You are on page 1of 4

Department of Education

Region V
Division of Camarines Sur
Magarao District
Casuray Elementary School
Magarao Camarines Sur
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
1ST QUARTER
SY 2022-2023
PANGALAN: __________________________________________ ANTAS: _________ ISKOR: ______

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ay ang kakayahang magsuri ng mga ideya at lumutas ng mga suliranan.

A. Mapanuring Pag-iisip
B. Mapaghamong Balita
C. Magandang Balita
D. Mapaghusgang Balita

2. Ito ay isang ulat ng positibong pangyayari tungkol sa ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan o
mabatid at mapaglibangan ng mambabasa, nakikinig o nanonood.

A. Mapanuring Pag-iisip
B. Mapaghamong Balita
C. Magandang Balita
D. Mapaghusgang Balita

3. Ito naman ay tungkol sa mga pangyayaring may karahasan, droga, sekswal na hindi angkop sa mga batang
nanonood nakikinig.

A. Mapanuring Pag-iisip
B. Mapaghamong Balita
C. Magandang Balita
D. Mapaghusgang Balita

4. Ang pagiging mapanuri sa narinig o nababasa ay nagpapakita lamang ng ________________.

A. Mapanuring Pag-iisip
B. Mapaghamong Balita Ang bata ay nanunuod ng balita sa telebisyon
C. Magandang Balita
D. Masusing Pag-iisip

________5. Ang bata ay nanunuod ng balita sa telebisyon


________6. Ang bata ay nagbabasa ng pahayagan o dyaryo.
________7. Ang bata ay nakikinig ng balita sa radyo.
________8. Ang bata ay nangangalap ng impormasyon sa kompyuter.
Panuto: Suriin ang mga sitwasyon. Isulat ang salitang Nakabubuti kung ang gawain ay nagpapakita ng
magandang dulot sa paggamit ng media at internet, Hindi Nakabubuti kung Ito ay walang kabutihang
dulot. Isulat ito sa sagutang papel.
______________9. Nakapagsasaliksik sa Agham at teknolohiya para sa takdang aralin.
____________ 10. Napipili ang mga programa at pelikula na ang hatid ay kaalaman at aral sa buhay.
____________ 11. Nakapaglalaro sa kompyuter ng barilan at patayan ng mga zombies.
____________ 12. Nakukumpara ang tama at mali sa nabasang balita sa pahayagan.
____________ 13. Nakikipagchat gamit ang hindi mabuting mga salita.

Panuto: Suriin ang mga pangungusap, Isulat ang Tama kung ang gawain ay tumutugon sa mapanuring pag-
iisip at may kabutihang dulot at Mali kung hindi at walang kabutihang dulot. Isulat ito sa sagutang papel.

_____________14. Pinag-iisipang mabuti ni kyla ang kanyang gagawin bago magdesisyon.


_____________15. Si Mang Caloy ay laging nanonood sa telebisyon sa programang “Mag Agri Tayo” dahil
kinapupulutan ito ng aral tungkol sa pagtatanim.
_____________16. Nagkukuwento si Obet tungkol sa napanood kahit ito ay mali.
_____________17. Araw araw nagbabasa ng dyaryo si Lolo Jose dahil gusto niyang malaman ang
nangyayari sa kapuluan.
____________ 18. Laging nagsasaliksik ng pang edukasyong gawain sa Internet si Myla.

Panuto: Lagyan ng  kung ang pahayag ay nagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral at
X kung hindi. Isulat ito sa sagutang papel.

_____________19. Sumasali sa pagbuo ng plano kung paano gagawin ang proyekto.


_____________20. Ginagawa ang takdang aralin kasabay ng paggawa ng proyekto.
_____________21. Di tinatapos ang gawain sa paaralan.
_____________22. Hinihikayat ang mga kapangkat na huwag gumawa ng mga pinagagawa ng guro.
_____________23. Hinihikayat ang mga kapangkat na magtulong-tulong mula sa umpisa hangang matapos.
_____________24. Inaalam ang bawat detalye ng gagawing proyekto.
_____________25. Laging hindi tinatapos ang dinaluhang pagpupulong sa paggawa ng itinakdang mga
gawain ng guro.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Lagyan ng  ang nagpapakita ng wastong gawaing pampaaralan at 
kung hindi.
_________26. Ikaw ay nasa Top Ten ng klase. Gusto mong magtapat sa iyong guro na ang ulat na iyong
ibinigay sa kaniya ay kinopya mo lamang sa internet.
_________27. Ipinagtapat mo sa iyong mga magulang na pinatawag ka ng punung-guro dahil sa pandaraya
sa pagsusulit.
_________28. Sinabi mo sa inyong guro na ang kaklase mo ang nakabasag ng kanyang plorera gayong alam
mo na ikaw ang nakatabig nito sa mesa.
________29. Sadyang itinulak ng matalik mong kaibigan ang isa ninyong kamag-aral kaya ito ay natumba
sa pasilyo.
_________30. Minabuti mo na lamang na makakuha ng mababang iskor sa pagsusulit kaysa mangopya sa
katabi sapagkat hindi ka nakapag-aral
_________31. Kinuha mo ang proyekto na gawa ng kaklase mo at ipinagyabang mong gawa mo ito.

Panuto: Lagyan ng  ang patlang kung ang sinasabi ng pangungusap ay nagsasaad ng gawain ng pakikiisa
at X kung hindi.
________32. Nakikipagtulungan ako sa pagsasagawa sa layunin ng pangkat.
________33. Sinisiguro ng mga kasapi ng pangkat na maging mabuti ang simulain ng bawat Gawain
________34. Nagmumula lamang sa lider ng grupo ang desisyon.
________35. Kailangan alamin ng bawat kasapi ang layunin ng pangkat.
________36. Hindi pinapansin ang mungkahi ng isang kasapi ng samahan.
________37. Hindi pinahalagahan ang opinion ni Jose ng magpulong sila tungkol sa proyektong isasagawa.
Panuto: Isulat ang Tama kung ang sitwasyon ay nagapahiwatig ng katapatan at Mali kung hindi.
________38. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kinuha ang bolpen ng iyong kamag-aral kung
kaya sinabihan mo ito na isauli sa may-ari dahil mali ang kanyang ginawa.
________39. Pinilit mong sabihin ang katotohanan sa nangyari kahit alam mong may magagalit sa iyo.
________40. Natakot si Marlon na ipagbigay-alam sa magulang ang mababang markang nakuha niya sa
pagsusulit kaya hindi niya sinabi ang totoo.
________41. Hinanap ni Marion ang may ari ng napulot niyang payong.
________42. Naglalaro kayong magkakaklase nang mabasag mo ang isang paso. Agad mo itong sinabi sa
guro at humingi ng paumanhin sa nangyari.
________43. Nag- away ang dalawa mong kaklase, wala kang pinanigan at sinabi lamang ang katotohanan.

Panuto: Ipahayag ang katotohanan sa bawat sitwasyon. Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik
ng iyong sagot sa sagutang papel.

44. Nakita mong kinuha ng kapatid mo ang pera sa wallet ng tatay mo, ano ang gagawin mo?
A. wag na lang pansinin
B. isumbong sa magulang
C. kumuha din
D. walang gagawin

45. Gusto mong tumaas ang iyong marka, ano ang nararapat mong gawin?
A. Mangopya sa katabi.
B. Mag aral mabuti.
C. Kausapin ang kaibigan na pakopyahin siya lagi sa pagsusulit.
D. Maglaro na lamang sa labas kasama ang mga kaklase.

46. Kinain ng pusa ang paborito mong meryenda, dahil sa galit mo, pinalo mo ng malakas ang pusa at sa
kasamaang palad na pilayan ito, ano ang gagawin mo?
A. Sabihin sa magulang ang nangyari at mangangako na di na uulit sa kasalanang nagawa.
B. Tuluyang patayin ang pusa at itapon ito sa malayo
C. Magalit na sa lahat ng pusa dahil matatakaw silang lahat.
D. ililigaw ang pusa sa ibang lugar upang mawala ito.

47. Nagandahan ka sa bag ng iyong kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Purihin ang bag ng kaibigan at sabihing ingatan niya ito.
B. Apakan ito upang madumihan at mag mukhang pangit ang bag.
C. Pilitin ang magulang na ibili din ng magandang bag.
D. Nakawin ang bag.

48. Natapon mo ang ulam na niluto ng iyong ina, ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa ina na natapon ito ng pusa at kinain ito.
B. Aaminin ang nangyari at mangangakong magiingat na sa susunod.
C. Magkukunwari na walang alam sa pangyayari.
D. Sisisihin ang kapatid at sasabihing siya ang nakatapon ito.

49. Nagandahan ka sa laruan ng iyong kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Kunin ito pag di nakatingin ang kaibigan.
B. Hiramin ito sa kaibigan.
C. Pilitin ang magulang na ibili din ng laruan.

50. Tinulak mo ang iyong nakakabatang kapatid, bigla itong umiyak kaya nagtanong ang iyong ina kung ano
ang nangyari, ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin sa ina na itinulak mo at hihingi ka ng paumanhin sa iyong kapatid.
B. Lalayo na lamang at di sasagutin ang ina.
C. Magkukunwari na walang alam sa pangyayari.
D. Pagtatawanan ang iyong kapatid.

GOODLUCK!!!

You might also like