You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
_________________________________________________________________________
Kagamitan (Tool) sa Pagtatasa sa Programang Reading Journey
Ikatlong Baitang

Pangalan: Petsa: _______


Guro: Iskor: ___________________
Pagsasalita
Part 1- Basahin ang mga salitang may tatlo (3) at pataas na pantig
1. Huwebes
2. Tanghalian
3. Magaganda
4. Kayumanggi
5. Katesismo

Part 2 - Basahin ang mga salitang may klaster/diptonggo.


6. Klima
7. reyna
8. blusa
9. ugoy
10. Tsuper

Part 3 – Basahin ang mga pangungusap na may salitang klaster at sagutin ang
mga tanong tungkol dito.
11. Sagana sa prutas na rambutan at lanzones ang Lunsod ng San Pablo.
Sa anong mga prutas sagana ang Lunsod ng San Pablo? ______________

12. Mahal ngayon ang presyo ng bilihin. Anong mahal ngayon?_________

13. Magagandang disenyo ng dyip ang makikita sa aming bayan.Saan makikita


ang magagandang disenyo ng dyip?___________________

1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
_________________________________________________________________________
14. Masakit ang braso ni kuya kaya hindi siya nakapagbuhat.Bakit hindi
nakapagbuhat si kuya? ___________________

15. Tilapya ang pangunahing produkto ng 7 lawa ng aming lunsod. Ano ang
pangunahing produkto ng 7 lawa ng aming lunsod? ___________

Part 4 - Basahin at unawain ang maikling kuwento. Sagutin ang mga tanong
tungkol dito. Piliin ang letra ng iyong sagot.

Paghahanda sa Pagsusulit
Sabado noon. Maglaro muna tayo. Bukas ka na mag-aral para sa pagsusulit,” sabi
ni Marlon kay Roldan. “Naku, hindi maaari. Linggo bukas at kailangan kong
magsimba. Sa ibang araw na ako sasama s aiyo,” wika ni Danilo. “Ngayon lamang
ang pagkakataon ko para makapaghanda sa pagsusulit.” Nag-aral na mabuti si
Danilo. Maaga siyang natulog noong Linggo ng gabi kaya nakapahinga siya ng
mabuti.
16. Ano kaya ang nagyari kay Danilo sa pagsusulit?
A. Nadalian siya.
B. Nahirapan siya.
C. Hindi siya nakasagot ng anoman.

17. Ano ang pakiramdam ni Danilo sa oras ng pagsusulit?


A. Mabuti B. Inaantok C. Tinatamad

18. Mataas kaya ang nakuhang marka ni Danilo sa pagsusulit?


A. Oo, dahil nag-aral siyang Mabuti.
B. Hindi gaano, dahil nagsimba siya.
C. Hindi, dahil natulog siya nang maaga.

2
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
_________________________________________________________________________
Paligsahan sa Kalinisan

“Bibigyan ng gantimpla ang may pinakamalinis na silid -aralan,” pahayag


ni Bb. Tuazon. “Ito ang talaan ng lahat ng ating gagawin.”
a. Magdala ng mga kagamitang panlinis tulad ng walis,bunot,basahan,
floorwax, papel de liha at timba.
b. Sabunin at linisin ang mga dingding.
c. Isisin ng papel de liha ang mga desk.
d. Lagyan ng floorwax ang sahig bago bunutin
e. Walisan ang buong silid.
f. Linising Mabuti ang mga pasimano at patungan ng yelo.
g. Maglagay ng punasan ng paa sa may pintuan.
h. Punasang Mabuti ang mga mesa.

19. Tungkol sa ano ang paligsahan?


A. Pinakamalinis na silid-aralan
B. Pinakamahusay na tanghalan
C. Pinakamahusay na halaman

20. Ano ang ibibigay sa mananalo?


A. Isang tropeo
B. Isang bandila
C. Isang gantimpala

21. Ano ang dadalhin ng mga bata?


A. Panlinis ng mga kagamitan
B. Mga palamuti para sa silid-aralan
C. Mga sisidlan at paso para sa halaman

22. Ano ang kanilang gagawin sa mga dingding?


A. Pipintahan B. Huhugasan C. Pakikintabin
3
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
_________________________________________________________________________

23. Anoang gagawin sa mga desk?


A. Iisisin B. Pipintahan C. Huhugasan

24. Anoang lalagyan ng floorwax?


A. Mesa B. Sahig C. Dingding

25. Sinosi Bb. Tuazon?


A. Guro B. Nars C. doktor

You might also like