You are on page 1of 3

ESPERANZA NATIONAL HIGH SCHOOL

Poblacion, Esperanza, Agusan del Sur


UNANG MARKAHANG PASULIT
ARALING PANLIPUNAN 8
KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Pangalan: Taon/Seksyon:

I- PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at intindihin ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag/tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1) Ito ang pag-aaral tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig.
A) Sosyolohiya B) Pilosopiya C) Heograpiya D) Biyolohiya
2) Ito ang matigas at mabatong bahagi ng daigdig.
A) Crust B) Mantle C) Inner core D) Outer core
3) Sa katagang “heograpiya”, ang geo ay nangangahulugang “lupa” samantalang ang graphein ay
A) gumuhit B) larawan C) sumulat D) pagpinta
4) Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.
A) Lokasyon B) Lugar C) Interaksyon ng Tao at Kapaligiran D) Rehiyon
5) Ito ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan.
A) Lokasyon B) Lugar C) Interaksyon ng Tao at Kapaligiran D) Rehiyon
6) Ito ang sinasabing pinagmulan ng tao ayon sa mga siyentista
A) Chimpanzee B) Ape C) Unggoy D) Australopithecine
7) Pinapalagay na ito ang pinakamalapit na kaanak ng tao, ayon sa mga siyentista.
A) Chimpanzee B) Ape C) Unggoy D) Australopithecine
8) Ito ay Ape na may kakayahang tumayo nang tuwid.
A) Chimpanzee B) Ape C) Unggoy D) Australopithecine
9) Ano ang kahulugan ng salitang paleos?
A) bato B) bago C) luma D) moderno
10) Ano ang kahulugan ng salitang lithos?
A) bato B) bago C) luma D) moderno
11) Anong panahon ang pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.
A) Panahon ng Neolitiko B) Panahon ng Metal
C) Panahon ng Paleolitiko D) Panahon ng Ginto
12) Ito ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato.
A) Homo sapiens B) Homo habilis C) Homo erectus D) Robustus
13) Anong panahon ng lumang bato kung saan umusbong ang pagiging artistiko ng mga sinaunang tao?
A) Old stone age B) Lower Paleolithic period
C) Upper Paleolithic period D) Middle Paleolithic period
14) Anong panahon ng lumang bato kung saan nagkaroon ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite
na kadalasang matatagpuan sa mga lambak?
A) Old stone age B) Lower Paleolithic period
C) Upper Paleolithic period D) Middle Paleolithic period
15) Ito ang pinakahuling species sa ebolusyon ng tao.
A) Homo sapiens B) Homo habilis C) Homo erectus D) Robustus
16) Alin sa sumusunod ang huling bahagi ng panahong bato kung saan natutong gumamit ng makikinis na
kasangkapang bato ang mga sinaunang tao?
A) Panahon ng Neolitiko B) Panahon ng Metal
C) Panahon ng Paleolitiko D) Panahon ng Ginto
17) Ano ang kahulugan ng salitang neos?
A) bato B) bago C) luma D) moderno
18) Saan nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
A) Kapatagan B) Kabundukan C) Ilog-lambak D) Dalampasigan
19) Ano ang tawag sa isang arko ng matabang lupa na naging tagpuan ng iba’t ibang grupo ng tao mula sa
Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea?
A) Indus Valley B) Mesopotamia C) Mhergah D) Fertile Cresent
20) Pinagpalagay na sila ang bumuo ng kabihasnang Indus.
A) Sumerian B) Dravidian C) Hittite D) Assyrian

II-PAGTUTUGMA
Panuto: Basahin at unawainng mabuti ang mga sumusunod na mga pahayag sa hanay A. Hanapin sa hanay
B ang hinihingi ng hanay A. Isulat ang sagot sa bakanteng ispasyo bago ang numero.

Kolumn A Kolumn B
_______21) Likhang isip na linyang pahalang sa gitna nang
globo na may sukat na 0o. Hinahati nito ang A.) Punong Meridyano
globo sa dalawang bahagi; Hilagang Hemispiro
at Timog Hemispiro. B) Latitude
_______22) Mga linyang tumatakbo pasilangan-kanlurang
direksyon paikot sa mundo. C) Longhitude
_______23) Guhit longhitud na may sukat na 0o na makikita
sa Greenwich. D) Tropiko ng Kanser
_______24) Linyang tumatakbo mula sa isang polo patungo
sa isang polo. E) International Date Line
_______25) 180o mula sa punong Meridyano at ginagamit na
batayan sa pagpapalit ng araw/petsa. F) Ekwador

III-PAGKAKAKILANLAN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ang bawat
sitwasyon sa ibaba ay patungkol sa LOKASYON, LUGAR, REHIYON, INTERAKSYON NG TAO AT
KAPALIGIRAN, AT PAGGALAW. Isulat ang sagot sa inilaang patlang.

26) May tropikal na klima ang Pilipinas. _____________________________


27) Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan
ng West Philipppine Sea. ___________________________
28) Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napapalibutan ang bansa ng
dagat. _________________________________
29) Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang
magtrabaho._______________________________
30) Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.________________________
31) Ang napakaraming tao sa Tokyo, Japan ang nagbigay-daan upang higit na paunlarin ang
kanilang sistema ng transportasyon, maging ng pabahay sa kalungsuran._________________
32) Ang mataas na antas ng teknolohiya ang nagpabilis sa mga tao na magtungo sa mga bansang
may magagandang pasyalan.________________________
33) Ang Singapore ay nasa 1º 20’ hilagang latitude at 103º 50’ silangang
longhitude.________________
34) Spanish ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.________________________
35) Ang mga bansa sa Timog Amerika ay halos magkakatulad ang wika._____________________

IV-PAGTUTUKOY
Panuto: Gamit ang “world map” hanapin kung anong bansa ang tinutukoy ng mga sumusunod na
“coordinates.”
1) Approximately: 590 N, 930 W ___________________________
2) Approximately: 150 N, 910 W ___________________________
3) Approximately: 440 S, 640 W ___________________________
4) Approximately: 450 N, 150 E ____________________________
5) Approximately: 350 N, 150 E ____________________________
6) Approximately: 170 S, 800 E ____________________________
7) Approximately: 130 S, 170 E ____________________________
8) Approximately: 100 N, 800 E ____________________________
9) Approximately: 240 S, 440 W ____________________________
10) Approximately: 200 S, 200 E _____________________________

V-PAGKILALA
Panuto: Kilalanin ang mga bahagi o mahahalagang guhit sa globo. Isulat ang sagot sa gilid ng globo.

“Ang EXAM ay parang PANLILIGAW. Isipin mo munang mabuti bago mo sagutin.” - Maam Ken-Ken

You might also like