You are on page 1of 14

KONTRA-REPORMASYON

KONTRA-REPORMASYON

•Isang malakas na kilusan na sinimulan


ng mga tapat na Katoliko na naglalayong
mapaunlad ang Simbahang Katoliko.

•Pinamunuan ni Papa Gregory VII (mas


kilala bilang Hildebrand) na naglunsad ng
tatlong pagbabago sa simbahan.
KONTRA-REPORMASYON
Tatlong Pagbabago sa Simbahan

1. Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang


malayo sa mga suliranin ng pamilya at nang
mailaan ang sarili sa buong paglilingkod sa
Diyos.

2. Pag-aalis ng simony.

3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumnggap ng


pagtatalaga sa anumang tungkulin sa simbahan
sa kamay ng isang hari o pinuno.
KONSEHO NG TRENT

Itinuturing na malaking hakbang sa


Repormasyong Katoliko na ipinatawag ni Papa
Pablo III noong 1545-1563.

Binubuo ng mga mataas na pinuno ng Simbahan


Mga Nagawa ng KONSEHO NG TRENT
Pagpapawalang-
Pagkilala sa Pagpapataas
saysay sa
Papa bilang sa
paniniwala ng
hindi pamantayan
mga Protestante
mapag- ng ugali at
na ang Bibliya
alinlangang kilos ng mga
ang tanging
pinuno ng tauhan sa
patnubay sa
Simbahang Simbahan.
kaligtasan ng
Katoliko
tao.

Pagpapalabas ng Papa ng Index

Muling pagpapatingkad sa kahalagahan ng misa, 7


sakramento, pagbibigay-galang sa mga santo at iba
pang doktrina ng mga Katoliko.
INQUISITION

Itinuturing na isa sa mga madidilim na bahagi


ng kasaysayan.

Itinatag ni Papa Pablo III ang Kongregasyon ng


Ingkisisyon noong 1542

Trabaho nitong magsiyasat o mag-espiya sa mga


taong hindi Katoliko ang pananampalataya.
Maraming mga Protestante ang sinunog at
pinarusahan dahil na rin sa ayaw nilang itakwil
ang kanilang relihiyon.

Napatigil ang repormasyong Protestante sa Timog


Europe

Gumanti rin ang mga Protestante sa mga


Katolikong ayaw yumakap sa kanilang relihiyon
tulad ni Michael Servetus na noong 1553 ay sinunog
pagkatapos tumangging itakwil ang kaniyang
relihiyon ayon sa kagustuhan nina Henry VIII at
Elizabeth.
SAMAHAN ng mga HESWITA
(Society of Jesus)

Itinatag ni St. Ignatius de Loyola ( isang dating


sundalong nagdesisyong maglingkod sa Diyos,
nag-aral ng Teolohiya at Pilosopiya at bumuo
ng pangkat ng matatapang at matatalinong
lalaki kasama na si St. Francis Xavier.

Itinatag nila ang Society of Jesus noong August


15, 1534.
Ang mga Heswita ay mga mapupusok na tauhan
ng Simbahan: mga lalaking subok ang tapang,
lakas ng karakter at talas ng pag-iisip. Sila ang
nanguna sa mga gawain para sa Kontra-
repormasyon.

Ang mga Heswita ay naging tagapayo ng mga hari


at reyna ng mga Katolikong Kaharian.

Nagtatag sila ng mga paaralan upang maituro ang


aral ng Katolisismo at mapatatag ang simbahan.

Nabawi nila ang Bohemia, Hungary, Poland at


Timog Germany para sa Simbahang Katoliko.
Mga Bunga ng Repormasyon at Kontra-
repormasyon

Pagkakaroon ng maliit na sekta ng Kristiyanismo gaya


ng Presbyterians, Puritans at Protestante.

Pagtalaga ng mga pangunahing tuntunin sa


Simbahang Katoliko gaya ng pananatiling matapat sa
Diyos, hindi pag-aasawa ng mga pari o vow of celibacy,
pamumuhay ng payak ng mga ito o vow of poverty at
pag-alis ng simony o pagbibili ng mga tanggapan ng
simbahan at ng estado upang maiwasan ang anumang
katiwalian.
Mga Bunga ng Repormasyon at Kontra-
repormasyon

Nagkawatak-watak ang mga dating nagkakaisang


bayan sa Europa na may relihiyong Katoliko. Ang mga
bayang ito ngayon ay nahahati sa pagitan ng mga
Katoliko at mga Protestante.

Pagkakaroon ng maraming digmaang panrelihiyon sa


pagitan ng mga Katoliko at mga Protestante sa
Europa.
Halimbawa ay ang Digmaang Schmalkaldic na
naganap sa pagitan nina Archduke Ferdinand ng
Austria at samahang Schmalkaldic o mga Prinsipeng
Lutheran ng Alemanya.
Iba pang mga Digmaan sa Pagitan ng
mga PROTESTANTE at KATOLIKO

1. Digmaan ng HUGUENOTS (1562-1598)

Labanan sa pagitan ng mga Calvinistang


Pranses (Huguenot) at ng mga haring Katoliko
gaya nina Charles IX, Henry III at Catherine de
Medici.

Ang mga Huguenot ang nagtagumpay sa


labanang ito at pinahintulutan ni Henry IV ang
mga ito na magpatuloy sa kanilang relihiyon.
Iba pang mga Digmaan sa Pagitan ng
mga PROTESTANTE at KATOLIKO

2. Digmaan ng Kalayaan ng
Olandes (1568)

Labanan sa pagitan ng mga Olandes at ng mga


Espanyol na pinamumunuan ni Phillip II.

Dahil sa ang Espanya ay isang Katolikong bansa,


pinigilan ni Phillip II ang paglaganap ng Protestantismo
sa Netherlands na noon ay teritoryo ng Espanya. Ngunit
sa pagpupumilit ng mga Olandes, nakamit nila ang
kanilang kalayaan hindi lamang sa pananampalataya
kundi maging ang kalayaan ng kanilang bansa.
Iba pang mga Digmaan sa Pagitan ng
mga PROTESTANTE at KATOLIKO

3. Tatlumpung Taong Digmaan


(1618-1648)

Itinuturing na pinakamahalagang digmaang


panrelihiyon sa kasaysayan.

Ang labanang ito na naganap sa pagitan ng mga


Katoliko sa Espanya at Pransya, at ng mga Protestante sa
Denmark at Sweden at winakasan sa Kasunduan ng
Westphalia na nagtalaga ng pagkapantay ng dalawang
relihiyon

You might also like