You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IVA- CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
BANGYAS ELEMENTARY SCHOOL
CALAUAN, LAGUNA

ESP
SECOND PERIODICAL TEST
NAME:___________________________________________________ DATE: ______________________
GRADE/SECTION: GRADE 6- PROSPERITY TEACHER: MRS. DAWN ANGELIQUE H. PEREZ- MARTIN
I. Shadan ang LETRANG A kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang at LETRANG B naman kung
hindi.
_________1. Iniiwasan ni Loy ang mga kaibigang nagbigay ng puna sa kaniyang gawa.
_________2. Pinagtawanan si Danny ng mga kamag-aral niya nang magkamali siya sa pagsagot.
_________3. Nakangiting pinakikinggan ni Arlyn ang mga ideya ng kaniyang kapangkat.
_________4. Hinihikayat ni Susan ang kaniyang mga miyembro na magbigay ng kanilang mga opinion.
_________5. Isinasaalang-alang nina Edgardo ang mga opinion ng nakatatanda at nakababata ukol sa
pistang magaganap sa kanilang lugar.
_________6. Lumapit sina Jessy sa kanilang dating guro upang humingi ng ideya ukol sa gagawin nilang
programa para sa kanilang punongguro.
_________7. Sumama ang loob ni Carlo nang hindi isinama ang kaniyang ideya sa pagbuo ng kanilang
proyekto sa Araling Panlipunan.
_________8. Binuo nila Jessa ang kanilang tula tungkol sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng kanilang magagandang karanasan.
_________9. Tiananggap ng maluwag ni Malou na hindi maisasama ang kaniyang ideya sa palno ng
kanilang klase.
_________10. Nag-organisa ng palaro para sa mga kabataan ang pamunuan ng barangay sa kanilang lugar.

II. Basahin ang bawat pahayag, itiman LETRANG C kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtanggap ng
opinyon o puna sa kapwa at LETRANG D kung hindi.
_________11. “Sabi ni Ian, hindi raw maganda ang aking pininta. Sisirain ko na lang ito.”
_________12. “Hindi ko na itinuloy ang sinimulan kong tula dahil hindi naman daw ito kasama sa takdang-
aralin.”
_________13. “Tama o mali, basta gagawin ko ang nais ko ang lahat ng makakaya ko”
_________14. “Sa dami ng puna, hindi ko na alam ang gagawin ko!”
_________15. “Maraming puna ang natanggap namin sa ginawa naming artwork”
_________16. “Sinabihan kami ng aming kamag-aral na itigil na naming ang paggawa n gaming proyekto
dahil hindi kami magaling magpinta.”
_________17. “Binigyan kami ng mungkahi ng aming mga magulang sa aming tinatapos na sanaysay ukol
sa kapalgiran.”
_________18. “Kulang kami sa magagandang kagamitan para sa pagbuo ng karikatura tungkol sa
magagandang tanawin, pero tatapusin pa rin namin ang aming proyekto.”
_________19. “ Ano ba yan! Para naming Grade 2 lang ang gumawa ng guhit na ito.”
_________20. “Hindi mo yata pinagbuti, eh! Uulit na naman tayo n’yan mamaya.”
III. Shadan ang LETRANG A kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pagtupad sa pangako at
LETRANG D.
_____21. Dahil sa sobrang abala ko sa aking trabaho hindi na ako pumunta sa kaarawan ng kaibigan ko na
pinangakuan ko na ako’y dadalo.
_____22. Nangako si Rita sa kanyang kaibigan na si Mila na magkikita sila sa harap ng plasasa ganap na ika-
4 ng hapon para manood ng palabas. Tinupad ni Rita ang kanyang pangako sa kaibigan.
_____23. Sinabi mo sa inyong guro ang totoong pangyayari dahil nangako ka na hinding-hindi ka na
magsisinungaling.
_____24. Tinupad ni Jose ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang na maging isang doctor.
_____25. Himbing kang natulog sa araw ng Linggo kahit nangako ka na magsisimba kayo ng mga kaibigan
mo.
IV. Shadan ang LETRANG B ang bilang ng mga sitwasyong nagpapakita ng paggalang sa ideya ng
kapwa at LETRANG C kung hindi.
_____26. Iniwasan ni Loy ang mga kaibigang nagbigay ng puna sa kaniyang gawa.
_____27. Pinagtawanan si Danny ng mga kamag-aral niya nang magkamali siya sa pagsagot.
_____28. Nakangiting pinakikinggan ni Arlyn ang mga idea ng kaniyang kapangkat.
_____29. Hinihikayat ni Susan ang kaniyang mga miyembro na magbigay ng kanilang mga opinion.
_____30. Isinasaalang-alang nina Edgardo ang mga opinion ng nakatatanda at nakababata ukol sa pistang
magaganap sa kanilang lugar.
_____31. Lumapit sina Jessy sa kanilang dating guro upang humingi ng ideya ukol sa gagawin nilang
programa para sa kanilang punungguro.
_____32. Sumama ang loob ni Carlo nang hindi isinama ang kaniyang ideya sa pagbuo ng kanilang proyekto
sa Araling Panlipunan.
_____33. Binuo nina Jesiebelle ang kanilang tula tungkol sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng kanilang magagandang karanasan.
_____34. Tinanggap nang maluwag ni Lao una hindi maisasama ang kaniyang ideya sa plano ng kanilang
klase.
_____35. Nag-organisa ng palaro para sa mga kabataan ang pamunuan ng barangay sa kanilang lugar.

V. Basahin at unuwaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____ 36. Aling pangungusap ang sinasang-ayunan mo?


A. Dapat sundin ang batas kung gusto mo.
B. Dapat sundin palagi ng lahat ng tao ang batas.
C. Sundin ang batas kung ito ay makabubuti sa atin.
D. Sundin ang mga batas kung may pulis na nakatingin.
_____ 37. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa batas?
A. Tumawid kapag green light C. pagsunod sa mga babala
B. Magtapon ng basura kahit saan D. Sasakyang maiitm ang usok
_____ 38. Magaganda ang mga bulaklak sa paligid ng monument ni Rizal. Ibig mamitas ng iyong kaibigan.
Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaang ko siyang mamitas C. Pagsabihan ko siya na bawal mamitas
B. Sasamahan ko siyang mamitas D. Magkunwari na diko siya kasana
_____39. Ang pagtawid sa mga kalsada ginagamit ang underpass, overpass at guhit tawiran. Sino ang
pinangangalagaan ng mga ito?
A. Tao B. hayop C. sasakyan D. bagay
_____ 40. Ang mga lumalabag sa batas ay dapat parusahan.
A. Tama B. Mali C. Hindi D. minsan
_____ 41. Ang kaibigan mong si Sarah ay hindi pumasok sa paaralan. Nagtatrabaho na siya para sa kanyang
pamilya. Ano ang gagawin mo?
A. Sabihin sa bantay bata 163 C. Humanap ng tao na tutulong sa kanya
B. Isumbong siya sa mga pulis D. Humanap ng pamilya na maaaring pasukan niya
_____ 42. Ayaw ni Nina ang maabala. Nais niyang mapag-isa sa parke. Ano ang gagawin mo?
A. Tawagin ang mga kaibigan mo para kausapin siya.
B. Huwag siyang kausapin kahit kalian
C. Tawagin ang mga magulang niya
D. Iwanan siyang mag-isa.
_____ 43. Malimit na mababa ang nakukuhang marka ng kaklase mong si Tonton. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan siyang kopyahin ang iyong sagot.
B. Hayaan siyang makakuha ng mababang marka.
C. Sabihin ito sa mga kaibigan upang matulungan siya.
D. Turuan siya ng nalalaman mo bago magkaroon ng pagsusulit.
_____ 44. Mahirap ang itinakdang gawain ng guro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Mangopya ng gawain ng iba.
B. Humingi ng tulong sa kaklase.
C. Hayaan ang magulang na gumawa nito.
D. Gawin ang itinakdang gawain ayon sa makakaya.
_____ 45. Gumagawa ka ng takdang aralin. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro. Ano ang gagawin mo?
A. Makipaglaro sa kanya pagkatapos ay gawin ang takdang-aralin.
B. Magpatulong sa kanya sa paggawa ng takdang -aralin.
C. Tapusin ang takdang-aralin at saka makipaglaro.
D. Maglaro habang gumagawa ng takdang-aralin.
_____ 46. Nahulog sa hagdan ang iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Tulungan at dalhin sa klinika
B. Huwag pansinin at pabayaan na lamang.
C. Tumawag ng ibang bata para tulungan siya.
D. Pagtawanan siya sa kanyang pagkahulog.
_____ 47. Ano ang gagawin mo sa kampanya ng gobyerno laban sa polusyon?
A. Makinig sa nagsasalita.
B. Gawin ang nais na gawin.
C. Sumunod sa mga iminumungkahi.
D. Sabihin sa iba kung ano ang gagawin.
_____ 48. Bakit nagkakaroon ng kampanya ang gobyerno?
A. Upang humingi ng donasyon.
B. Upang lumaki ang perang ipon.
C. Upang mabago ang kalagayan ng mga tao.
D. Upang magkaroon ng programang ipatutupad.
_____ 49. Sino ang dapat makisali sa kampanya ng gobyerno?
A. Ang mga nagplano at nagpatupad nito.
B. Ang mataas na opisyal ng gobyerno.
C. Ang manggagawa sa pamahalaan.
D. Ang mamamayang Pilipino.
_____ 50. Paano ka makikisali sa kampanya ng pamahalaan?
A. Sumali sa rali.
B. Humingi ng tulong o donasyon.
C. Gawin ang nais ng kampanya.
D. Labanan ang kampanya.

You might also like