You are on page 1of 5

Saint Francis de Assisi School of Multiple Intelligences

Unang Markahan Pagsusulit sa Filipino 5

Pangalan: ____________________________________ Iskor: __________________


Guro: G. Harvey Jhon B. Sagat Petsa: __________________

I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


_____1. Ito ay saggunian na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa loob ng isang taon.
a. Atlas b. Almanac c. Encyclopedia d. Website
_____2. Ito ay sanggunian na naglalaman ng iba’t ibang paksa at impormasyon sa tulong ng
Internet.
a. Atlas b. Almanac c. Encyclopedia d. Website
_____3. Ito ay mga salitang pumapalit o humahalili sa mga pangngalan.
a. simuno b. panaguri c. panghalip d. palagyo
_____4. Ito ay isang maikling salaysay ng natatanging pangyayari sa buhay ng isang kilalang
tao.
a. talambuhay b. anekdota c. talaarawan d. talasalitaan
_____5. Ito ay sanggunian na naglalaman ng mga kahulugan ng mga salita na nakalista nang
paalpabeto.
a. talamabuhay b. talasalitaan c. talaarawan d. diksyunaryo
_____6. Ito ay sanggunian na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon at nagsasaad ng
katotohanan dahil sa masusing pananaliksik sa bawat paksang tinatalakay.
a. Atlas b. Alamanac c. Encyclopedia d. Website
_____7. Sa anong uri ng insekto inihambing ang anekdota ni Dr. Jose Rizal?
a. langgam b. gamugamo c. tipaklong d. bubuoyog
_____8. Ito ay aklat na nagpapaliwanag ng kahulugan at nagpapakilala ng bigkas ng salita.
a. talahulugan b. talaarawan c. talasalitaan d. talatinigan
_____9. Nasusulat na salaysay ng buhay ng isang tao.
a. talahulugan b. talaarawan c. talambuhay d. talasalitaan
_____10. Aklat na talaan ng pang-araw-araw na mga karanasan.
a. talaarawan b. talasalitaan c. talambuhay d. talahulugan
_____11. Kalipunan ng mga salitang ginagamit sa komunikasyon.
a. talatinginan b. talaarawan c.talasalitaan d. talambuhay
_____12. Kalipunan ng mga salitang binibigyang kahulugan.
a. talaarawan b. talatinginan c. talambuhay d. talasalitaan
_____13. Ang ibig sabihin ng salitang “tala” ay.
a. salita b. paglilista c. buhay d. araw
_____14. Ito ang tawag sa pangngalan na pinag-uusapan sa pangungusap.
a. panaguri b. palagyo c. paari d. simuno
_____15. Ito ay anyo ng panitikan na binubuo ng mga taludtod at mga saknong.
a. tula b. sukat c. simuno d. panaguri
_____16. Ito ay tawag sa mga salitang magkatunog.
a. sukat b. tula c. saknong d. tugma
_____17. Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa mga pangngalan.
a. Panghalip Pananong c. Panghalip Pamatlig
b. Panghalip Panaklaw d. Panghalip Panano
_____18. Ito ay salitang ipinanghahalili kapag nagtuturo o di kaya’y nagtatawag ng pansin.
a. Panghalip Pananong c. Panghalip Pamatlig
b. Panghalip Panaklaw d. Panghalip Panano
_____19. Ito ay isang tipo ng paglalahad ng impormasyon o detalyeng nakalap tungkol sa isang
paksa.
a. balangkas b. panghalip c. anekdota d. talaarawan
_____20. Ito ay panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan.
a. Panghalip Pananong c. Panghalip Pamatlig
b. Panghalip Panaklaw d. Panghalip Panao
II. Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pananong na bumubuo sa tanong. Pumili sa
tatlong panghalip na pananong sa loob ng panaklong.

1. (Sino, Ano, Kanino) ang pangalan batang nakataas ang kamay?


2. (Kanino, Sino, Alin) ang nagbigay sa iyo ng walis na iyan?
3. (Ano, Alin, Sino) ang inutusan mong maghatid ng baon kay Carla?
4. (Ano, Kanino Alin) ang ipapaayos ni Tatay, ang motorsiklo o ang sasakyan?
5. (Ano, Kanino, Alin) ang bibilhin ni Ate Miranda sa tindaahan?
6. (Sino, Ano, Kanino) ang lider ninyo sa klase.
7. (Ano, Kanino, Alin) ka sasama sa pag-uwi mo galling eskwelahan?
8. (Sino, Ano, Kanino) ang panyo na nahanap mo?
9. (Anu-ano, Sinu-sino, Kani-kanino) ang mga ulam na binebenta riyan?
10. (Ano, Alin, Sino) ang mahirap gawin, ang pagluto o ang paglaba?
11. (Anu-ano, Sinu-sino, Kani-kanino) ang mga mag-aaral na pinili ng guro?
12. (Ano, Alin, Sino) ang kakainin natin mamayang hapon?
13. (Alin, Kanino, Sino) ang nakaupo sa tabi mo?
14. (Sino, Anu-ano, Sinu-sino) ang mga nagboluntaryong maglinis ng silid-aralan?
15. (Anu-ano, Sinu-sino, Kani-kanino) ang mga tsinelas na nakakalat sa harap ng pinto?

III. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang panghalip pananong na
makabubuo sa pangungusap. Pumili sa tatlong nasa loob ng panaklong.
__________1. (Sino, Ano, Bakit) ang sasama bukas sa Pasig?
__________2. (Ilan, Ilan-ilan, Alin) mga ibon ang namatay dahil sa pangangaso.
__________3. (Ilan, Sino, Paano) mga damit ang dala-dala nila?
__________4. (Ano, Sino, Bakit) ang aral na napulot niyo sa kuwento niya.
__________5. (Sino, Paano, Ilan) mga binibini ang nagtunggali sa patimpalak?
__________6. (Ano, Anu-ano, Sino) ang mga kailangan sa paglikas?
__________7. (Sino, Sino-sino, Ano) ang may-ari ng tindahan sa kanto?
__________8. Para (sino, kanino, paano) ang mga tropeyo?
__________9. (Paano, Sino, Alin) sa mga prutas na iyan ang paborito mo?
__________10. (Sino, Ano, Bakit) ang pinakabata sa magkakaibigan.

VI. Panuto: Salanguhitan ang panghalip pamatlig na binubuo sa pangungusap. Pumili sa


tatlong panghalip sa loob ng panaklong.

1. Ang haba na ng buhokmo? Kailan mo ipapagupit (ito, iyan, iyon)?


2. Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan palitan ko na ang mga (ito, iyan, iyon).
3. Tignan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang (ito, iyan, iyon).
4. Halika (rito, riyan, roon). Maysasabihin akong sikreto sayo.
5. Huwag kang dumaan (dito, diyan, doon) dahil basa ang sahig na iyan.
6. May upuan sa likod mo. (Dito, Diyan, Doon) ka umupo.
7. (Dito, Diyan, Doon) sa malayo nakaparada ang kotse.
8. May nakita akong kalapati sa bubong. Nasan kaya ang bahay (nito, niyan, niyon)?
9. Sino ang may-ari (nito, niyan, niyon) bola na hawak ko.
10. Ito ang bisekleta ni Joseph. May butas raw ang gulong (nito, niyan, niyon).
11. Ipinagbawal Itay ay maglangoy na walang kasama kaya huwag kang pumunta (rito, riyan,
roon) sa dagat na hindi kasama ang kuya mo.
12. (Dito, Diyan, Doon) mo ilagay sa tabi ko ang malambot na unan.
13. Nakita mo ba sa labas si Jeremy? Papasukin mo na (ito, iyan, iyon) dahil malapit na tayong
maghapunan.
14. Maganda ang relos na suot mo. Saan mo nabili (ito, iyan, iyon)?
15. Kailangan ko makausap si Diane. Hanapin mo siya at sabihin mo na pumunta siya kaagad
(dito, diyan, doon).

V. Panuto: Tukuyin ang kailanan ng panghalip pananong na nakasalungguhit. Isulat ang


Isahan o Maramihan sa patlang.

__________1. Sino ang nagpunta sa bahay kanina?


__________2. Sino-sino ang mga sasama sa lakbay-aral?
__________3. Ano-anong mga kulay ang mga gagamitin mo sa iyong likha?
__________4. Saan-saan nang mga bansa ang narating mo?
__________5. Magkano ang bili mo sa bago mong sapatos?
__________6. Ilan ba ang kailangan mo?
__________7. Ano ang pinakapaborito mong pagkain?
__________8. Gaa-gaano kalalayo ang pagitan ng mga bahay sa inyo?
__________9. Saan ka pumunta kahapon?
__________10. Kailan ang araw ng iyong kapanganakan?

VI. Panuto: Tukuyin ang kaukulan ng ginamit ng panghalip panao sa pangungusap. Pumili
sa kahon at isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

A. Palagyo B. Palayon c. Paari

_____1. Natuwa kami sa pagkapanalo ng aming grupo.


_____2. Kumustahin mo siya.
_____3. Ang bilin sa atin ay maging magalang sa lahat ng oras.
_____4. Ihanda na natin ang lahat ng ating mga dadalhin.
_____5. Ang kanyang larawan ay inilagay ni Inay sa tokador.
_____6. Ang uniporme niya ay asul at puti.
_____7. Ibulong mo sa akin ang katotohanan.
_____8. Ikaw ang anghel na isinugo ng Diyos.
_____9. Sabihin mo sa akin ang iyong pangalan.
_____10. Ihanda na natin ang ating mga dadalhin.

You might also like