Professional Documents
Culture Documents
KABIHASNAN SA TSINA
Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na
milenyo na ang nakalilipas.
Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism
at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino
Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa
hanggang sa makabagong panahon.
HEOGRAPIYA NG HUANG HO
Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang
halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea.
Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain.
Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino.
Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan
ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang
pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-
unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3,000 taon.
Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho.
Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.
Malimit ang isinagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na pinuno
Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan.” na, ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit . Pinili siya dahil puno siya ng kabutihan.
Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangiatan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.
Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:
Confucianism - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.
Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan.
Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China. Inihayag
niya ang sarili bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 B.C.E.).
Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba 2400 kilometro o 1500
milya.
Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui Bang.
Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze.
Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.
Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napilitan ang Song na iwanan ang kabisera nito noong ika-12 siglo.
Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang barbaro.
Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila ang kanilang pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa China na hindi nila
pinagkatiwalaan.
Pagkatapos ng mga labanan dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa
malawak na teritoryong sakop mula Timog-silangang Asya hanggang silangang Europe.
Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang dinastiyang Ming.
Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador.
Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni Admiral
Zheng He.
Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type. Lumaki rin ang populasyon ng China na umabot sa 100 milyon.
Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan. Kasama rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa Korea.
Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang Dinastiyang Ming na mga semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na barbarong dayuhan.
Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium laban sa England (1839-1842) at laban sa England at France (1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo. Tinutulan ng
pamahalaang China ang pagbebenta ng opyo ng mga Europeo sa China, dahil nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan ng lipunan.
Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng
karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng
nanalong bansa.
Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang labanan ang
panghihimasok ng mga Kanluranin. Nais din ng Rebelyong Taiping na baguhin ang tradisyonal na lipunang Tsino. Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga
Manchu sa layuning palayasin ang mga mapanghimasok na Kanluranin.
Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French (1883-1885) at Digmaang Sino-Japanese (1894-1895).
Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng China.