You are on page 1of 3

/60

Mustard Seed School of Cainta Inc.


Cainta Rizal
Kagawaran ng Elementarya %
Taong Panuruan 2020-2021
IKA-UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

Pangalan: ___________________________________________ Petsa: __________


Guro: Gerlie Arinto

I: PANUTO: Basahin ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Alin dito ang mga salitang naglalarawan?
a. maganda, mabait, masipag
b. tumakbo, sumayaw, lumundag
c. lapis, bag, papel
2. Masigla siyang sumagot sa talakayan. Alin ang salitang naglalarawan sa pangungusap?
a. masigla
b.sumagot
c. talakayan
3. Aling salita ang naglalarawan sa hayop?
a. madaldal
b. makintab
c. mabangis
4. Dalawa ang bilog na mesa sa silid-aralan . Alin ang naglalarawan sa bilang?
a. dalawa
b. bilog
c. mesa
5. Ang bulaklak ng Sampaguita ay mabango. Ang salitang may salungguhit ay salitang
_________.
a. kilos
b. naglalarawan
c. nagsasabi ng panahon
6. Aling pangkat ng mga salita ang nagsasabi ng pook o lugar?
a. Lunes, bukas, mamaya
b. palaruan, simbahan, paaralan
c. atis, ubas, bayabas
7. Sina Lolo at Lola ay umalis kahapon. Ang salitang may salungguhit ay ______________.
a. salitang naglalarawan
b. salitang nagsasabi ng lugar
c. salitang nagsasabi ng panahon.
8. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng ngalan ng araw?
a. Martes, Lunes, Huwebes, Biyernes, Sabado, Linggo, Miyerkules
b. Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado
c. Lunes, Biyernes, Sabado, Linggo, Martes, Miyerkules, Huwebes
9. Anong ngalan ng buwan ang nawawala sa patlang?
Enero, Pebrero, ______, Abril, Mayo, Hunyo
a. Hulyo
b. Agusto
c. Marso
10. Ang lapis ___ papel ay ginagamit sa pagsusulat. Ano ang nawawala sa patlang upang mabuo
ang pangungusap?
a. na
b. ng
c. at
II: PANUTO: Alamin ang tawag sa mga pangngalan. Isulat ang tamang titik na sagot sa
patlang.

a. tao b. hayop c. bagay


d. Lugar e. pangyayari

____11. langgam _____16. guro


____12. Panadero _____17. upuan
____13. lapis _____18. Buwan ng Wika
____41. Pasko _____19. paaralan
____15. Luneta Park _____20. bahay

III: PANUTO: Alamin at isulat ang kasarian ng pangngalan kung ito ay Pambabae,
Panlalaki, Di-tiyak at Walang kasarian sa patlang bawat bilang.
___________21. Dalaga ___________26. kalaro
___________22. Panadero ___________27. Paaralan
___________23. Ospital ___________28. Nanay
___________24. Ninang ___________29. Piloto
___________25. Magkapatid ___________30. Kusinero
IV: PANUTO: Tukuyin kung ang salita ay pangngalang PANTANGI O PAMBALANA.
31.Bohol - ____________________ 36.Mall of Asia - _______________
32.Tatay - ____________________ 37.sapatos - ___________________
33.Actor - ____________________ 38.Adidas - ___________________
34.Rodrigo Duterte - ____________ 39.Vivo - _____________________
35.Aso - ______________________ 40.Damit - ____________________
V. PANUTO: Isulat sa patlang ang titik I kung ang kailanan ng pang-uring may
salungguhit ay isahan, D kung ito ay dalawahan at M kung ito ay maramihan.
_____41. Ang dalawang babaeng naglalakad ay magkasingtangkad.
_____42. Ang limang turista ay umakyat sa mataas na bundok.
_____43. Si Juan ay isang tamad na tao.
_____44. Hindi sanay sa malamig na klima ang mga hayop.
_____45. Ang mga mag-aaral ni Gng. Conti ay magagalang.
_____46. Ang kambal ay naglalaro sa labas ng bahay.
_____47. Kumain sa labas ang mag-anak.
_____48. Mga hinog na ang mga manga ni Aling Nena.
_____49. Kinain ni Zander ang mansanas sa mesa.
_____50. Si Juan at Maria ay sabay pumasok sa paaralan.
VI: PANUTO: Tukuyin at isulat sa patlang ang kasalungat na kasarian ng pangngalan sa
bawa bilang.

___________51. inahin _____________56. ginang


___________52. tito _____________57. nobyo
___________53. lalaki _____________58. prinsesa
___________54. madre _____________59. labandera
___________55. kusinera _____________60. manong

You might also like