You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu East District
LATAG ELEMENTARY SCHOOL
Nasugbu

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


Edukasyon sa Pagpapakatao III

PANGALAN : _________________________________________________________________ PETSA :__________________________________

I- Sagutin kung Tama o Mali ang sinasabi ng sumusunod na pangungusap.


_______1. Ibinabahagi ko sa kapwa ko bata ang aking mga laruan na hindi ko na ginagamit.
_______2. Nagbibigay ako ng tulong sa mga pulubi at may kapansanan.
_______3. Inaapakan ko ang mga halaman sa parke at paaralan.
_______4. Tinitirador ko ang mga ibon na nakikita ko.
_______5. Nagdarasal ako bago matulog at pagkagising sa umaga.
_______6. Mahusay si Ardee sa pagpipinta kaya malimit siyang sumasali sa mga paligsahan.
_______7. Magaling kumanta si Rona, pero ayaw niyang kumanta sa harap ng ibang tao
dahil nahihiya siya.
_______8. Isa si Mina sa matatalinong bata sa klase ni Gng. Maghirang. Kapag may libreng
oras, tinuturuan niya ang ibang bata na nahihirapan sa ibang aralin.
_______9. Si Tina ay mahusay lumangoy. Tuwing Sabado at Linggo, tinuturuan niya ang mga
batang gusto ring matutong lumangoy.
_______10. Masarap magluto ng pagkain si Ana. Ngunit hindi siya tumutulong sa kanyang ina
sa pagluluto sa kanilang bahay.

II- Isulat ang tsek () sa papel kung ang mga larawan ay nagpapakita ng tamang paggamit ng talino at kakayahan
at ekis () naman kung hindi.

III- Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang letrang dapat mong gawin upang maipakita ang pagbibigay
halaga sa mga biyaya ng Panginoon.
16. Isang umaga, naghihintay ka ng dyip sa may kanto patungo sa paaralan. May nakasabay kang isang batang pilay
na naghihintay din ng sasakyan. Ano ang gagawin mo?
A. Uunahan ko siyang sumakay sa dyip. B. Titingnan ko siya kung paano siya sumakay.
C. Aalalayan ko siya sa kanyang pagsakay.
17. Kararating mo lang sa inyong bahay galing sa paaralan. Gutom na gutom ka dahil hindi ka nagmeryenda. Nakita
mong nakahanda na ang hapag-kainan para sa hapunan.
A. Uupo ka at kakain agad. B. Hihintayin kong makumpleto kami bago kumain.
C. Titikman ko ang mga pagkain habang naghihintay sa ibang kasapi ng pamilya.
18. Tuwing gabi matapos mong gawin ang takdangaralin, nakakaramdam ka nang antok.
A. Aalisin ko ang gamit sa study table at doon muna ako matutulog.
B. Pupunta ako sa sala at doon muna ako matutulog.
C. Pupunta ako sa kuwarto at magdarasal muna bago matulog.
19. Isang umaga, may pumuntang mga pinuno ng barangay sa inyong paaralan. Nanghihingi sila ng tulong para sa
mga biktima ng bagyo.
A. Hindi ako magbibigay ng tulong dahil mababawasan ang aking baon.
B. Magbibigay ako ng tulong kahit mabawasan ang aking baon.
C. Maghihingi ako sa aking kaklase para hindi mabawasan ang aking baon.
20. Nalimutan ng iyong kapatid na pakainin ang kanyang mga alagang isda sa aquarium.
A. Papakainin ko dahil baka sila mamatay sa gutom.
B. Hihintayin ko na lang bumalik ang aking kapatid para siya ang magpakain.
C. Kukunin ko ang mga alagang isda sa aquarium para paglaruan.

Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha kung ginagawa mo ang sitwasyon at
malungkot na mukha kung hindi.
21. Tinutulungan ko, araw-araw ang aking nanay sa paglilinis ng aming bahay.
22. Hindi ko tinuturuan ang mga kaklase na nagpapaturo sa mga araling hindi nila maintindihan.
23. Hindi ko ipinapakita sa iba ang galing ko sa pagpipinta dahil nahihiya ako.
24. Kinakantahan at tinutugtugan ko ng gitara ang aking pamilya para mapasaya sila.
25. Tinutulungan ko ang aking nanay sa paghahalaman sa aming bakuran.
Kulayan ng dilaw ang bituin kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong sa kapwa. Itim naman kung hindi.
26. Araw-araw tumutulong sa paglilinis ng silid-aralan si Marvin.
27. Tuwing may nangangailangan, pinapahiram ni Martin ang pantasa sa kanyang kaklase.
28. Hindi pinapansin ni Fernando ang mga pulubi na namamalimos sa kanya.
29. Tinuturuan ni Ardee ang kanyang mga kaklase na hindi agad nakaunawa sa mga aralin.
30. Ayaw akayin ni Jayson ang pilay niyang pinsan sa pagpasok sa paaralan.

Buuin ang mga pangungusap. Bilugan ang tamang sagot.


31. Ang pagtulong sa kapwa ay (mabuting, masamang) gawain.
32. Kapag ikaw ay tumulong sa kapwa, marami ang(magagalit, matutuwa) sa iyo.
33. Pinagpapala ng Panginoon ang mga taong palaging (tumutulong, hindi tumutulong) sa
kapwa.
34. (Marami, Kakaunti) ang mga taong nagmamahal sa iyo kung palagi kang nagbibigay ng tulong.
35. (Masaya, Malungkot) ako kapag tumutulong sa kapwa.

Basahin ang mga sitwasyon. Sagutin ang tanong.


36. Marami kang baon ng araw na iyon, napansin mo na walang dalang baon ang katabi mo. Ano ang dapat mong
gawin?

_________________________________________________________________________________________
37. Nakita mo na may matandang tatawid sa kalsada. Napansin mo na maraming sasakyang
dumaraan. Ano ang dapat mong gawin?

_________________________________________________________________________________________
38. Makalat ang buong silid-aralan. Maraming ginagawa ang iyong guro. Ano ang dapat mong gawin?

_________________________________________________________________________________________
39. Naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan. Nadapa ang isa sa kanila at nasugatan. Ano ang dapat mong gawin?

_________________________________________________________________________________________
40. May kaklase ka na palaging walang dalang lapis. Nalaman mo na hindi pala niya kayang bumili dahil wala
silang pera. Ano ang dapat mong gawin?

_________________________________________________________________________________________

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu East District
LATAG ELEMENTARY SCHOOL
Nasugbu

Fourth Periodical Test


English III

NAME : _____________________________________________________________________ SCORE : ____________________________

Tell whether the group of words is a sentence or not. Draw smiling face if is a sentence and sad face if it is
not.
__________1. he helps the old man
__________2. old man gives
__________3. aside from the pancit, the old man helps the boy earn more money
__________4. kind people get a greater reward
__________5. his friends

Put the missing punctuation marks and write them inside the box. ( . ) ,( ! ) ,( ? )
6. How do you go to school everyday
7. I ride the bus to school
8. Stop, wait for me
9. The children shouted, “Fire”
10. Why do you read books

Tell what kind of sentence each one is. Give your answers by writing:
TS if it a Telling Sentence AS if it an Asking Sentence ES if it is an Exclamatory Sentence
_______ 11. Mang Berto is a factory worker.
_______ 12. He works in a candy factory in Laguna.
_______ 13. How hard Mang Berto works in the factory!
_______ 14. Why does he walk every day?
_______ 15. What a great man!

Encircle the correct word for each picture.

Which happens first? Show the correct order of events. Write the numbers 1, 2, 3, or 4 inside each small box.

Read and answer the questions.


The Bug on the Barber’s Bed
The barber was on the bed, when an ugly insect crawled. Down crept the bug, and went on his back. Out came the
bug and scared the barber up. Now, the little baby bug
slept happily on his bed.
21. Where was the barber?
a. on the bed b. in the garden c. in the yard
22. What crept on the barber’s back?
a. a bug b. a dog c. a cat
23. Where do you think did the barber go?
a. on the bed b. in the mall c. outside
24. What did the bug do on the bed?
a. slept happily b. Followed c. ran
25. How did the barber feel when the bug crawled on his back? He felt_____.
a. Scared b. Sad c. Happy

Complete the sentence by choosing the correct preposition. Encircle the correct answer.

26.The pearl is ( in, behind, beside ) the shell.

27.The crab is ( in, behind, on ) the water.


28.The book is ( on, under, in front of ) the head of the cat.

29.The book is ( on, under, in front of ) the girl.

30.The mouse is ( on, in, beside ) the lion.

Listen to me and give the big idea. Encircle the letter of the best answer.
31. Conrad’ s hair is too long. His teacher told him that he needed a haircut. Conrad went to his mom because
he would like to go to his barber. He asked for money and then he went out.
a. Conrad Goes to the Bakery b. Conrad Goes to the Barber c. Conrad Stayed Home
32. The teacher asked the children to get their bags. Then, the children started to line up. The teacher
reminded everyone to do their homework.
a. The class was starting.
b. The class was ready to go home.
c. They are going on a field trip.
33. My mom goes to the market every day. She buys fish, vegetables, meat, and fruits from the vendors. She
loves to go to the market to buy our food. She goes home happy to cook our meals.
a. Our Meals b. Vendors in the Market c. Mom’s Day in the Market
34. We wake up early. My brother is excited. My mother prepares our clothes. Dad cleans the car. We will watch
“Iron Man.”
a. Going on a picnic b. Watching a movie c. Cleaning the car
35. When I grow up, I want to be an actor. I can perform on T.V. and act on stage plays. All my friends will
watch me perform.
a. What I Want to Be b. How to Be Healthy c. My Manners

Underline the correct describing word for each picture.

36. The cake is (large, circle, one). 37. The man has (little, four, square) lamps.

38. Rita has (wide, rectangular, 7) rabbits. 39. Jenny has a (old, 5, big) doll.

40. There are ( ten, big, round) policemen.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu East District
LATAG ELEMENTARY SCHOOL
Nasugbu

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


Mathematics III

PANGALAN : _________________________________________________________________ PETSA :__________________________________

Gumuhit ng isang linya upang maipakita ang symmetry.

Isulat sa salungguhit kung straight line o curved line ang sumusunod.


Isulat sa tapat ng salita kung ito ay may flat surface o curved surface.
1. Bundok ___________________ 2. bola___________________
3. Kahon___________________ 4. notebook___________________
5. Dingding___________________

Iguhit sa kuwaderno ang kasunod na hugis upang mabuo ang pattern.

Isulat ang oras na nakasaad sa bawat orasan.

________ ________ ________

Iguhit ang oras.

7: 30 4: 00

Iguhit sa orasan sa kanan ang oras makalipas ang oras na nakasaad sa bawat bilang.

1. 30 minuto 2. 1 oras at 10 minuto

3. 2 oras at kalahati

Sagutin ang tanong sa bawat sitwasyong nakasulat sa kahon.


4. Natapos ang klase ni Danny ng ika- 4:00 p.m. Kasama si Manny, naglaro sila ng taguan hanggang ika-5:00 p.m.
Gaano katagal silang naglaro? _____________________________________________________
5. Ang Mababang Paaralan ng Banton ay nakilahok sa Lakbay Aral. Ang bus ay umalis ng ika-5:00 a.m. At dumating
sa National Museum ng ika- 8:00 a.m. Ilang oras silang naglakbay? ______________
6. Si Ester ay nanood ng telebisyon simula ika-6:00 p.m. hanggang ika-8:15 p.m. Gaano siya katagal nanood ng
telebisyon? _________________________________________________________________________
7-8. Dumating si David sa plasa ng ika-3:45 p.m.. Meron silang usapan ni Jonathan na maglaro sa ika-4:00 p.m..
Ika-4:30 p.m. na ay wala pa rin si Jonathan kaya umuwi na lang si David.
7. Ilang minutong nauna si David sa oras na usapan nila ni Jonathan? _____________________________
8. Gaano katagal na naghintay si David kay Jonathan? __________________________________________
Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Gamitin ang kalendaryo sa pagsagot ng ibang katanungan. Bilugan ang
titik ng wastong sagot.
9. Ilang araw ang nakalipas mula Linggo hanggang Miyerkules?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
10. Ilang linggo ang nakalipas mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 22?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5
11. Ngayon ay Martes. Ilang araw ang lilipas hanggang Martes ng susunod na linggo?
a. 3 b. 5 c. 7 d. 9
12. Anong petsa pagkatapos ng 25 araw kung ngayon ay Hunyo1?
a. Hunyo 25 b. Hunyo 26 c. Hunyo 27 d. Hunyo 28
13. Si Charity ay ipinangak ng Mayo. Ilang buwan siya sa Nobyembre?
a. 4 b. 5 c. 6 d. 7
14. Si Shiela ay ipinanganak noong Oktubre 3, 2005. Ilang taon siya sa Oktubre 3, 2025?
a. 20 b. 21 c. 22 d. 23
15. Ang Tatay ni Rolan ay 30 taong gulang nang siya ay ipinanganak. Ilang taon ang Tatay niya nang siya ay 7
taong gulang?
a. 36 b. 37 c. 38 d. 39
16. Tuwing ika-tatlong buwan, si Belinda ay dumadalaw sa kaniyang Lolo sa ibayong bayan. Ilang beses dumalaw si
Belinda sa kaniyang Lolo sa loob ng isang taon?
a. 3 b. 4 c. 5 d. 6
17. Anong unit of length ang dapat gamitin sa pagkuha ng haba o sukat sa lawak ng silid-aralan?
a. meter b. centimeter c. kilograms d. grams
18. Anong unit of length ang dapat gamitin sa pagkuha ng haba o sukat sa haba ng kuwaderno ?
a. meter b. centimeter c. kilograms d. grams
19. Alin ang wastong paghahambing ng dalawang units na 25 cm at 13 cm?
a. Ang 25 cm ay mas mahaba kaysa 13 cm.
b. Ang 13 cm ay mas mahaba kaysa 25 cm.
c. Ang 25 cm ay mas maikli kaysa 13 cm.
d. Ang 13 cm ay mas mahaba kaysa 13 cm.
20. Alin ang wastong paghahambing ng dalawang units na 2m at 5m?
a. Ang 2m ay mas mahaba kaysa 5m.
b. Ang 5m ay mas mahaba kaysa 2m.
c. Ang 5m ay mas maikli kaysa 2m.
d. Ang 5m ay mas mahaba kaysa 5m.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu East District
LATAG ELEMENTARY SCHOOL
Nasugbu

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan III

PANGALAN : _________________________________________________________________ PETSA :__________________________________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang bago ang bilang.
______1. Ito ay ang mga pangangailangang dapat tinatamasa ng isang tao upang makapamuhay ng maayos.
A. Tungkulin B. Karapatan C. Pangangailangan D. Pananagutan
______2. Ito ay mga pananagutang dapat gawin ng isang tao katumbas ng mga karapatang kanyang tinatamasa.
A. Tungkulin B. Karapatan C. Pangangailangan D. Pananagutan
______3. Si Juliana ay dinala ng kanyang mga magulang sa ospital sapagkat hindi bumababa ang lagnat nito. Anong
karapatan ang kanyang tinatamasa?
A. Karapatang Makapaglibang B. Karapatang Makapag-aral
C. Karapatang sa Pangangailangang Medikal D. Karapatang Mabigyan ng Pangalan
______4. Alin sa sumusunod ang nararapat ibigay kay Hanna upang siya ay maging malusog na bata?
A. Mga laruan B. Pera C. Junkfood D. Masusustansyang pagkain
______5. Nais ni Joaquin na maging isang doktor sa kanyang paglaki kaya’t pinapasok siya ng kanyang mga
magulang sa paaralan malapit sa kanilang tirahan. Anong karapatan ang tinatamasa ni Joaquin?
A. Karapatang makapaglibang B. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
C. Karapatang makapag-aral D. Karapatang magkaroon ng maayos na tahanan
______6. Ang bawat karapatan ay may katumbas na __________________.
A. Pagpapahalaga B. Pananagutan C. Pagsasaayon D. Talino
Panuto: Tukuyin ang ipinapakitang tungkulin sa bawat larawan sa hanay A. Piliin ang sagot sa hanay B.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
______7. A.
Pagtatapon ng basura sa tamang
lalagyan
______8. B.
Pagtawid sa tamang tawiran at
pagsunod sa batas trapiko

______9. C.
Paglahok sa programang
pangkalinisan

______10. D.
Pagtulong sa mga taong
nangangailangan lalo na sa
panahon ng kalamidad

Panuto: Isulat ang tama o mali sa patlang bago ang bilang.


______11. Walang makitang basurahan si Nene kaya’t itinapon niya sa tabing kalsada ang balat ng biskwit na
kanyang kinain.
______12. Sinulatan ni Erika ang kanyang pangalan gamit ang pentel pen ng upuan sa plasa.
______13. Kahit walang nakabantay na pulis ay sa tamang tawiran pa rin tumatawid si Jun.
______14. Agad nagsuplong si Brando sa mga pulis sa nakitang mga di kilalang mga kalalakihang nagpuputol ng mga
puno sa kagubatan ng kanilang komunidad.
______15. Maagang gumising si Rhea upang lumahok sa “Tree Planting activity” ng kanilang komunidad.
Panuto: Iguhit ang epekto ng di pagtupad sa tungkulin. Kulayan ang larawan. (5 puntos)

Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI kung hindi.
____________1. Ang mga bata ay maaari nang makatulong sa pagtupad ng alituntunin sa komunidad.
____________2. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok.
____________3. Dapat suportahan ang mga ordinansang ipinatutupad sa komunidad.
____________4. Magtapon ng basura kahit saan kung walang nakalagay na basurahan.
____________5. Magpatugtog nang malakas kung nasa pookospital upang maging masigla ang mga pasyente.
____________6. Maaaring pumitas ng mga magagandang bulaklak sa pook pasyalan upang dalhin sa simbahan.
____________7. Ang mga babala ay isinusulat sa pader o dingding ng mga gusali upang mabasa ng mga tao sa
komunidad.
____________8. Umuwi sa tamang oras pagkagaling sa trabaho o eskwela.
____________9. Panatilihing nakatali ang mga alagang hayop upang hindi makasira ng pananim sa bakuran ng iba.
____________10. Ipinagbabawal ang pagsasakay nang labis sa itinakdang bilang na mga upuan ng mga pasahero sa
pampublikong sasakyan.

Bilugan ang titik ng wastong sagot.


11. “Bawal ang paninigarilyo sa loob ng mga pampublikong lugar tulad ng sasakyan, tanggapan at pamilihan”
.Ang ordinansa o alituntuning nabanggit ay may magandang epekto sa ___________.
A. kalusugan ng mga tao sa komunidad B. kaligtasan ng mga tao C. kalinisan ng komunidad
12. “Bawal ang magtayo ng mga pook-aliwan tulad ng pasugalan, inuman, sinehan at video karera na malapit sa
paaralan.” Ang ordinansa o alituntuning nabanggit ay may magandang epekto sa __.
A. kalusugan ng mga tao sa komunidad B. kaligtasan ng mga tao C. kalinisan ng komunidad
13. “Bawal sa magtapon ng basura sa mga kalye, kanal, ilog at dagat.” Ang ordinansa o alituntuning nabanggit
ay may magandang epekto sa ___________.
A. kalusugan ng mga tao sa komunidad B. kaligtasan ng mga tao C. kalinisan ng komunidad
14. “Bawal sa tumawid sa hindi tamang tawiran o hindi “pedestrian lane.” Ang ordinansa o alituntuning
nabanggit ay may magandang epekto sa ___________.
A. kalusugan ng mga tao sa komunidad B. kaligtasan ng mga tao C. kalinisan ng komunidad
15. “Bawal magsulat sa mga pader at sirain ang mga “sign board.” Ang ordinansa o alituntuning nabanggit ay
may magandang epekto sa ___________.
A. kalusugan ng mga tao sa komunidad B. kaligtasan ng mga tao C. kalinisan ng komunidad
16. “Bawal sa mga batang 18 taong gulang pababa ang maglakad sa kalye simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng
umaga.” Ang ordinansa o alituntuning nabanggit ay may magandang epekto sa.
A. kalusugan ng mga tao sa komunidad B. kaligtasan ng mga tao C. kalinisan ng komunidad

Piliin ang bilang ng larawang nagpapakita ng paglabag sa mga alituntunin ng komunidad. Isulat sa papel ang
letra ng tamang sagot.
17. 18. 19. 20.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu East District
LATAG ELEMENTARY SCHOOL
Nasugbu
]
Ikaapat na Markahang Pagsusulit
FILIPINO III

PANGALAN : _________________________________________________________________ PETSA :__________________________________

Bilugan ang angkop sa bawat pangungusap.


1. Tinanggap na ( ni, nina ) Ate at Kuya ang kanilang pabuya.
2. Hiningi ( ni, nina ) Tita Lorna ang aming mga lumang laruan.
3. Iniabot ko ( kay, kina ) Aldrin ang aming pasalubong na puto
4. Masaya niya itong kinain at ibinahagi rin niya ito ( kay, kina ) Mang Pilo, Aling Nene at Lora
5. Tanghali na (ng, nang) sila ay gumising.
Isulat ang = kung ang mga salitang magkatapat ay magkasingkahulugan at x kung magkasalungat.
_____ 6. masinop-burara
_____ 7. masigla-malungkot
_____ 8. maganda-marikit
_____ 9. mabuti-masama
_____ 10. mahal-iniibig
Isulat sa patlang ang letra ng impormasyon sa ibaba na sasagot sa sumusunod na tanong
_____ 11 Kailan ka ipinanganak?
_____ 12. Sino-sino ang mga kapatid mo?
_____ 13. Saan ka nag-aaral?
_____ 14. Maaari bang sabihin mo kung sino ang iyong mga magulang?
_____ 15. Ilan kayong magkakapatid?
a. Tatlo kaming magkakapatid.
b. Ang mga magulang ko ay sina Mario Nicolas at Viring Nicolas.
c. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa San Mateo Elementary School.
d. Ang mga kapatid ko ay sina King Cortes at Noriel Cortes.
e. Ako ay ipinanganak noong ika-5 ng Nobyembre 2005
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay kilala sa tawag na Tita Cory. Siya ay asawa ng dating senador na si
Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Siya ay isang babaeng uliran. Nakilala siya dahil sa naganap na EDSA Revolution
noong 1986 laban sa pamamahala ng dating diktador na si Ferdinand E. Marcos. Ang kanyang naisagawa ay nagpakita
na siya ay may sapat na kakayahan at karapatan na dapat igalang. Siya ay kinilalang “Ina ng Kalayaan” sa
bansa. Siya ang ina ng ating kasalukuyang pangulo na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.
16. Ang asawa ng dating Pangulong Corazon C. Aquino ay si _____________________________.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr
B. Ferdinand E. Marcos
C. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III
17. Si Tita Cory ay ina ng ating kasalukuyang Pangulo ng bansa na si_______________________.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr
B. Ferdinand E. Marcos
C. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III
18. Nakilala si Tita Cory nang maganap ang Edsa Revolution noong _______________________.
A. 1968 B. 1986 C. 1896
19. Kinilalang diktador si __________________________________ dahil sa kaniyang pamamahala.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr
B. Ferdinand E. Marcos
C. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III
20. Si _____________________________________ ay kinilalang ina ng kalayaan.
A. Tita Cory B. Tito Cory C. Tita Kure
21. Ano ang paksa ng binasang talata?
A. Ang ina ng ating Pangulo
B. Corazon C. Aquino, ulirang babae
C. Ang Edsa Revolution
22. Alin sa sumusunod na salita mula sa talata ang ginamit bilang pangngalan?
A. paggawa B. kinilala C. diktador
23. Alin sa sumusunod na salita ang maaaring mabuo mula sa salitang kalayaan?
A. akala B. bayaan C. laya
24. “Ang pagmamahal ng ina ay walang katulad.” Alin sa pangungusap ang pangngalan?
A. ina B. katulad C. pagmamahal
25. Alin ang wastong daglat ng salitang Pangulo?
A. Pangu B. Pang. C. Pan.
Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. “Walang pasok bukas dahil may malakas na bagyo”, __________ PAG-ASA.
a. Ayon sa b. Ayon kay c. Ayon kina
2. __________ Titser Mina, ang mga batang mahilig kumain ng gulay ay hindi sakitin.
a. Ayon sa b. Ayon kay c. Ayon
kina
3. Dapat ibigay ang tamang disiplina ___ kabataan na magiging pag-asa ng bayan.
a. para sa b. para kay c. para
kina
4. ____________Roy,Justin at May ang mga regalong ito.
a. para sa b. para kay c. para
kina
5. Alin sa mga salita ang tambalang salita?
a. balikan b. tanawin c. Balik-
tanaw
6. Ano ang tinutukoy ng salitang “kapit-tuko?
a. mahigpit ang pagkakakapit b. Maluwag ang pagkakakapit
7. Ano ang tamang bantassa pangungusap na “Hugis parisukat ba ang mesa___”
A. ( . ) B. ( ? ) C. ( ! )
8. Ano ang kasingkahulugan ng salitang huwaran?
A. halimbawa B. gawain C.Sulatin
9. Alin ang sanhi sa pangungusap na “Nag-aral ng mabuti si Renz kaya siya ay pumasa sa pagsusulit.”?
A. Nag-aral ng mabuti si Renz B. kaya C. Pumasa sa pagsusulit
10. Alin ang bunga sa pangungusap na “ Ayaw kunin ni Mark ang laruan dahil hindi iyon kanya.”?
A. Ayaw kunin ni Mark ang laruan B. dahil C. Hindi iyon kanya.

Daglatin ang salitang may salungguhit.


11. Si Senador Baybay ang siyang nanguna sa pagpupulong. ______________________________
12. Ang matapat na barangay tanod ay binigyang parangal ni Kapitan Lorenzo.
_________________________
13. Sa pangunguna ni Pangulong Derla, ang mga magulang ay nagtulong-tulong sa paglilinis ng paaralan.
_________________________
14. Si Kongressman Tolentino ay kasama sa namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng
bagyo._________________________
15. SI Doktor Rey ay isang magaling na manggagamot. _______________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu East District
LATAG ELEMENTARY SCHOOL
Nasugbu

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


MOTHER TONGUE III

PANGALAN : _________________________________________________________________ PETSA :_________________________________

Isulat ang salitang may diptonggo na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Isinisigaw kapag nasasaktan - _____________


2. Tanglaw sa dilim-____________________________
3. Ginagamit na panggatong -_______________
4. Maliit na manok- ___________________________
5. Maliit na ibon - ____________________________

Bilugan ang salitang pautos na ginamit sa bawat pangungusap.

6. Itaas ang mga kamay.


7. Pumalakpak ng sampu.
8. Kumuha ng lapis at papel.
9. Isulat ang iyong pangalan sa itaas ng papel..
10. Itupi ang papel sa gitna

Isulat ang mga bahagi ng liham na tinutukoy sa pangungusap.

____________________1. Ipagpaumanhin mo ang hindi ko pagdalo sa pagsasanay ng sabayang awit noong Sabado dahil
sa matinding sakit ng aking ulo. Nanghihinayang ako sa pagkakataong nawala sa akin. Asahan mo na dadalo na ako
sa susunod na pagsasanay. Inaasahan ko ang iyong pag-unawa.
____________________2 . Umaasa,
____________________3. Sampaguita Homes,
Gulod Itaas, Batangas City
Oktubre16, 2012
____________________4. Mahal kong Sabel,
____________________5. Tess

Pag-ugnayin ang mga salitang magkasalungat ng kahulugan.


_____1. manipis A. mali
_____2. tama B. makapal
_____3. malusog C. magulo
_____4. malakas D. sakitin
_____5. maayos E. mahina

Isulat ang kasingkahulugan ng salita.

1. Payapa- ________________________________________

2. Maganda - ________________________________________

3. Mabilis - ________________________________________

4. Maliit - ________________________________________

5. Matalino - ________________________________________
Basahin ang kuwento at pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa ibaba.
Araw ng Lunes umpisa na naman ng klase. Napansin ni Joy na wala ang kaibigan niyang si Lala. Tinanong siya ng
kanyang guro kung nasaan si Lala.“ Joy, alam mo ba kung bakit liban si Lala ngayon?”, ang tanong ng guro.
“Ma‟am hindi ko po alam ang dahilan ng kanyang pagliban,” wika ni Joy. Nang uwian na mabilis na umalis ng
silid-aralan si Joy.Pagdating niya sa bahay ay agad siyang tumawag sa bahay nina Lala.
Hello! Magandang hapon po.Ako po si Joy, ang kamag-aral at kaibigan ni Lala,”pakilala ni Joy. “Magandang
hapon naman, ako ang Mommy ni Lala.May kailangan ka ba sa kanya? Puwede ko po bang malaman kung bakit siya
liban sa klase,” sagot ni Joy. “ Ah, kagabi ay mataas ang lagnat niya. Magaling-galing na siya ngayon .Baka
makapasok na siya sa makalawa.
“Salamat naman po.Ikumusta po ninyo ako sakanya”,wika ni Joy.
“Salamat! Kaybutimong kaibigan, masayang wikang Mommy ni Lala. “Sige po, paalam.”
Panuto. Isulat ang sagot sa sagutangpapel.
1. Sino ang liban sa klase? _________________________
2. Sino ang nagtatanong kung bakit liban si Lala sa klase? _________________________
3.Sino ang tumawag sa bahay nina Lala? __________________________
4. Sino ang nakausap ni Joy sa telepono? __________________________
5. Ano ang dahilan ng pagliban ni Lala sa klase? __________________________

Lagyan ng √ ang patlang kung ito ay wastong pakikipag-usap sa telepono at x kung hindi.
____ 6.Bumati sa sumagot sa tawag mo.
____ 7.Magpakilala kung ang sumagot ay hindi ang taong kailangan.
____ 8.Magsalitang mabilis at malakas sa telepono.
____ 9.Maging magaling sa pakikipag-usap.
____ 10.Magpasalamat bago magpaalam.

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat kung wasto ang paraan ng pagbasa.
____11. Bumasa simula kanan-pakaliwa.
____12.Itaas ang isang paa habang bumabasa.
____13. Bilisan ang pagbigkas ng mga salita habang bumabasa.
____14. Pakiputin ang bibig habang bumabasa nang pabigkas.
____15. Ibaba ang tinig sa hulihan ng pangungusap na may tuldok.

Punan ang patlang ng salitang pautos upang mabuo ang panuto.


16. __________________________ sa tamang tawiran.
17.__________________________ sa magkabilang panig bago tumawid.
18.__________________________ ng marahan sa pagtawid.
19.__________________________ ang basura sa tamang tapunan.
20.__________________________ ang mga halaman araw-araw.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu East District
LATAG ELEMENTARY SCHOOL
Nasugbu

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


M A P E H III

PANGALAN : _________________________________________________________________ PETSA :_________________________________

MUSIC

Tukuyin ang tempo ng mga awitin sa ibaba. Pangkatin ito ayon sa bilis ng pag-awit.

Mabilis na Tempo Mabagal na Tempo


1. 4
2 5
3 6

a. Lupang Hinirang d. Bahay Kubo


b. Magmartsa tayo e. Leron-leron Sinta
c. High and Low f. Ako ay Musikero

Subukan mong buuin ang sumusunod na pangngusap batay sa natutunan sa aralin.

7. Ang ___________ ay tumutukoy sa bilis at bagal ng awitin.


8. Ang tempo ay maaring ______________ at _____________ na daloy ng tunog o musika.
9. Ang mabilis na musika ay maaring lapatan ng _________________ na kilos.
10. Ang mabagal na kilos/galaw ay maaring ilapat sa _________________ na musika.
KNOWLEDGE ( 5 pts. ) _____________
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat sa papel kung ano ang kulang ng batang tinutukoy sa bawat
pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang sagot.

pahinga masustansiyang pagkain


sapat na tulog ehersisyo

1. Mahilig si Monette sa sitsirya, kendi at tsokolate. Ayaw niyang kumain ng mga gulay at
prutas kaya madali siyang dapuan ng sakit. ____________________________
2. Si Bitoy ay naglalaro ng computer tuwing gabi hanggang gusto niya. Kinabukasan, lagi siyang inaantok habang
nasa klase. _________________________
3. Maghapon kung maglaro ng patintero si Goryo sa kalsada kahit mainit o maulan ang panahon. Madalas tuloy
siyang lagnatin. _________________________
4. Mahina ang katawan ni Nelson at lagi siyang matamlay. Tinatamad siyang makipaglaro sa
kaniyang mga kaibigan. ___________________________
5. Tuwing reses, bumibili si Tina ng softdrinks at sitsirya. Minsan, dinala siya sa ospital dahil sa
matinding sakit ng tiyan. Sinabi ng doktor na siya ay may ulcer. ___________________________

ARTS :

PROCESS SKILLS ( 5pts. ) _____________


Pamilyar ba sa inyo ang mga disenyong ito?
Saan karaniwang ginagamit ang mga ito?
Anong okasyon mo ito nakikita?
1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________
4. _________________________
5. Kulayan ang mga larawan

Physical Education

UNDERSTANDING ( 10 pts. ) _____________


Basahing mabuti ang mga sumusunod. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa pagtakbo saang direksyon dapat nakatuon ang mga mata?
A. sa itaas B. sa ibaba C. sa tabihan D. sa direksyon ng patutunguhan
2. Ang bigat ng katawan habang tumatakbo ay dapat na nakasalalay sa __________
A. mga binti. B. isang paa. C. dalawang paa. D. dalawang tuhod.
3. Ano ang tamang posisyon ng siko habang tumatakbo?
A. nakaunat B. nakataas C. nakabaluktot D. wala sa mga ito
4. Habang tumatakbo ang paa at kamay ay dapat laging __________
A. magkatapat. B. magkapantay. C. nasa magkasalungat na direksyon. D. Lahat ng ito
5. Aling bahagi na paa ang di dapat sumasayad sa lupa habang tumatakbo?
A. Sakong B. Daliri ng paa C. unahan ng paa D. Wala sa mga ito

HEALTH :
Lagyan ng () kung ang pangungusap ay tama at (X) kung mali.
_______1. Ang paglalaro ng posporo ay hindi mapanganib sa bata.
_______2. Maaaring paglaruan ng bata ang gunting, kutsilyo at iba pang matatalim na bagay.
_______3. Maaaring tumakbo ang bata habang hawak sa kamay ang gunting.
_______4. Gumamit ng mga kasangkapang de- koryente kahit hindi alam ng magulang.
_______5. Maaaring masunog ang iyong katawan sa maling pagbubukas ng lutuang de-koryente.
_______6 . Bawal maghugas ng kamay kapag gumamit ng kemikal sa bahay.
_______7. Maaari pang kainin ang mga expired na Pagkain.
_______8. Tikman at amuyin ang mga gamit na hindi kilala bago gamitin.
_______9. Basahin ang warning label bago gamitin ang produkto.
_______10. Ilagay ang mga petrolyo malapit sa pinaglulutuan.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Nasugbu East District
LATAG ELEMENTARY SCHOOL
Nasugbu

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA


SCIENCE 3

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat:___________

Panuto. Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang lupa?


a. Ito ay dumi sa ibabaw ng mundo
b. Ito ay pinagsama-samang mga bato at alikabok
c. Ito ay pinagsama-samang bahagi ng mga nadurog na bato,nabubulok na halaman at mga hayop
d. Ito ay pinagsamang maliliit na mga bato,buhangin at hangin.
2. Saan nanggaling ang lupa?
a. mula sa alabok c. mula sa abo
b. mula sa bato d. mula sa hangin
3. Nakakolekta ng ibat-ibang uri ng lupa si Ralph. Inobserbahan niya ang mga ito. Napansin niya na
may lupa na kulay itim at ang iba naman ay abuhin ang kulay. Nang kanya itong hawakan ay meron ding pino
at meron ding magaspang. Ano kaya ang masasabi ni Ralph tungkol sa lupa?
a. ang ibat-ibang uri ng lupa ay may ibat-iba ring mga katangian
b. ang ibat-ibang uri ng lupa ay may parehong mga katangian
c. ang ibat-ibang uri ng lupa any nagmula sa iisang bato
d. lahat ng lupa ay may pare-parehong kulay.
4. Kumuha si Rommel ng lupa mula sa baybaying dagat. May magaspang at mabuhaghag itong bahagi. Mukha
itong maliliit na bato. Anong uri ng lupa ang mga ito ?
a. luwad b.buhangin c. loam d. humus
5. Kumuha ng lupa si Anita mula sa kanilang hardin. Tumutubo ng malago ang mga halaman dito. Anong uri ng
lupa mayroon sa hardin nila Anita ?
a. luwad b. buhangin c. loam d. subsoil
6. Bakit mainam na lupa para sa mga halaman ang humus.?
a. marami itong taglay na tubig
b. marami itong taglay na hangin
c. marami itong taglay na luwad
d. galing ito sa mga nabubulok na mga halaman at hayop
7. Naglagay si Jose ng kaunting lupa sa loob ng maliit na bote na may tubig. Nakakita siya ng maliliit na bula na
pumapaibabaw mula sa lupa. Ano ang nais ipakita nito ?
a. ang lupa ay may taglay na tubig
b. ang lupa ay may taglay na hangin
c. ang lupa ay may maliliit na hayop
d. ang lupa ay may maliliit na halaman
8. Ang lupa ay may tatlong bahagi. Dalawa sa mga ito ay ang bedrock at ang topsoil. Ano ang isa pang bahagi ?
a. bedrock b. topsoil c. subsoil d. sandy soil
9. Alin sa mga sumusunod ang pinagmumulan ng tubig ?
a. lawa c. dagat
b. ilog d. lahat ay tama
10. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang gamit ng tubig ?
a. para sa paglilinis
b. para may mainom
c. para sa pagluluto
d. para sa paglalaba

11. Sinabi ng mga doctor na ang buhay natin ay naka-depende sa tubig. Ano ang ibig sabihin nito ?
a. kung walang tubig,tayo ay mamamatay c. ang buhay ay mula sa tubig
b. ang tubig ay may buhay d. Ang tubig ang ating tahanan
12. Paano tayo makatitipid sa paggamit ng tubig ?
a. Punuin lahat ng lalagyan ng tubig.
b. Gamitin ng todo ang tubig hanggang gusto.
c. Pabayaang umagos ang tubig sa faucet.
d. Gumamit ng sapat na tubig para sa pangangailangan.
13. Anong salita ang makapaglalarawan sa mga pagbabago sa hangin sa iyong paligid ?
a. hangin b. panahon c. tag-init d. maulap
14. Bumili si Lina ng isang bote ng malamig na soda. Makalipas ang ilang sandali, nakakita siya
ng maliliit na butil ng tubig sa labas ng bote. Saan nanggaling ang maliliit na butil ng tubig ?
a. mula sa soda
b. mula sa hangin sa loob ng bote ng soda
c. mula sa hangin na dumadampi sa baso
d. mula sa hangin na nasa tubig.
15. Ano ang ipinahihiwatig ng kumpol ng ulap sa iyo ?
a. ipinahihiwatig ng ulap na malapit ng bumagsak ang ulan
b. ipinahihiwatig nito ang kundisyon ng kalangitan
c. nagsasabi ito tungkol sa araw
d. nagsasabi ito tungkol sa hangin
16. May hangin sa ating paligid. Minsan ito ay maligamgam at may mga oras na ito ay malamig. Ano ang dahilan
kung bakit nagiging malamig at mainit ang hangin ?
a. ulan b. panahon c. hangin d. tubig
17. Ang kundisyon ng hangin sa ating paligid ay pabago-bago. Ano ang tawag sa pabago-bagong kundisyon ng
hangin ?
a. panahon b. hangin c. sikat ng araw d. water vapor
18. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi kung gaano kainit o kalamig ang hangin ?
a. masa b. presyur c. timbang d. temperatura
19. Ano ang mangyayari kung ang hangin sa isang lugar ay mas malamig kaysa sa hangin sa ibang lugar ?
a. gagalaw ang hangin
b. hindi gagalaw ang hangin
c. magiging mainit ang hangin
d. magiging malamig ang hangin
20. Ang hangin ay palaging may kasamang tubig. Kailan sumasama ang tubig sa hangin?
a. kapag ang hangin any naging maligamgam
b. kapag ang hangin ay naging malamig
c. kapag ang hangin ay gumalaw
d. kapag ang hangin ay hindi gumagalaw
21. Ano ang mga ulap ?
a. Ang ulap ay usok na nasa hangin.
b. Ang ulap ay patak ng tubig na nasa hangin.
c. Ang ulap ay bahagi ng hangin na nasa tubig
d. Ang ulap ay gases ng tubig
22. Anong uri ng ulap ang nagsasaad ng magandang uri ng panahon ?
a. nimbus clouds b. stratus clouds c. cirrus clouds d. cumulus clouds
23. Bakit napakahalaga ng panahon para sa mga tao ?
a. nakakaapekto ang uri ng panahon sa mga aktibidad ng mga tao
b. mapanganib ang panahon
c. nagbabago ang panahon bawat oras
d. ibinibigay ng panahon ang temperatura ng mga bagay-bagay.
24. Alin sa mga sumusunod na karamdaman ang karaniwan kapag tag-ulan?
a.bulutong-tubig c. tigdas
b. sipon d. trangkaso
25. Paano nakatatagal ang ibang uri ng halaman sa mainit na panahon?
a. Humihinto sila sa paglaki
b. Ginagawa nilang lilim ang kanilang mga dahon.
c. Natutuyo sila
d. Nagkakaroon sila ng mas maraming dahon.
26. Paano nakatatagal ang ibang uri ng mga hayop sa malamig na panahon?
a. Galaw sila ng galaw
b. Umiinom sila ng maraming tubig
c. Kumakain sila ng marami
d. Nagtatago muna sila sa lungga
27. Alin sa mga sumusunod na kasuotan ang kumportableng isuot kapag tag-init?
a. sweater c. mapupusyaw na kulay ng damit
b. plastic na jacket d. maiitim na kulay ng damit
28. Ano ang mainam mong gawin kapag ikaw ay may ubo’t sipon ?
a. Maglaro sa labas ng bahay
b. Manatiling nakahiga
c. Kumain ng maraming tsokolate at kendi
d. Bumisita sa bahay ng mga kaibigan.
29. Bakit nakapagbibigay ng liwanag at init ang araw?
a. Ang araw ay mainit na bola ng gases.
b. Ang araw isang bolang apoy.
c. Ang araw ay isang naglilyab na bolang kahoy.
d. Ang araw ay isang bola ng liwanag.
30. Nakatayo ka sa palaruan ng inyong paaralan. Kailan mo mararamdaman ang matinding init ?
a. kapag ang araw ay kasalukuyang sumisikat sa silangan.
b. kapag ang araw ay direktang nakatutok sa iyong ulunan
c. kapag ang araw ay lumulubog sa kanluran
d. kapag hindi na nakikita ang araw
31. Ang sobrang init na mula sa araw ang magiging sanhi ng ________ ng halaman.
a. pagtubo b. pagkabuhay c. pagkamatayd. pagtaas
32. Hindi dapat tumingin ng direkta sa araw lalo na kung wala kang suot na ______.
a. salamin b. contact lens c. proteksyon d. gamut
33. Tiningnan ni Arnel ang apat na thermometer readings. Nasa ibaba ang thermometer readings. Alin sa mga ito
ang nagpapakita ng pinakamababang temperatura?
a. 26 0C b. 28 0C c. 31 0C d. 27 0C
34. Kailan nagiging mapaminsala ang ultraviolet rays na mula sa araw sa mga tao?
a. kapag matagal na nakababad ang tao sa tubig
b. kapag matagal na nakabilad ang tao sa araw
c. kapag matagal na wala sa tubig ang tao
d. kapag lumayo ang tao sa sikat ng araw
35. Alin sa mga sumusunod na aktibidad ang ginagawa kapag tag-araw?
a. awting sa tabing dagat c. pag-aani ng palay
b. piknik sa parke d. lahat ng nasa itaas

36. Ano ang mangyayari sa mga halaman kung magkakaroon ng mahabang panahon ng tag-araw?
a. Mamamatay ang mga halaman
b. Lalago ang mga halaman
c. Magkakaroon ng maraming dahon ang mga halaman
d. Magkakaroon ng maraming bulaklak ang mga halaman.
37. Paano mo mapapangalagaan ang iyong balat sa matinding sikat ng araw habang lumalangoy?
a. magsuot ng sweater
b. magpahid ng lotion
c. gumamit ng payong
d. pahiran ng alcohol ang katawan
38. Kung titingnan ang mundo mula sa kalawakan ang kulay nito ay bughaw. Alin sa mga sumusunod na
materyal ang dahilan kung bakit ito ay kulay bughaw?
a. hangin b. lupa c. tubig d. bato
39. Ano ang kahulugan kapag sinasabing “ the sky is overcast?”
a. ang kalangitan ay maliwanag
b. ang panahon ay magiging maulan
c. katamtaman ang panahon
d. napakakapal ng ulap sa kalangitan
40. Alin sa mga sumusunod ang makikita sa kalangitan kung araw?
a. araw b. buwan c. bituin d. planeta

You might also like