You are on page 1of 5

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

KABIHASNAN SA TSINA

Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa


buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas. 

Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala. Ang
pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo
pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino

Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang


mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong
panahon.

HEOGRAPIYA NG HUANG HO

Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na
ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito
patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang Ito
ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa
mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China
Plain. 

Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North
China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. 
Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag
nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang
lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.

Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa
China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang
unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang
pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa
lambak ang mga magsasaka. 

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA

Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay-
daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang
kabihasnang tumagal ng halos 3,000 taon. 

Xia (? - 1570 B.C.E.)

Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang
Ho.
Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiyang arkeolohiya.

Shang (1570? B.C.E. – 1045 B.C.E.)

Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito.

Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga
oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.

Malimit ang isinagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na pinuno

Pinatalsik ang Shang noong 1045 B.C.E.


Zhou o Chou (1045 B.C.E.- 221 B.C.E.)

Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” na, ang emperador ay
namumuno sa kapahintulutan ng langit . Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging
masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangiatan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o
digmaan.

Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:
Confucianism - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng
pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.
Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan. 
Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa
pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan.

Q’in o Ch’in (221 B.C.E. - 206 B.C.E.)

Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng dinastiyang Zhou.

Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at
isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili bilang
“Unang Emperador” ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 B.C.E.).

Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba 2400 kilometro o 1500 milya.

Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang mag-alsa
si Lui Bang.

Han (202 B.C.E. - 220 C.E.)

Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism.

Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.

Sui (589 C.E. – 618 C.E.)

Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin
ang watak-watak na teritoryo ng China.

Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang
Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze.
Song (960 C.E. – 1127 C.E.)

Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinastiyang ito.

Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.

Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag.

Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napilitan ang Song na iwanan ang
kabisera nito noong ika-12 siglo.

Yuan (1279 - 1368)

Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang
China ay pinamunuan ng mga dayuhang barbaro.

Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila ang
kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa China na hindi nila pinagkatiwalaan.

Pagkatapos ng mga labanan dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng
kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong
sakop mula Timog-silangang Asya hanggang silangang Europe.

Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag
ang dinastiyang Ming.

Ming (1368 - 1644)

Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden
City sa Peking na naging tahanan ng emperador.

Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian
Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He.

Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type. Lumaki rin ang
populasyon ng China na umabot sa 100 milyon.

Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan.
Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea.

Qing o Ch’ing (1644 - 1911)

Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang Dinastiyang Ming na mga semi-nomadic mula sa
hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na barbarong dayuhan.

Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban sa England (1839-1842) at laban sa England
at France (1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo. Tinutulan ng pamahalaang China ang
pagbebenta ng opyo ng mga Europeo sa China, dahil nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan
ng lipunan.
Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob
ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at
pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan
nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa.

Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga
Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang labanan ang panghihimasok ng mga Kanluranin.
Nais din ng Rebelyong Taiping na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino. Samantala, sumuporta
ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang mga mapanghimasok na
Kanluranin.

Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French
(1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (1894-1895).

Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na
nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng China.

You might also like