You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
MUNICIPALITY OF INDANG

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE V

Pangalan: _______________________________________________ Baitang: ____________________


Guro: ___________________________________________________ Iskor: ______________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot.

____ 1. Tuwing Sabado ay may mahalagang gawain si Ria sa bahay nila. Siya ang
tagapaglinis ng sala, habang nagpupunas siya ng mga alikabok sa ibabaw ng mga
kagamitan biglang dumating ang kanyang kaklase na si Renren at ibinalita na
pinapayagan na ang lahat ng tao na hindi na kailangan magsuot ng face mask. Ano ang
dapat gawin ni Ria upang mapatunayan na tama ang ibinalita ni Renren?

A. Tatanungin niya si Renren ng iba pang detalye.


B. Magbabasa ng impormasyon sa iba pang source.
C. Manonood/makikinig ng balita sa TV, dyaryo at radio.
D. Matutuwa at ibabalita kaagad sa magulang ang narinig.

____ 2. Ito ay ang paggamit ng isipan upang alamin ang katotohanan.


A. Pagsusuri
B. Pagtatanong
C. Paniniwala
D. Pagpanig

____3. Ang mga sumusunod ay nagpapakita nang pagpapahalaga sa katotohanan maliban


sa _____________.
A. Sinusuri ang nabasa sa internet/ dyaryo at narinig sa radio
B. Inaalam ang katotohanan tungkol sa balitang napakinggan
C. Pinupuna ang maling impormasyon tungkol sa patalastas na nabasa
D. Pinaniniwalaan ang sikat na artista sa isang programang pantelebisyon

____4. Alin sa mga sumusunod na kilos ang palatandaan ng isang taong mapanuri;
I. Nagtatanong sa nakatatandang kapatid
II. Mag-search magdamag sa internet tungkol sa aralin
III. Inuunawa ang mga nakalap na impormasyon
IV. Inaalam kung ang pinagmulan o source ay kapani-paniwala

A. I at II C. III at IV
B. II at III D. I at IV
____5. Isang araw habang nagpapahinga si Reneboy binuksan niya ang telebisyon upang
manood ng balita. Napanood niya na mawawalan ng tubig sa kanilang lugar. Ibinahagi
din ito ng kanyang kapitbahay sa kanya ngunit nagmamadaling umalis si Reneboy kaya
hindi niya ito inaksyunan. Ano ang hindi tama sa sitwasyong ito?
A. Binalewala ni Reneboy ang balitang napanood at narinig
B. Pinahalagahan ni Reneboy ang narinig at napanood na balita
C. Iniwan ni Reneboy ang kausap pagkatapos marinig ang balita
D. Nagmamadaling umalis si Reneboy pagkatapos napanood/narinig ang balita

____6. Alin sa mga sumusunod na gawi ang may mabuting maidudulot ng media sa sarili
at miyembro ng pamilya?
A. Nagagamit sa paglalaro ang kompyuter ng mga mag-aaral
B. Nanonood ng pelikula ang buong mag-anak kapag Sabado o Linggo
C. Ginagaya ni Mark ang mga napapanood sa internet kahit ito ay mapanganib
D. Nalilibang ang mag-anak sa panonood ng telebisyon kahit oras ng trabaho

____7. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng hindi magandang epekto ng
pagkalat ng maling impormasyon?
A. Nagkaroon ng hidwaan ang mga magkakaibigan
B. Nasagot ni Kaira ang mga tanong dahil updated siya
C. Natuklasan ni Maeden ang katotohanan dahil nagsiyasat siya
D. Mas dumami ang kaalaman ni Jen dahil sa mga nabasa at narinig

____8. Pagkatapos ng klase umuwi na kaagad si Joshua sa kanilang bahay. Pagkatapos


na magkapaghinga, sinimulan na niyang gawin ang mga takdang- aralin. May nabasa siya
na bagong salita na hindi niya naintindihan kaya siya ay nagsaliksik sa internet. Dahil
dito, si Joshua ay ___________.
A. nakatanggap ng mataas na marka
B. laging kinokopyabhan ng mga kaklase.
C. naging mayabang dahil maraming alam
D. pinalabas at pinatayo sa labas ng silid-aralan

____9.

Suriing mabuti ang larawan. Paano naipakita ang pagkakaisa ng magkakaklase sa


pangkatang gawain?
A. Masusing nag-uusap.
B. Naghahanap ng larawan.
C. Pinag-uusapan ang ibang kaklase
D. Nagtutulungan sa pangkatang gawain
____ 10. Bagong lipat ka lang sa Katabas Elementary School at nagkataong may
magaganap na patimpalak sa Taekwando. Naghahanap ang iyong guro ng isang mag-aaral
na lalahok sa patimpalak ngunit wala silang makuhang estudyante na marunong sa isport
na ito. Dahil sa bagong lipat ka palang hindi nila alam na ito ang uri ng isports na iyong
nilalaro. Ano ang iyong gagawin?
A. Mananahimik ka na lang at hihintayin na mapansin ka.
B. Makikipagkaratehan ka upang mapansin ka ng iyong guro
C. Kakausapin mo ang mga kaklase mo at sasabihin na nag-aaral ka ng Taekwando.
D. Lalapitan mo ang iyong guro at sasabihin mo na interesado ka sa magaganap na
patimpalak.

____11. Ikaw ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral kapag ikaw ay


A. Lumiliban kung umuulan.
B. Pumapasok sa paaralan ngunit ikaw ay laging late.
C. Nagsusumikap na makatapos sa gawain at asignatura.
D. Nag-aaral kung may malaking baon na ibibigay si Nanay.

____12. Nagbigay ng Performance task si Teacher Ann sa subject na EPP. Hindi mo


naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro, ano kaya ang gagawain mo?
A. Hayaan na lamang sapagkat nakakahiya.
B. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.
C. Hindi na lamang iintindihin ang sinasabi ng guro.
D. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.

____13. Mayroon kayong nakatakdang pagsusulit sa Araling Panlipunan sa Biyernes,


ano ang iyong gagawin?
A. Matulog ng maaga upang makapasok ng maaga sa paaralan.
B. Magbigay ng oras at araling mabuti ang mga araling napag-aralan na.
C. Magbasa lamang nang mga gusto mong paksa na napag-aralan ninyo.
D. Maggawa ng reviewer at itabi ito sa iyong upuan upang madaling masilip ang mga
sagot sa tanong.

____14. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin kung may pangkatang gawain?
A. Gumawa ng gawaing mag-isa .
B. Magkanya-kanya sa paggawa.
C. Makinig sa mungkahi ng bawat isa
D. Sumama sa grupo kahit wala kang ginagawa

____15. Nais mong ikaw ang manguna sa klase ninyo ngayong unang markahan. Alin sa
mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Magbasa tuwing malapit na ang pagsusulit
B. Makiisa sa pangkatang gawain sa inyong klase.
C. Makinig at mag-aral mabuti sa guro tuwing may klase
D. Gumawa ng reviewer at ilagay sa ilalim ng sagutang papel upang mahanap ang
sagot sa mga tanong na di mo alam.
____16. Ang pagiging miyembro ng isang pangkat ay bahagi ng buhay ng mga mag-aaral.
Dito nila nalilinang ang kanilang pakikipagkapwa tao, pakikisalamuha,
pakikipagtulungan at pagbabahagi ng kaalaman. Dahil dito, marapat lamang na
pahalagahan ang mga kasama sa pangkat. Anong pagpapahalaga ang maaari nating
maibahagi sa ating ka miyembro upang magtagumpay sa isang proyekto.
A. Pagiging malikhain at matapat
B. Pagiging mapanuri at mahinahon
C. Pakikilahok, pagkakaisa at pagtutulungan,
D. Pagiging mabait, magalang at pagiging masayahin

____17. Anong ugali ang ipinakita ni Wendy kung tumutulong siya sa kagrupo sa
paggawa ng proyekto?
A. Pagiging masipag C. Pakikilahok sa pangkatang gawain
B. Pagiging matiyaga D. Pagmamagaling

____18. May proyektong ibinigay sa inyo ang inyong guro sa oras ng klase sa ESP at ikaw
ang naatasang maging lider nito. Ngunit may urgent na report ang inyong guro na
kailangan nyang ipasa sa opisina ng principal kung kaya’t di kayo mababantayan. Ano
ang dapat mong gawin habang wala ang inyong guro?
A. Ipasa sa mga kagrupo ang mga responsibilidad.
B. Magtanong sa mga kaklase kung paano gagawain ang proyekto.
C. Gawin muna ang ibang proyekto bago isipin ang proyekto sa ESP.
D. Magpupulong at kakausapin ang iyong kagrupo upang iaayos ang hakbang sa
paggawa ng proyekto.
____19. Ang dapat mong gawin sa prinsipyo o kasabihang “Honesty is the Best Policy” ay
A. kabisaduhin C. isapuso at isakilos
B. saulohin D. tingnan at basahin

____20. Ang Grade V – MakaDiyos ay may proyekto sa subject na Science. Sila ay nahati
sa 3 grupo at naatasang pumili at gumawa ng isang kapaki-pakinabang na bagay gamit
ang mga basura o recyclable materials. Ano kaya ang maaari nilang gawain upang
makagawa ng magandang proyekto at matapos ito ng mabilis?
A. Iayos at pagsama samahin ang mga kagrupo.
B. Magsama-sama sa isang lugar upang mag-usap.
C. Kausapin ang ibang grupo upang makakuha ng ideya sa gagawaing proyekto.
D. Magtipon upang planuhin at hatiin nang maayos ang mga gawain sa nasabing
proyekto.
____21. Bakit kailangang makilahok at makiisa sa pangkatang gawain ang bawat kasaping
mag-aaral?
A. Upang makasama ang mga kagrupo.
B. Para hindi mapagalitan ng kanilang guro.
C. Para matapos ang gawain nang maaga at maayos.
D. Upang hindi magalit ang mga kasaping kamag-aral.
____22. Pagpunta mo ng palikuran nakita mo ang iyong mga babaeng kamag-aral na
nagsusulat sa pader. Nagmamadali silang umalis habang sila ay nagtatawanan.
Kinabukasan ay inanunsyo ng punong guro ng paaralan na mayroong nagsulat sa
dingding sa loob ng palikuran. Bilang isang matapat na mag-aaral, ano ang gagawin mo?
A. Tumahimik lang at huwag sabihin ang nakita.
B. Kausapin ang mga kaklase at sabihin masama ang ginawa nila.
C. Pumunta sa punong guro at makipag-usap nang masinsinan tungkol sa ginawa
ng iyong kaklase.
D. Pumunta sa iyong kaibigan at sabihin na siya ang magkuwento ng nakita mo.

____23. Isang opisyal ng barangay si Tatay Tinong. Ginagampanan niya nang maayos at
matapat ang kaniyang mga tungkulin sa kanilang barangay.
Ano ang ipinakikita ni Mang Mario?
A. Katapatan sa guro
B. Katapatan sa pamilya
C. Katapatan sa paaralan
D. Katapatan sa pamayanan

____24. Nakita mo ang iyong kaibigan na kinuha ang bolpen ng iyong kaklase sa kanyang
pencil case. Ano ang gagawin mo?
A. Pauwiin ang kaibigan
B. Sasabihin sa kaibigan na ibalik ang bolpen
C. Hindi kikibo at babalewalain ang mga nangyari
D. Palitan ang bolpen na kinuha ng kaibigan kahit hindi ikaw ang kumuha.

____25. Napansin mong walang imik ang iyong pinsan. Nang tanungin mo, sinabi niya sa
iyo ang problema niya. Ano ang gagawin mo?
A. Isumbong kaagad sa nanay nya.
B. Payuhan ang pinsan sa harap ng mga kaibigan.
C. Huwag na munang kausapin, pabayaang magisip ng sariling lunas.
D. Pakinggan at unawain ang mga sasabihin, maaring magbigay ng positibo at tapat
na payo.

____26. Mahilig kang magbasa ng dyaryo at gusto mong makabasa ng mga pangyayari sa
ating bansa. Hindi naman bumibili ng dyaryo ang nanay mo dahil alam nilang dagdag
lang yan sa gastusin ninyo, pero alam mo may dyaryo araw-araw sa silid aklatan ninyo.
Ano ang gagawin mo upang makasagap ka ng impormasyon?
A. Pipilitin mo ang iyong ina na bumili ng dyaryo.
B. Yayakagin ang kaklase upang siya ang manghiram ng dyaryo.
C. Magsasabi sa tagapamahala ng silid-aklatan na gusto mong pumunta sa silid-
aklatan
D. Pupunta sa silid-aklatan, kakausapin ng may pagpapakumbaba ang
tagapamahala nito upang makapagbasa ka ng dyaryo araw-araw.

____27. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa?


A. Naghahanap ng larawan.
B. Binabasa at iniintindi ang laman
C. Binubuklat ang bawat pahina ng aklat..
D. Pinagtatawanan ang mga larawan na nakita sa aklat.
____28. Si Mickey ay palaging nagbabasa ng aklat. Ano ang kaibahan niya sa mga batang
hindi nagbabasa ng aklat.
A. Mas sikat siya.
B. Mas antukin siya
C. Mas magiging madaldal siya
D. Mas malawak ang kanyang kaalaman.

____29. Bakit kailangang mag-aral nang mabuti?


A. Upang maipagmalaki ang sarili.
B. Upang matalbugan mo ang iyong mga kapatid.
C. Upang mapatunayan sa lahat na magaling ka.
D. Upang makapagtapos at makakuha ng magandang trabaho sa hinaharap.

____30. Nagsasaliksik sa internet ng kanyang takdang aralin si Louie. Dahil dito siya ay
__________.
A. nanguna sa klase.
B. nakatanggap ng mataas na marka.
C. hindi nakatapos ng kanyang takdang-aralin.
D. nangopya ang mga kaklase sa kanyang takdang aralin.

____31. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng DI pagkawili sa pagbabasa.


A. Sinusunog ang mga aklat.
B. Nagsasagot ng puzzle sa dyaryo.
C. Nagbabasa ng dyaryo buong araw
D. Nagkakaroon ng dagdag kaalaman sa pagbasa ng dyaryo sa isang araw.

____32. Nahilig ang anak ni Maria sa pagbabasa sa kanyang cellphone. Lagi siyang
naghahanap ng mga artikulo tungkol sa science. Nanunuod din sya nga mga videos ng
paggawa ng robotics. Ano ang mabuting makukuha niya sa pagkahilig sa cellphone?
A. Mapupuri siya ng kanyang guro.
B. Makakakita siya ng maraming fake news.
C. Mapapalawak niya ang kanyang kaalaman sa larangan ng siyensya.
D. Mapapalawak niya ang kaalaman sa paghahanap ng iba’t ibang apps sa cellphone
niya.

___33. Sino sa kanila ang nagpapakita ng pagkawili at mapanuri sa pagbabasa ng mga


aklat at magasin?
A. May collection si Ria ng Times Magasin.
B. Mahilig si Nilda na bumili ng libro at magasin sa booksale.
C. Tuwing dumarating ang nanay ni Jheeno sa trabaho lagi niyang nadadatnan na
katabi nito ang kanyang mga libro.
D. Si Joana ay laging pumupunta sa silid-aklatan, nagbabasa at nagtatala siya ng
bagong kaalaman mula sa kanyang binasa.

___34. Paano masasabing makabuluhan at kawiwilihang basahin ang isang aklat.


A. Ito ay makapal.
B. Maganda ang uri ng papel.
C. Wasto at may kumpletong impormasyon ang nilalaman nito.
D. Ito ay nagtataglay ng maraming makukulay at magagandang larawan .

You might also like