaman sa pagtukoy sa paksa ng teksto upang____.
A. Maintindihan ang aral na hatid ng teksto.
B. Malaman ang iba’t ibang bagay na pinagtutuunang-pansin ng mga manunulat.
C. Matukoy rin ang mahahalagang ideya o kaalamang pumapaloob sa tekstong nababasa.
D. Matukoy rin ang pinakamahalagang usapin sa lipunang ginagalawan.
____2. Ang paksa ng teksto ay matatagpuan sa ____.
A. Pamagat lamang
B. Pamaksang pangungusap lamang
C. Sa mga suportang detalye lamang
D. Pamagat, pamaksang pangungusap at mga suportang detalye
___3. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Clara dahil sa paniniwalang _______ maaaring magpositibo
sa swab test dahil sa nakasama nila sa loob ng eroplano ang isang nagpositibo sa Covid19.
A.ako’y
B. kami’y
C. siya’y
D. sila’y
____4. Kinatatakutan ng mga magsasaka ang kanilang Panginoon. (makapangyarihang may-ari ng lupa).
Ang pangungusap ay nagtataglay ng kaisipang nasa ___.
A. denotasyon
B. konotasyon
C. pagkokontrast
D. paghahambing
____5. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng manunulat ng tekstong ekspositori maliban sa
A. Paggamit ng sinonim o salitang magkatulad
B. Paggamit ng denotasyon at konotasyon
C. Paglalahad ng proseso
D. Paggamit ng denotasyon at konotasyon
____ 6. Ito ay isang uri ng eksposisyon na naglalayong ipayahag ang pananaw ng isang pahayagan o
ng isang manunulat kaugnay ng isang isyu: mapa-sosyal, pulitikal, ispirituwal o kultural na may
mahalagang impak sa buhay ng tao.
A. Suring – basa o rebyu
B. Sanaysay
C. Editoryal
D. Balita o ulat
Para sa bilang 7-11

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ngunit ayaw ko pa ring pumasok sa aming bahay. Nakapako ang
aking paningin sa dakong lulubugan ng araw. Nakita kong tila kumakaway na nagpapaalam ang paglubog nito.
May lungkot na pumintig sa aking puso kasabay ng pagpatak ng mga perlas na luha mula sa’king mga mata.
Muling nagbalik sa aking alaala, ang mapait na kahapon na akala ko’y tunay ko nang nakalimutan. Ganito rin
ang senaryo nang ipinagkait ko sa kanya ang aking pagpapatawad. Binabagabag ako ng aking kahapon.
Ngayon, ganap ko nang naunawaang huli na ang lahat! Paano na ang aking bukas?

____7. Sino ang nagsasalita sa binasang teksto?


A. Isang dalagang iniwan ng kaibigan
B. Isang taong iniwan ng minamahal dahil sa di pagkakaunawaan
C. Isang binatang hindi napatawad ng kasintahan
D. Isang babaeng hindi marunong magpatawad
____8. Alin sa mga pahayag ang masasabing hindi masining?
A. Nag-aagaw ang liwanag at dilim.
B. May lungkot na pumintig sa aking puso.
C. Nagbalik sa aking alaala ang mapait na kahapon.
D. Ganap ko nang naunawaan na huli na ang lahat.
____9. Anong uri ng tayutay ang pahayag na “Nakita kong tila kumakaway na nagpapaalam ang paglubog
nito”?
A. simili o pagtutulad
B. personipikasyon
C. metapora
D. pagmamalabis
___10. Paano mo ilalarawan ang damdamin ng nagsasalita sa teksto?
A. Labis ang kalungkutan
B. Nanghihinayang sa kahapong nagdaan
C. Naiinis sa mga nangyari sa nakaraan
D. Nalulungkot na may halong pagsisisi at panghihinayang
___11. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng nagsasalita sa teksto, ano ang gagawin mo upang makapag-moved
on ka?
A. Muling maghahanap ng bagong kasintahan.
B. Pipiliting kalimutan sapagkat walang kuwenta ang kahapon.
C. Tanggapin ang kapalaran at harapin ang bukas nang may pagasa.
D. Umasa na muling magtatagpo sila sa darating na panahon.
____12. Naglalahad ng simulain o proposisyon upang mapangatuwiran ang nais iparating na kaalaman sa
mambabasa.
A. Prosidyural
B. Argyumentatibo
C. Persweysib
D. Deskriptibo
___13. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng paksa ng teksto
A. Ang salitang paulit-ulit na ginagamit sa kabuuan ng teksto
B. Ang kaisipang paulit-ulit at binibigyang-pokus at iniikutan ng mga pangungusap o bahagi na
bumubuo sa teksto
C. Ang pamaksang pangungusap sa isang teksto
D. Ang mga inihanay na suportang detalye na nagpapalawak sa teksto
___14. Ito ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa o pagkadismaya
matapos makita, malaman, marinig o mapanood ang isang bagay na may halaga sa isang organismo
kagaya ng tao.
A. Kaugnayan
B. Reaksyon
C. Bisa
D. Kalinawan
____15. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng teksto.
A. Paksang pamagat
B. Panimulang sulatin
C. Pangunahing kaisipan
D. Pansuportang kaisipan
____16. Ito ang nagbibigay- linaw sa pangunahing kaisipan.
A. Pangunahing kaisipan
B. Pamaksang kaisipan
C. Pansuportang kaispan
D. Panimulang kaisipan
___17. Piliin ang kaisipang nakapaloob sa salawikaing ito, “Kapag binato ka ng bato,
batohin mo ng tinapay.”
A. Maging masama sa kaaway
B. Mung ano ang ginawa sa iyo, iyon din ang gawin sa kanya
C. Maging mabait sa mga taong mabait sa iyo
D. Maging mabait sa mga tao sa lahat ng pagkakataon
____ 18. Piliin ang tamang pagkakasunod -sunod ng mga paraan sa pagsulat ng reaksiyong papel
A. Pagsulat ng panimulang pahayag, rebisyon, brainstorming, pinal na pagsulat
B. Rebisyon, brainstorming, pagsulat ng panimulang pahayag,pinal na pagsulat
C. Brainstorming, pagsulat ng panimulang pahayag, rebisyon, pinal na pahayag
D. Brainstorming, rebisyon, pagsulat ng panimulang pahayag, pinal na pahayag
____19. Ito ang tawag sa teksto na ang layunin ay ipaalam ang mga hakbang tungo sa paggawa ng isang
bagay.
A. Impormatibo
B. Naratibo
C. Persweysib
D. Prosidyural
____20. Alin sa mga sumusunod ang hikayatin ang mambabasa sa pamamagitan ng lohikal na
pangangatwiran o pagbibigay ng ebidensyang nakabatay sa lohikal at mga pananaw?
A. Naratibo
B. Impormatibo
C. Persweysibo
D. Argumentatibo
____21. Ito ang tekstong naglalahad ng mga bagong impormasyon, kaalaman, paniniwala at
bagong impormasyon, ang tawag sa tekstong ito ay ___.
A. Persweysib
B. Naratibo
C. Impormatibo
D. Deskriptibo
____22. Ito ay may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
A. Reiterasyon
B. Ellipsis
C. Substitusyon (Substitution)
D. Reperensiya (Reference)
____23. Alin sa mga sumusunod ang kohesyong gramatikal o cohesive device ang ginagamit sa
pangungusap na, “Ito ang isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na
kasaysayan.”
A. Ito, katapora
B. Ito, anapora
C. ellipsis
D. pang-ugnay

Para sa bilang 24-30


Suriin ang sumusunod na pangungusap na nasa ibaba. Tukuyin kung ito ay nagpapahayag ng:

A- KALINAWAN B–KAUGNAYAN C –BISA. Titik lamang ang isulat sa tapat ng bilang.

____24. Gumagamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan nang hindi makapagbigay ng ibang
kahulugan.
____25. Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa anumang uri ng pagpapahayag, kung
mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay
____26. Ito ay tumutukoy sa bigat ng isang pahayag.

____27. Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may pagkakaugnay-ugnay (pambalarila at


panretorika
_____28. Nararapat na wasto ang pagbaybay kung ito’y pasulat at pagbigkas kung ito’y pasalita.

_____29. Ang wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ay nakatutulong upang maging maayos ang
pagpapahayag.
____30. Nagtataglay ito ng sumusunod na katangian—makatotohanan, nababakas ang katapatan, binibigyang
pagpapahalaga ang dignidad ng isang tao.
____31. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay?
A. Brainstorming
B. Rebisyon
C. Pagsulat ng panimulang bahagi
D. Pinal na pagsulat

Para sa bilang 32-35

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga katanungan.

Humihinto pa rin sa gilid ng Quiapo Church para makinig ng misa at magdasal ang ilang
mga deboto bagamat ipinagbabawal pa rin ang pagtayo sa gilid ng kalsada at pagdadasal sa labas
ng simbahan tuwing Biyernes ng madaling araw.
May mga tao na sa paligid ng naturang simbahan, sakay ng bisikleta at motorsiklo
habang may iba ring naglakad lang kaninang 5:00 ng madaling araw.

May distansya naman ang mga tao sa isa't isa. May ilan ding humihipo na lang sa
gate ng simbahan. May nagtitinda rin ng sampaguita sa kalye.

Nauna nang umapela si Manila Apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo sa


gobyerno na payagan na ang pagdaraos ng misa sa ilalim ng strict guidelines para maiwasan ang
pagkalat ng novel coronavirus.

Nangangahulugan ito na lalagyan ng markings ang sahig sa loob at labas ng simbahan para
matiyak ang physical distancing o tatlong tao lang kada bangko ang makakaupo.
Gabay ng Maykapal: Ilang mga deboto nagdasal sa labas ng Quiapo Church.
Sa ilalim ng general community quarantine sa Metro Manila, bawal pa rin ang pagpunta ng
publiko sa simbahan, at ineengganyo muna ang pagdadaos ng misa online.

____32. Alin sa sumusunod ang pamagat o paksa ng tekstong binasa?


A. Sa ilalim ng general community quarantine sa Metro Manila
B. Quiapo Church: Pagdadasal sa labas ng simbahan
C. Distancing: Pagdadaos ng Misa online
D. Gabay ng Maykapal: Ilang mga deboto nagdasal sa labas ng Quiapo Church
____33. Tukuyin sa mga sumusunod ang pansuportang detalye sa tekstong binasa.
1. Sa ilalim ng general community quarantine sa Metro Manila, bawal pa rin ang pagpunta ng publiko sa
simbahan, at ineengganyo muna ang pagdadaos ng misa online
2. May mga tao na sa paligid ng naturang simbahan sakay ng bisikleta at motorsiklo habang may iba ring
naglakad lang kaninang 5:00 ng madaling araw
3. Humihinto pa rin sa gilid ng Quiapo Church para makinig ng misa at magdasal ang ilang mga deboto
bagamat ipinagbabawal pa rin ang pagtayo sa gilid ng kalsada at pagdadasal sa labas ng simbahan
Biyernes ng madaling araw.
4. Gabay ng Maykapal: Ilang mga deboto nagdasal sa labas ng Quiapo Church
A. 4 at 1
B. 3 at 4
C. 2 at 3
D. 1 at 2
____34. Alin sa mga sumusunod ang maituring na pangunahing kaisipan?
1. May distansya naman ang mga tao sa isa't isa. May ilan ding humihipo na lang sa gate ng simbahan.
May nagtitinda rin ng sampaguita sa kalye.
2. Nangangahulugan ito na lalagyan ng markings ang sahig sa loob at labas ng simbahan para matiyak
ang physical distancing o tatlong tao lang kada bangko ang makakaupo
3. Sa ilalim ng general community quarantine sa Metro Manila, bawal pa rin ang pagpunta ng publiko
sa simbahan, at ineengganyo muna ang pagdadaos ng misa online.
4. Gabay ng Maykapal: Ilang mga deboto nagdasal sa labas ng Quiapo Church

A. 3
B. 1
C. 4
D. 2

Ayon kay Pangulong Duterte, “Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao, o
anumang pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang “.

35. Anong tuntunin ang ginamit sa pagkuha at pagsasaayos ng datos sa binasang teksto sa itaas?
A. Paggamit ng Ellipsis
B. Direktang Sipi
C. Sinopsis
D. hawig o paraphrase
Ang disisiyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma, yugyugan sa disco at sounds. Hindi
para kay Emmanuel Lazo. Sa gulang na disisiyete’y nakaburol na siya sa Malate Church, namamaga ang noo
dahil ang balang pumasok sa ulo’y di na nakalabas, putok ang mga labing nasubsob sa kalsada, duguan ang
knapsack. Kagaya siya ng karaniwang bangkay na pinapangit ng kamatayan pero ang kamatayan niya’y
lubhang pinapangit ng pangyayaring ang mga pumatay sa kanya’y maaring ‘di na matagpuan kailanman. Siya
ang pinakahuling biktima ng mahabang listahan ng mga estudyanteng napatay sa rally.

Hinalaw sa KWENTONG BYAHE


https://emanzky88.wordpress.com/tag/emmanuel-la
____36. Sa anong paraan inaayos at kinuha ang mga datos sa itaas?
A. Sinopsis
B. Direktang Sipi
C. Presi (Presays)
D. Hawig o Paraphrase

Matapos mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan:


● Isusulat ng chairman ng BEI ang serial number ng balota sa EDCVL

● Pipirmahan ng botante ang balota at ang EDCVL

● Ipapasok ng BEI sa Secrecy folder ang balota at ibibigay sa botante

● Tanging ang chairman ng BEI ang magbibigay ng balota


____37. Paano isinulat ang tekstong nasa itaas?
A.Impormatibo
B. Persweysib
C. Prosidyural
D. Naratibo

Ang kanyang namumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy ay lalong


nagpapaganda sa kanyang mukha kung siya ay tumatawa. Parang iginuhit ang
kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang malalantik at mahahaba na
lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina sa kanyang mata.

____38. Tukuyin ang tekstong nasa itaas


A. impormatibo
B. deskriptibo
C. Persweysib
D. naratibo

Alas nuebe pa lang. Paglabas ko sa kusina nagtimpla ako ng kape. Bubuksan ko sana ang
T.V pero mas pinili kong maupo na lamang malapit sa hapag-kainan. Napansin ko ang dyaryong
nakakalat sa mesa. Ibinaba ko muna ang tasa upang makabasa. Pebrer24,2020, bago, ngayong araw
lang ito
Halaw sa “Tampisaw sa Lason” ni Eljay Castro Deldoc
____39. Paano isinulat ang tekstong iyong nabasa?
A. Impormatibo
B. Deskriptibo
C. Persweysib
D. Naratibo

Para sa akin, iba’t iba ang kahulugan ng salitang ‘FOREVER’ pero maniwala akong mayroon nito. Ang
‘FOREVER’ ay hindi literal na habambuhay kundi isa lamang itong pagpapakahulugan ng matinding emosyon o
damdamin na hndi ko kayang isipin kung kailan matatapos. Halimbawa nito ay mamahalin kita ‘ferever’ ibig
sabihin hangga’t kaya ko at gusto ko.

___40. Ang teksto sa itaas ay____.


A. argumentatibo
B. naratibo
C. prosidyural
D. impormatibo

You might also like