You are on page 1of 3

/60

Mustard Seed School of Cainta Inc.


Cainta Rizal
Kagawaran ng Elementarya %
Taong Panuruan 2020-2021
IKA-UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

Pangalan: _________________________________________ Petsa: ________


Guro: Gerlie Arinto

I: PANUTO: Suriin kung ano ang katangian/pag-uugali ng tauhan ayon sa kaniyang


pinapahayag o kinikilos? Bilugan ang tamang sagot.
1. Bago pumunta sa palengke para magtinda ay taimtim munang nagdasal si Aling Rosa.
a. maingat
b. madasalin
c. masinop
2. Sa dinaranas na pandemya ng ating bansa ay maraming nagpaabot ng donasyon sa bawat
pamilya.
a. matulungin
b. maawain
c. magalang
3. Si linda ay nagtratrabaho sa gabi para may pantostos sa kaniyang pag-aaral.
a. masinop
b. masigla
c. masipag
4. “Lahat ng pagsisikap ko sa pag-aaral ay dahil sa pagsasakripisyo ng aking mga magulang.
Ang aking tagumpay ay tagumpay din nila”
a. maaasahan
b. may utang na loob
c. mapagkumbaba
5. Habang naglalakad si Mika ay may nakita siyang batang gusgusin kaya ay binigyan niya ito
ng pagkain.
a. masaya
b. mapagbigay
c. mabait
6. Laking tuwa ang ama nang marinig niya ang iyak ng sanggol.
a. pagkagalak
b. pagkasigla
c. pabuhayan
7. Malakas ang kabog ng dibdib ni Minda nang hindi pa umuuwi ang kaniyang anak.
a. masaya
b. malungkot
c. kinakabahan
8. Napasigaw si Cardo nang may bumagsak na bagay sa kaniyang harapan.
a. nagsisi
b. nagulat
c. natuwa
9. “Bilog ang mundo, mararanasan din niya ang hirap na dinanas ko”.
a. nagsisisi
b. natutuwa
c. nagagalit
10. Sira nang dumating ang aytem na inorder ni hazel sa Lazada.
a. natutuwa
b. nagsisisi
c. nababagot
II: PANUTO: Kilalanin ang mga pangngalang may salungguhit.Uriin ito ayon sa kasarian
nito at isulat ang titik ng tamang sagot.
A PANLALAKI B. PAMBABAE C. DI-TIYAK D. WALANG KASARIAN
_____11. Maraming bata ang pumapasok kahit umuulan.
_____12. Binigyan ako ni Gng. Taglas ng pagkain.
_____13. Ang damit ni Andrei ay bago.
_____14. Si Mang Lolong ay masipag na dyanitor.
_____15. Bago ang laruan ni Russel.
_____16. Si Bea ay may bagong kotse
_____17. Ang aming bagong guro sa Ika-apat na baitang ay maganda.
_____18. Ang sapatos ni Minda ay maganda.
_____19. Binilhan ko ang aking kapatid ng bagong selpon.
_____20. Si Vince ay pumunta sa parke.
III: PANUTO:Tukuyin ang pangungusap kung ito ay Tambalan o Hugnayan. Tsekan ang
ginamit na pangatnig sa pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______________21. Si Tingting ay nasa taas ng puno habang si Tabatsoy ay hindi makaakyat


sa puno.
_______________22. Tumakbo ng mabilis si Usa subalit nahabol pa rin siya ni Tigre.
_______________23. Nasunog ang bahay nila dahil naiwan nilang nakasindi ang kandila.
_______________24. Mag-ensayo ka nang mabuti upang manalo ka.
_______________25. Pinapatahan ni Shaina si JC ngunit hindi ito tumitigil.
_______________26. Pinaghain ng pagkain ni Allen si Arnel pero hindi niya ito ginalaw.
_______________27. Pinagalitan si Renzo sapagkat hindi ito nakikinig sa klase.
_______________28. Kapag nanalo ako sa lotto, magnenegosyo ako.
_______________29. Ang mga bata ay nagbabasa at nagsusulat sa loob ng bahay.
_______________30. Kung ikaw ang pupunta, sino ang maiiwan sa bahay?

IV: PANUTO: Suriin at salungguhitan ang Simuno o Paksa sa pangungusap.


31. Kinain ng malaking agila ang ahas sa damo.
32. Nagbisikleta patungo sa paaralan sina Helen at Kaye.
33. Ang aso at pusa ay kumain ng mga tita.
34. Nagsara nang maaga si Aling Nena ng kaniyang tindahan.
35. Si Jeff at ang kaniyang asawa ay nangangailangan ng bagong katulong.
36. Tahol nang tahol ang aso ng kapitbahay.
37. Maagang nagising si Selya dahil sa maingay na kapitbahay.
38. Si ate Fe ay naghahanap ng trabaho sa Maynila.
39. Nagsulat ng tula si Anton para sa kaniyang kasintahan.
40. Sa darating na buwan ay tutungo ang mag-anak sa luneta Park para mamasyal.

VI. PANUTO: Lagyan ng tamang bantas sa patlang ang pangungusap. Tukuyin kung anong uri
ng pangungusap. Isulat patlang ang PS kung Pasalaysay, PT kung Patanong, PK kung Pakiusap,
PU kung Pautos at PD kung Padamdam ang pangungusap.

_________41. Lagot _____ lumalakas na ang ulan_______


_________42. Tara sumama ka sa akin sa palengke______
_________43. Maari mo bang hiramin ang hagdan sa kapitbahay______
_________44. Ilan ang inihaw mong Bangus______
_________45. Takbo_____ Papalapit na ang mga aso_____
_________46. Dahan dahan bumaba ng hagdan si Patrick______
_________47. Dalhin mo dito ang mga gamit ko______
_________48. Pakisintas naman po ng aking sapatos______
_________49. Ikaw ba ang bibili ng pagkain_____
_________50. Nag-aaral ng mabuti si Bence____

V: PANUTO: Tukuyin ang ayos ng pangungusap. Isulat sa patlang ang K kung ito ay karaniwan
at DK kung di-karaniwan.
______51. Ang edukasyon ay hindi lamang mahalaga para matuto tayong bumasa at sumulat.
______52. Mahalaga ang kabataan sa kinabukasan ng bansa.
______53. Magkaroon tayo ng malasakit sa ating kapaligiran.
______54. Si lola Idad ay maraming tanim na gulay sa bakuran.
______55. Mga kapus-palad ang mga batang lansangan.
______56. Nagluto ng masarap na puto si Maria.
______57. Ang mga pinsan ko ay naglalaro ng basketball.
______58. Mahilig sa maasim na manga si Nancy.
______59Sa pagsapit ng dilim ay sinisindihan ni Aling Cynthia ang kandila sa altar.
______60. Malaking tulong ang face mask para maiwasan ang CoViD.

You might also like