You are on page 1of 2

PANIMULANG PAGTATAYA sa FILIPINO 10

Pangalan_______________________________Taon/Bilang__________________________Petsa______________

I.Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
______ 1. Ang_____________ay ang sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at nagtataglay ng ng tauhan na
karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang hindi taglay ng pangkaraniwang mortal.
a. Alamat b. Mitolohiya c. Nobela d. Tula
______2. Kilala bilang diyos ng mga diyos si Zeus sa mitolohiyang Griyego. Ano ang kanyang panumbas na pangalan sa mitolohiyang Romano?
a. Mars b. Jupiter c. Neptune d. Pluto
______3. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?
A. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
B. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
C. May taglay na talinghaga.
D. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar
______4. Ito ay salitang nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o galaw ng tao, hayop o bagay.
a. Pandiwa b. Pangungusap c. Panlapi d. Salitang-ugat
______5. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na paksa.
a. Dula b. Tula c. Sanaysay d. Maikling kwento
______6. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay..
a. Panimula b. Gitna c. Katawan d. Wakas
______7. Ito ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.
a. Kaisipan b. Tema c. Larawan ng buhay d.Himig
______8. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kwento ay nasa Bibliya.
a. Maikling Kwento b. Parabula c. Sanaysay d. Tula
______9. Ito ang paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kwento.
a. Aral b. Banghay c. Tagpuan d. Tauhan
______10.Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang pagdugtungin o pag-ugnayin ang mga pangungusap?
a. Kohesyong Gramatikal c. Kohesyong Reperens
b. Mga Kohesyong Pahayag d. Gramatikal na Pahayag
______11. Ito ay reperensiya na kadalasan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.
a. Anapora b. Anapora at Katapora c. Katapora d. Kohesyon
______12. Ang mga panandang tuloy, bunga nito, kaya ay nagsasaad ng .
a. Kinalabasan b.Pagbubukod c. Pagdaragdag d. Pasubali
______13. Nagsasaad ng kondisyon o pasubali ang sumusunod MALIBAN sa________.
a. Kapag b. Kung c. Saka d.Sakali
______14. Ano ang angkop na antas batay sa tindi ng kahulugan ng mga salitang bihasa, dalubhasa, magaling.?
a. magaling, bihasa, dalubhsa c. bihasa, magaling, dalubhasa
b. dalubhasa, bihasa, magaling d. magaling, dalubhasa, bihasa
______15. Ano ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning magkuwento o magpahayag ng sunod-sunod na mga
pangyayari
a. Paglalarawan b. Pagsasalaysay c. Sanaysay d. Pabula
______16. Ang sumusunod ay ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng simposyum MALIBAN sa isa.
a. Gawing pormal ang simposyum.
b. Maging pamilyar sa mga terminolohiya o jargons.
c. Pumili ng paksa na nais ilarawan.
d. Aktibong lumahok sa diskusyon.
______17. Anong panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap? _________ isa sa mga magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng
ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
A. Ako’y B. Ika’y C. Kami’y D. Siya’y
_______18. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO sa Anapora?
A. Mga Panghalip sa unahang tutukoy sa mga babanggiting Panggalan sa hulihan ng teksto o pangungusap.
B. Mga Panghalip sa hulihang tumutukoy sa mga nabanggit na Panggalan sa unahan ng teksto o pangungusap.
C. Mga Panghalip sa hulihang tutukoy sa mga babanggiting Panggalan sa hulihan ng teksto o pangungusap.
D. Mga Panghalip sa unahang tumutukoy sa mga nabanggit na Panggalan sa unahan ng teksto o pangungusap.

B. Tukuyin kung anong uri ng pang-ugnay ang salita/mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.(Panga tnig , Pang -
uk ol, Pan g-a ng kop )
_________________19. Maraming mga tao ang nagkalat na sa kalsada nang maideklarang MGCQ na ang lungsod.
_________________20. Ayon sa IATF, kinakailangan pa ring sumunod sa quarantine protocols at social distancing measures.
_________________21. Marami buhay na ang nawala dahil sa mapaminsalang COVID-19 na iyan.
_________________22. Nakikipagtulungan sa maykapangyarihan ang mamamayan upang masugpo ang banta ng COVID-19.
_________________23. Nagbigay ng ayuda ang ating pamahalaan sa mga mahihirap na mamamayan

C. Tukuyin kung Payak, Maylapi , Inuulit, o Tambalan ang kayarian ng bawat salita.
24. punong-kahoy - __________________
25. basa- __________________
26. malamig-lamig- __________________
27. basurahan- __________________
28. taingang kawali- __________________

D. Basahin at suriin ang sumusunod na mga pangungusap. Bilugan ang panghalip na ginamit at tukuyin kung ito’y ANAPORA o KATAPORA.
________________29. Umiiyak ang baby niya kanina kaya pinakain ito ni Manang Rosa.
________________30. Nakapili na ng damit na bibilhin si Trixie ngunit nakita niyang kulang ang perang dala niya.
________________31. Sila ay laging nag-aagawan sa pila tuwing kainan. Makikita sa mukha ng mga kalahok na kontento sila at nasidiyahan sa seminar.
________________32. Ito ay nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ng gabi ang bilog na buwan.
________________33. Sumali si Bea sa paligsahan at nanalo siya.

E. Panuto: Tukuyin kung ang paglalarawang ginamit sa sumusunod na pangungusap ay KARANIWAN o MASINING.

34. Susubukin kong dumating nang maaga.______________


35. Nadurog ang kanyang puso sa labis – labis na sakit nang mabatid na pumanaw na ang isa sa mga taong kanyang hinahanaan._________
36. Ang bata ay naglahong parang bula._________________
37. Sing-itim ng gabi ang buhok niya.___________________
38. Saludo ako sa lahat ng paghihirap ng mga Frontliners._____________
39.. Ang kanyang daliri ay hugis kandla.___________________

You might also like