You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Carcar City


DIAGNOSTIC TEST IN ESP 6
S.Y. 2022-2023

Pangalan:__________________________ Baitang at Seksiyon:_____________


Petsa:_________________ Score : ____________

A. Basahing mabuti ang mga sitwasyon.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nagkaroon ng pangkatang Gawain ang inyong section sa inyong baitang. Nanghingi ng


opinion ang inyong lider kung ano ang magandang proyekto ang inyong gagawin. May naisip
kang proyekto na iyong inihain sa pulong ngunit may naisip ding proyekto ang isa sa iyong
kamag-aral. Dahil dito nagkaroon ng botohan kung anong proyekto ang inyong gagawin.
Napili ng nakakarami ang proyekto ng iyong kamag-aral. Ano ang gagawin mo?
A. Ipipilit mo ang iyong proyekto dahil sa iyong palagay higit itong maganda ang mas
mabibigyan ng mas mataas na marka ng inyong guro.
B. Sasabihin mong mag-isip pa ng ibang proyekto at nalang gamitin ang dalawang naunang
proyekto.
C. Hahayaan mo nalang na gawin ng grupo ang proyektong naisip ng iyong kamag-aral
dahil ito ang napagpasyahan ng nakakarami.
D. Aalis ka sa pagpupulong dahil hindi napili ang iyong naisip na proyekto.

2. Tumakbo ka sa halalan sa pagkapangulo ng Supreme Pupil Government sa inyong paaralan.


Nang matapos ang halalan, nanalo ang iyong kalaban. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatangapin ang iyong pagkatalo dahil iyon ang boto ng mas nakakaraming mag-aaral.
B. Hindi ka papasok ng isang lingo dahil nahihiya kang lokohin sa paaralan dahil sa iyong
pagkatalo.
C. Lalapit ka sa iyong guro upang muling magkaroon ng eleksyon.
D. Ipapabilang mong muli ang mga balota at magbabakasakaling manalo ka ikalawang
pagbibilang.

3. Napili ka ng iyong kamag-aral pamunuan ang isang espesyal na proyekto ng inyo section
upang ipresenta sa inyong paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Tatanggihan mo ito dahil makakadagdag pa ito sa iyong mga Gawain.
B. Tatanggapin mo ito ngunit hindi ka kikilos dahil hindi mo naman ito kagustuhan.
C. Tatanggapin mo ito dahil malaki ang tiwala ng iyong kamag-aral sa iyo.
D. Ipapasa mo nalang sa iba ang tungkuling ipinagkatiwala sa iyo ng grupo.

4. Nagwalk-out ang iyong kamag-aral dahil hindi sinang-ayunan ng inyong grupo ang nais
niyang proyekto para sa inyong pangkat. Ano ang gagawin mo?
A. Susundan mo sya at dadamayan siya sa kanyang ginawa dahil nauunawaan mo ang
sama ng loob na kanyang nararamdaman.
B. Susundan mo sya upang ipaliwanag sa kanya na dapat sundin ang pasya ng mas
nakakarami.
C. Kakausapin mo sya na gumawa nalang ng ibang grupo para masunod ang proyektong
naisip nya.
D. Hahayaan mo nalang syang magwalk-out total sya naman ang mawawalang ng marka
sa ginawa nya.

5. Hindi tinanggap ng inyong pangkat ang ideyang naisip mo nung huli kayong nagpulong para
sa pangkatang report na gagawin ninyo sa inyong asignatura. Magkakaroon muli ng isa pang
pagpupulong para isapinal ang inyong gagawin. Ano ang iyong gagawin? A. Dadalo ka at
ipagpipilitan ang ideya na naisip mo.
B. Hindi ka na lang dadalo dahil hindi napili ang ideya mo.
C. Dadalo ka parin dahil iyon naaman ang napagsunduan ng mas marami sa grupo.
D. Hindi ka nalang makikiisa sa grupo at magrereport ka nalang ng solo mo.

6. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng cultural show sa plasa. Nakatakda


kayong magkita-kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon.
Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mong nauna na sila sa plasa. ANo ang
magiging reaksiyon mo?
A. IIyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa sususnod na Makita sila.
B. Magpasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong
pagkatao.
C. Kakausapin sila tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang naramdaman tungkol
doon.

7. Hiniram ng kaibigan mo ang aklat mo sa Matematika. Ipinangako niyang isasauli iyon


pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo.
Ano ang magiging reaksiron mo?
A. magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi mo lang siya gagamit.
B. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga
gamit.
C. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsusuli ng hiniram sa takdang oras na
pinag-usapan.

8. Ipinangako ng tatay mo na bibilhan ka ng bagong pares ng rubber shoes. Nang dumating


siya, hindi mo nagustuhan ang tatak na binili niya para sa iyo. Sabi niya sa iyo, “ANak, ito
lang ang tatak ng sapatos na kaya kong bilhin”. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. maaawa sa iyong tatay
B. tatanggapin nang buong-puso ang sapatos
C. ipapangako sa sarilil na hindi na masyadong aasa mula ngayon.

9. Mayroon kang tinatapos na takdang-aralin hanggang hatinggabi. Upang hindi ka antukin,


nilakasan mo ang radio. Lumabas sa kuwarto ninyo ang bunso mong kapatid at sinabihan ka
na hindi siya makatulog sa lakas ng radio mo. Sinabi niya na hinaan mo ito ngunit inaantok
ka na. Ang malakas na tunog lang ang nag-aalis ng antok mo. Ano ang gagawin mo?
A. Pagaglitan ang kapatid dahil nakikialam siya.
B. Papatayin ang radio, hindi tatapusin ang takdang-aralin at magsusumbong sa nanay na
inistorbo ka kaya wala kang maibibigay na takdang-aralin sa guro.
C. Papatayin ang radio. Maghahanap na lang ng ibang paraan para hindi antukin.

10. Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinakalat na tsismis tungkol sa iyo ang iyong
matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall. Ano ang gagawin mo? A. Hindi
papansinin ang sinabi ng kamag-anak.
B. Iimbitahin ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang mahinahon kung totoo
ang isinumbong tungkol sa kaniya ng kamag-anak.
C. Magagalit sa matalik na kaibigan at hindi na papansinin kailnman.

11. Pinagalitan ka ng iyong guro dahil sa isang pagkakamali na hindi naman ikaw ang gumawa.
Napahiya ka sa buong klase. Napag-alaman mo na isa pala sa kamag-aral mo ang
nakagawa ng mali at ikaw ang kaniyang naituro nang tanungin siya ng inyong guro. Humingi
siya ng tawad sa iyo at nangakong sasabihin sa guro ang totoo. Ano ang gagawin mo? A.
Sasabihin sa kaniya na huwag nang mag-abala dahil nasira ka na sa inyong guro.
B. Aawayin siya nang husto dahil sa iyong pagkapahiya sa klase
C. Pakikinggan ang paliwanag ng kamag-aral at tatanggapin ang kanyang suhestiyon.

12. May darating na balikbayan sa inyong bahay. Wala ang inyong mga magulang. Iminungkahi
ng inyong panganay na kapatid na maglinis nang husto sa bahay. Alam mo na wala kang
panahon para ditto dahil may tinatapos kang proyekto na ibibigay mo sa iyong guro
kinabukasan. Ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin ang kapatid na nagbigay ng suhestiyon na maglilinis kayo pagkatapos na
lang ng proyekto mo.
B. Maiinis sa kapatid dahil naiistorbo ka at nawal sa isip mo ang iba mong balak gawin.
C. Iiwan ang kapatid at lilipat sa ibang bahagi ng bahay upang matapos mo ang iyong
proyekto.

13. Sa mga bundok, dapat tayong _____________.


A. Magtanim ng mga puno
B. Magkaingin, magtagpas, at magsunog
C. Manghuli ng mga nanganganib na hayop
D. Magtatag ng maliit na kompanya ng logging

14. Upang maiwasan ang red tide, dapat __________________.


A. linisin ang mga barko
B. linising mabuti ang isda bago iluto
C. panatilihin ang kalinisan ng kautibigan
D. isulong ang pagtatayo ng mga beach resort

15. Maraming kompanya ng kontruksiyon ang kumukuha ng maraming bato at buhangin mula sa
mga bundok. Ang masamang epekto nito ay_________.
A. Pagguho ng lupa
B. pagyaman ng bansa
C. pagbaha at lindol
D. pagkatuyo ng mga bukal

16. Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga mangingisda, dapat nating pagsikapang
mabuti na _______.
A. Bigyan sila ng ibang trabaho
B. Tulungan silang mangisda buong araw
C. Sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
D. Tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang dumami ang mga isda

17. Iminungkahi ng nanay mo na bumili ka ng corals para sa inyong aquarium. Narinig niya na
mayroong tindahan sa palengke na nag bebenta ng corals sa mababang halaga. Ngunit
nalaman mo sa klase na hindi dapat kinukuha sa dagat ang corals dahil ditto tumitira and
kawan ng mga isda. Dapat sabihin mo sa nanay mo na ________.
A. Siya nalang ang bumili
B. Hindi dapat kunin sa dagat ang corals
C. Binalaan ka ng iyong guro tungkol sa maling gamit ng corals
D. Dapat siyang bumili nang marami upang ibenta sa iba sa mas mataas na halaga

18. . Kung marumi ang ilog sa inyong pamayanan, ano ang gagawin ng mga kabataang katulad
ninyo?
A. maglagay ng mga isda sa ilog
B. magpaskil ng mga karatulang nagbabawal magtapon ng basura sa ilog C. magkaroon ng
parada ng mga bangka sa ilog

19. . Sa inyong baranggay, ginagamit ang kalsada bilang basketball court. Ano ang masasabi
mo?
A. dapat lamang na nasa daan ang mga kabataan
B. hindi palaruan ang kalsada
C. maaaring gamiting palaruan ang kalsada kung gabi

20. . Madalas manakaw ang streetlight o ilawan sa inyong kalsada. Ano ang maaari mong
gawin?
A. magsumbong sa baranggay captain o tanod
B. huwag magbayad ng buwis o tulong
C. magnakaw ng streetlights

21. . Ang pagtatapon ng basura o kalat sa kanal ay ____________.


A. ginagawa lamang kung panahon ng tag-ulan
B. gawaing bawal
C. nararapat lamang magtapon sa kanal

22. Maraming kabataan ang nag-iistambay sa mga tindahan kung gabi at namamansin ng mga
taong nagdaraan. Ano ang masasabi mo rito?
A. Okey ang ganitong gawain kung naglilibang lamang sila.
B. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na tularan ang ganitong gawain.
C. Hindi tama ang kanilang ginagawa at nararapat na bigyan sila ng nararapat na aksiyon.

23. Ano ang masasabimo sa grupong El Gamma Penubra?


A. Sila ay magaling umawit
B. Sila ay mahuhusay na mananayaw
C. Sila ay magaling na msuikero D. sila ay matatagumpay na artista.

24. Bakit itinuturing na natatanging Pilipino si Leah Salonga?


A. Dahil maganda siya
B. Dahil sa angking talino niya
C. Dahil sa mahusay siyang mang-aawit sa loob at labas ng bansa
D. dahil magaling siyang umarte at sumayaw.

25. Batas Pambansa 7638 at ang Pagtatag ng Department of Enenrgy (DOE) ay naglalayong___
A. Mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
B. Pagpapanatili sa natural at biligcal physical diversities
C. Ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin
D. Isaaayos , subaybayan at isakatuparan ang mga plano at program ng pamahalaan sa
eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya

26. Sa oras ng mga pagsubok sa buhay, ang tao ay hindi dapat mawalan ng ____.
A. pagmamahal
B. pag-asa
C. kapayapaan
D. pamilya

27. Ang bawat isa ay may kakayahang maghatid ng pag-asa dahil ang tao ay likas na_____.
A. mabuti
B. masayahin
C. matalino
D. maganda

28.. Sa mga panahong ang pakiramdam natin ay iniwanan na tayo ng lahat, lagi nating tandaan
na hindi tayo kailanman pababayaan ng _______________.
A. Maykapal
B. kamag-aral
C.kaibigan
D. minamahal

29 Dapat nating tandaan na anumang ginawa natin sa ating _________ ay parang ginawa na rin
natin sa Diyos.
A. Sarili
B. kapaligiran
C. kapwa
D. kaklase
30. Ang pagpapakita ng kabutihang-loob sa kapwa ay nakapagpapaunlad din sa _______ ng tao.
A. Kasikatan
B. ispiritwalidad
C. kagalingan
D. edukalidad

31. Kailangan ng magdarasal sa inyong pagpupulong


A. Nagbulontaryo si Charice na magdasal
B.pinagsawalang bahalan ni Eden ang narinig
C. Itinuro ni Amboy si Ben na magdasal
D. Kunwari ikaw ay natutulog
32. May pagdiriwang ang inyong relihiyon para pagpapaunald ng kaalaman sa pagbabasa ng
Banal na Kasulatan
A. Masayang makikilahok subalit hindi isasapuso
B. Makikiisa sa pagdiriwang at magyaya ng ilang kasama na dumalo
C. Makikiisa sa pagdiriwang at magpapaganda habang nagaaral ng kasalutan D.
Masayang makikiisa dahil kasama mo ang iyong crush

33.. May usapin hinggil sa tamang suot sa loob ng simbahan


A. isusuot pa rin ang gustong isuot.
B. ibabahagi ang saloobin at opinyon sa tamang suot
C. sasabihan ang kaibigan na hindi maganda ang suot niya
D. ibibigay ang opinion ngunit magagalit sa mga ngpatupad ng suot.

34. Nagtatakda ng oras ng pagdarasal ang inyong pamilya tuwing ika-anim ng gabi.
A. magkukunwaring masama ang pakiramdam
B. pipikit para di mapansin na naatasan kang manguna sa pagdarasal
C. magdarasal ka ng taimtim sa kalooban nang mag-isa
D. makikibahagi sa pamilya sa sama samang pagdarasal

35. Nais ni Gina na matamo ang tagumpay sa buhay .


A. magsisikap subalit hindi na magdarasal
B. magsikap at sabayan ng pagdarasal
C. magdasal at magdasal na lang maghapon
D. magsikap lamang kung nakikita ng iba.

36. Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?
A. tumulong upang solusyonan ang problema
B. ipagwalang-bahala ang problema
C. tawanan ang prtoblema
D. gawin nang wasto at angkop na solusyon sa problema

37. Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan.


Paano mo igagalang ang karapatang ito?
A. kumain ng junk foods araw-araw B. uminom ng softdrinks araw-araw
C. uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw D.
iwasan ang pagkain ng gulay at prutas

38. Nakita mong gumagamit ng bawal na gamut ang anak na iyong kapitbahay. Ano kaya ang
magagawa mo para matulungan siya?
A. Isusumbong sa guro
B. pagalitan siya
C. Sasabihin ang nakita sa kanyang magulang
D. isumbaong sa pulis

39. Gusto mong manood ng telebisyon ngunit tanghali na at hindi pa dumating ang nanay na
pumunta sa palengke. Alin dito ang iyong gagawin.
A. manood muna ng telebisyon
B. magluluto muna bago manood
C.gagawa ng takdang- aralin
D. matutulog muna bago magluto

40. Tanghali na at hindi pa dumating si nanay buhat sa palengke. Wala pang sinaing at nais mong
makatulong. Alin sa mga ito ang dapat mong gawin?
A. magpaturo kung paano magsaing sa kapitbahay
B. utusan ang kapatid na siyang gumawa
C. hihintayin si nanay baka magkamali
D. walang gagawin

41. Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?


A. magbigay agad ng pasya
B. iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya
C. magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
D. pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya

42. Dalawa sa kaklase mo ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit si
Kris ay mahirap lamang. Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?
A. Si Kris dahil siya ay may higit na pangangailangan
B. Si Rose dahil gusting-gusto niya ang regalo
C. Si Rose dahil mayaman
D. magbunutan sila kung sino ang bibigyan

43. Kung ikaw ang napili bilang lider ng isang pangkat. Paano mo maipapakita ang paggalang sa
opinion ng iyong miyembro?
A. Bilang lider ng pangkat ay hihikayatin ang lahat na magbigay ng suhestiyon para sa proyekto.
B. Hindi ko hihingin ang opinion ng aking miyembro.
C. Gagawin ko kung ano ang gusto ko
D. Ako ang lider, dapat ako angn masusunod

44. Pinagtawanan ng iyong kaklase ang suhestiyon ni Albert na naging dahilan ng pag-iyak nito.
Ano ang gagawin mo?
A. Pagtawanan din siya
B. Pagsasabihan ko ang mga kaklase ko na hindi dapat pagtawanan ang suhestiyon ng iba. C.
Sasabihan si Albert na hidi tama ang kanyang suhestiyon
D. Hindi bibigyan ng suhestion si Albert.

45. Hindi tinanggap ang suhestyon mo sa inyong pangkat, ano ang gagawin mo? A. Magagalit
ka sa iyong pangkat.
B. Aalis ka sa inyong pangkat
C. Iiyak ka
D. Tatanggapin nang maluwag sa dibdib ang kailang desisyon

46. Pangulo si Rhea sa SPG, ano ang gagawin niya habang nagbibigay ng suhestiyon ang kanyang
mga miyembro?
A. Nakangiting pinapakinggan ni Rhea ang mga suhestiyon ng kaniyang miyembro.
B. Hindi makikinig sa mga sustiyon ng mga miyembro.
C. Maiinis sa mga miyembro
D. Pagagalitan ang mga miyembrong nagbibigay ng suhestiyon.

47. Hindi mo gusto ang suhestiyon ng is among kaklase, paano mo ito sasabihin sa kaniya nang
hindi siya masasaktan?
A. Kausapin siya nang maayos at ipaliwanag na may ibang mas maganda ang suhestiyon sa
kaniya.
B. Kakausapin siya at sabihin na hindi maganda ang suhestiyon niya.
C. Hindi siya pagsasalitain.
D. Pagagalitan siya dahil hindi maganda ang suhestiyon niya.

48. Ang inyong baranggay ay nagsasagawa ng proyekto ukol sa paghihiwalay ng mga nububulok
at di-nabubulokna basura. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako sasali
B. Aalis ako ng bahay upang hindi ako makatulong sa proyekto.
C. Tutulong ako ng hindi labag s aking puso dahil ito ay para din sa aming lahat.
D. Wala akong gagawin.

49. Si Mang Jose ang gumagamit ng mga patabang hindi organiko sa kanyang mga pananim na
mga gulay. Bilang isang mag-aaral, ano ang sasabihin mo kay Mang Jose? A. Pababayaan
si Mang Jose sa kanyang ginagawa.
B. Sisirain ang kanyang mga pananim.
C. Magsiwalang bahala sa mga ginawa ni Mang Jose.
D. Sasabihin kay Mang Jose na sana mga patabang organiko na lamang ang kanyang gagamitin
sa kanyang mga pananim kasi ito ay hindi masama sa katawan.

50. Maraming mga plastic bottles ang makikita sa labas ng inyong paaralan. Bilang isang mag-
aaral, ano ang gagawin mo?
A. Humingi ako ng tulong sa ibang mag-aaral upang ang mga plastic bottles ay iipunin at ibigay sa
barangay upang gawing upuan.
B. Itatapon ko din ang aking plastic bottles sa daan.
C. Hindi ko ito lilinisin.
D. Bahala na ang mga taong nakakakita nito.

You might also like