You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
SAN MARCOS ELEMENTARY SCHOOL
SAN PABLO CITY, LAGUNA

Pangalan:____________________________ Seksyon:______________________

Pangalan ng Guro:______________________ Iskor:_______________________

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa


FILIPINO III
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. _______________ na nang maganap ang lindol.
A. hatinggabi B. taos-puso C. urong-sulong D. lakas-loob
2. _______________ na nagdarasal ang mga tao.
A. hatinggabi B. taos-puso C. urong-sulong D. lakas-loob
3. Sila ay _________________ dahil hindi nila alam saan sila tutungo.
A. hatinggabi B. taos-puso C. urong-sulong D. lakas-loob
4. Batang pinarangalan ng walang humpay ay makakamit mo rin sa iyong buhay. Sa aking palagay, ang bata ay
dapat ___________________.
A. Tularan B. Kainisan C. kutyain D. pandirihan
5. Ito ang kabuuang kaisipan ng isang kuwento.
A. pamagat B. tauhan C. paksa D. Pagyayari
6. Natuwa si Gina sa marka niya sa Filipino. Ang pandiwang ginamit ay?
A. Gina B. Filipino C. niya D. Natuwa
7. Naiyak si Nico sa pagkawala ng kaniyang aso. Ang pandiwang ginamit ay?
A. Nico B. Naiyak C. kaniyang D. Aso
8. Nabigla ako nang malaman kong pumanaw na ang lolo mo. Ang pandiwang ginamit ay?
A. Nabigla B. Lolo C. pumanaw D. Ako
9. Nagulat si Ela sa nakita niya. Ang pandiwang ginamit ay?
A. Nagulat B. Niya C. Ela D. sa
10. Alin sa mga sumusunod ang ilalagay sa BAWA upang mabuo ang salitang BAWANG?
A. sa B. it C. ng D. Sh
11. Alin sa mga sumusunod ang ilalagay sa GAL upang mabuo ang salitang GALIT?
A. sa B. it C. ng D. Sh
12. Alin sa mga sumusunod ang ilalagay sa SAGI upang mabuo ang salitang SAGING?
A. sa B. it C. ng D. Sh

II. Tukuyin ang salitang hinuha sa bawat pangungusap. Guhitan ang mga salita ng tamang sagot.
13. Ang hula ko sa mga nangyayari sa ating paligid ay may kaugnayan sa maruming kapaligiran.
14. Di-tiyak ang pagdating ng mga bisita sa ating paaralan.
15. Marahil ay wala na tayong darating na dagdag sa ating suweldo.

III. Salunguhitan ang pang-abay na pamaraan sa bawat pangungusap.


16. Masipag mag-ipon ang batang si Imee kaya mayroon siyang pambili ng bagong aklat.
17. Si Russel ay mahusay maglaro ng Mobile Legends.
18. Tahimik siyang nag basa ng libro sa Library
19. Masayang nagdiwang ng kapaskuhan ang mag-anak na Rivera.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
SAN MARCOS ELEMENTARY SCHOOL
SAN PABLO CITY, LAGUNA

IV. Salunguhitan ang Sanhi at Ikahon ang bunga.


20. Pinarangalan si Julius bilang 1st honor dahil matataas ang kanyang mga marka.
21. Naging maayos ang kanilang buhay dahil nagsumikap sa ibang bansa ang kaniyang mga magulang.
22. Kailangan niyang magtipid upang makabili ng nais na relo.
23. Naiwan ni Abner ang kanyang lapis kat nanghiram siya sa kanyang kaklase.

V. Kumpletohin ang talata. Punan ang mga patlang ng Pang-ukol na LABAN SA, AYON SA, PARA SA, UKOL SA at
TUNGKOL SA at sagutin ang mga sumusunod na tanong

Nagkaroon ng paligsahan 24_________________ pinakamalinis na Barangay. Ang paligsahan ay


25______________ pagpapanitiling malinis ng ating kapaligiran. 26_________________ pamahalaan
nararapat na panatilihing malinis ang kapaligiran dahil ito ang maaari nating gawing paraan
27_____________ mga karamdaman. Lumahok ang mga kabataan sa Barangay Masipag. Malaki ang
natanggap na premyo ng Barangay. Ginamit nila ang nakamit na premyo sa pagpapaganda ng komunidad.

28-29. Ano ang paksa ng kwento?


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________.

30-31. Anong iyong masasabi sa talata?


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________.

32-33. Sa iyong opinyon, maganda ba ang ganitong paligsahan?


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________.

34-35. Ibigay ang maaring maging pamagat ng teksto


______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________.

36-38. I kwento ang iyong sariling karanasan sa pag lilinis sa inyong tahanan.
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
SAN MARCOS ELEMENTARY SCHOOL
SAN PABLO CITY, LAGUNA

V. Kopyahin ng wasto ang liham. (39-40)


123 Brgy. San Macos
Lungsod ng San Pablo
March 20,2023

Sa aking ina,

Maraming salamat ina sa pag-aaruga at di pagsuko sa akin. Sa paniniwala na ako'y magiging mabuting tao
pagdating ng panahon. Kundi dahil sa iyong paniniwala, pag-gabay, at paninindigan ay matagal na akong sumuko.
Salamat, ina, utang ko sayo kung ano at nasaan ako ngayon. Salamat nanay. Ipinangako ko na balang araw ay
masusuklian ko ang lahat ng iyong sakripisyo at paghihirap, at sa huli masaya mong sasabihin ang mga salitang
"anak ko yan".

Lubos na nag mamahal,

(iyong pangalan)

________________________
________________________
________________________

________________________

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

__________________________
__________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
SAN MARCOS ELEMENTARY SCHOOL
SAN PABLO CITY, LAGUNA

TABLE OF SPECIFICATION
Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa FILIPINO III
Ikatlong Markahan.
Mga Layunin Bilang Kinalalagyan
ng ng Bilang
Aytem
Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nananatili ang kahulugan 3 1-3
Nasasabi ang sariling ideya tungkol sa tekstong napakinggan 2 4-5
Naipahahayag ang sariling opinyon o reaskyon sa isang napakinggang isyu 2 32-33
Nasasabi ang paksa o tema ng teksto, kuwento o sanaysay 2 28-29
Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na 4 6-9
karanasan.
Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita. 3 10-12
Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng tekstong 2 30-31
binasa.
Nasisipi ng wasto at maayos ang mga liham. 2 39-40
Naibibigay ang sariling hinuha bago, habang at pagkatapos mapakinggang teksto 3 13-15
Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na 3 36-38
karanasan
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto 2 34-35
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o gawi 4 16-19
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto 4 20-23
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol sa 4 24-27
Kabuuan 1 – 40

Prepared by: Checked by:

GLADIES D. SANTIAGO MARITES G. GALLARDO


Teacher III Teacher II

Noted by:

OLIVIA I. GAPUNUAN
Principal II

You might also like