You are on page 1of 3

ESPERANZA NATIONAL HIGH SCHOOL

Poblacion, Esperanza, Agusan del Sur


UNANG MARKAHANG PASULIT
FILIPINO 7

Pangalan: Taon/Seksyon:

I- Panuto: Piliin sa bawat pangungusap ang mga pangngalan. Bilugan ang iyong sagot.

1) Ang sastre ay tumatabas ng mga pantalon.


2) Namimili ng mga diyaryo at bote ang bata.
3) Nagtataasan ang mga puno sa gubat.
4) Paminsan-minsan ay may bahaghari sa langit.
5) Ang mga isda ay namatay lahat.
6) Nabali ang tangkay ng payong.
7) Malakas ang bagyong darating.
8) Ang anino ng tao ay maitim.
9) Ang hagdan ay madulas.
10) Ang kariton ay natanggalan ng isang gulong.

II- Panuto: Tukuyin kung pantangi o pambalana ang mga sumusunod na nakasalungguhit na
pangngalan. Isulat ang sagot sa espasyong inilaan.

11) Ang paradahan ng bus ay sa Pantranco. _____________________


12) Malulusog ang mga tanim ko.________________________________
13) Ilang kalye rin ang nadaanan nila bago makarating sa Pampangga.
______________________
14) Si Arnold ang napiling pangulo ng pangkat.__________________________
15) Kaming mag-anak ay mahilig kumain ng gulay.____________________________

III- Panuto: Tukuyin ang kailanan ng mga pangngalan na nakasalungguhit. Kung ito bay ay isahan,
dalawahan, o maramihan. Isulat ang sagot sa espasyong inilaan.

16) Isang lalaki ang lumalakad sa kadiliman ng gabi. _____________________


17) May kalaro kami. _______________________
18) Limampung itlog ang kailangan ko. _____________________
19) Sa paaralan tayo magkita. ____________________________
20) Daan-daang mamamayan ang napinsala ng sunog. ________________________________

IV- Panuto: Tukuyin kung anong kasarian ng pangngalan ang mga sumusunod. Isulat kung ito ba ay
panlalaki, pambabae, di-tiyak o walang kasarian. Isulat ang sagot sa espasyong inilaan.

21) Tiyo __________________


22) Ate ___________________
23) Aso ___________________
24) Puno __________________
25) Hari ___________________

V- Panuto: Piliin ang wastong panghalip sa bawat panaklong. Bilugan ang iyong sagot.

26) (Amin, Namin) ang aksesorya sa tapat.


27) Pag-uusapan (amin, namin) ang ukol sa premyo.
28) Nasabi (nila, sila) na hindi pala matutuloy ang handaan.
29) (Nila, Kanila) ang malawak na gulayang iyan.
30) Naiinis (ko, ako) sa mga taong palaging huli sa tipanan.

VI- Panuto: Piliin ang wastong panghalip pamatlig sa bawat panaklong. Bilugan ang iyong sagot.

31) (Dito, Doon) sa lugar na ito nakita ang bata.


32) (Heto, Hayun) sa malayo ang mga manlalaro.
33) Bakit nagsalita nang (ito, ganoon) ang Nanay?
34) Ipaliwanag mo kung bakit (ganito, nito) ang nangyari.
35) Lumabas (diyan, riyan) ang lalaking sinasabi nila.

VII- Panuto: Piliin ang tamang panghalip pananong sa mga panaklong. Bilugan ang iyong sagot.

36) (Sino, Kanino) nagsumbong ang bata, sa guro o sa punongguro?


37) (Alin, Ano) ang bulaklak na mabango sa harding ito?
38) (Ilan, Alin) ang itlog na pinisa ng inahin?
39) (Nino, Kanino) ang pulseras na ginto sa mesa?
40) (Kailan, Ilan) luluwas ng Maynila ang Lolo?

VIII- Panuto: Piliin ang pandiwa sa bawat pangungusap. Bilugan ang iyong sagot.

41) Ang mga langaw ay nagpadapu-dapo sa mga basura.


42) Ang mga kalyeng uka-uka ay tinatambakan.
43) Umiinit na naman ang panahon.
44) Ang mga manlalangoy ay nag-uusap-usap muna bago umalis.
45) Ang lata ay tumilapon sa malayo.

IX- Panuto: Isulat ang wastong anyo ng pandiwa sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa espasyong
inilaan.

46) ________________________ (Magsulat) ako ng liham mamaya.


47) ________________________ (Magpasyal) kahapon ang buong mag-anak sa tabing dagat.
48) ________________________ Saan (manggaling) ang ingay na naririnig natin?
49) ________________________ Kasalukuyang (magpagaling) ang maysakit.
50) ________________________ (Magsama) pa ba tayo ng mga kaibigan sa lakad sa makalawa?
Inihanda ni: Conie Fe B. Nemeño

You might also like