You are on page 1of 5

ANG KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA

- Ang kabihasnang umusbong sa China ang itinuturing na pinakamatandang


kabihasnang nanatili hanggang sa kasalukuyan. Tulad sa Mesopotamia, India at
Egypt ang kabihasnang ito ay umusbong sa tabing ilog ang malapit sa Yellow River
o Huang Ho. Ito ang Natutulog na Higante.
2 ILOG SA TSINA
1. Huang Ho /Yellow River tinaguriang Pighati ng China dahil sa tuwing nagbabaha
ito marami ang namamatay. Ang pagbaha nito ay nagdudulot din ng pataba sa lupa
at dahil sa pagiging patag ng North China Plain ay madalas ang pagbaha dito.
2. Ilog Yangtze
Dinastiya pamumuno ng isang angkan.
Mandate of Heaven nagsasabing ang emperador nila ang Son of Heaven at
namumuno sa basbas ng kalangitan.
Pan ku ang unang tao na nagsikap sa loob ng 18, 000 upang mabuo ang
sansinukob. Sa kanya nagsimula ang Yin at Yang.
Xenophobia ang pagkatakot ng mga Tsino sa mga dayuhan.
Great Wall of China pananggalang sa mga lagalag na barbaro.
Ethnocentricity pagpapalagay na may higit na nakatataas na kultura kaysa iba o
pagtuon sa kanyang sarili.
MGA DINASTIYA SA TSINA
1. Hsia/Xia ang maalamat na dinastiya. Dahil sa kakulangan ng ebidensya, hindi
matiyak kung kalian ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya.
Pinaniniwalaan na siya ang nakagawa ng paran upang makontrol ang pagbahang
idinudulot ng Ilog Huang Ho. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga
sibilisadong tao sa gitna ng mga tribong barbaro kaya tinawag nila ang kanilang
lupain na Zhongguo o Middle Kingdom.
2. Shang sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamiit ng bronse,
ang mga naiwang kasulatan na naiwan ng panahong ito ang sinasabing
pinakamatanda sa mga panulat ng Tsino na matatagpuan sa mga oracle bones at
ang malimit na isinasagawang pagsasakripisyo sa mga tao partikular sa tuwing may
namamatay na pinuno na kadalasang isinasama sa mga maranyang libingan ng
mga pinuno. Nang lumaon, ang mga sumunod na dinastiya ay naglagay na lamang
ng mga pigurang hawig sa tao na gawa sa terracotta at iba pang material.
Oracle tumutukoy sa mga bagay o lugar na nagsisilbing instrument upang ipahatid
ng mga diyos ang kanilang saloobin (tortoise shell at cattle bone).
Kaolin isang uri ng maputing putik na ginamit upang makagawa ng seramika.
Agglunative paraang ginagamit ng mga Tsino upang pagdikit-dikitin ang mga
salita upang makabuo ng ideya.
Calligraphy uri ng panulat ng mga Shang.
3. Chou/ Zhou ang tumalo sa mga Shang. Binigyang-katuwiran nila ang kanilang
ginawa batay sa Mandate of Heaven o Basbas ng Kalangitan. Ang dinastiyang ito ay
tumagal ng 9 na siglo at ang pinakamatagal na dinastiya ng Tsina. Ang panahong
Zhou/Chou ay kadalasang hinahati sa Kanlurang Zhou/Chou at Silangang
Zhou/Chou.

Spring and Autumn Period ang katawagang ito ay hango sa aklat na The Spring
and Autumn Annals na naglalahad ng lahat ng kaganapan ukol sa paglaganap ng
mga bagong kaisipan at pilosopiya sa estado ng Lu. Pinakamahalaga sa mga ito ang
Confucianism at Taoism.
Confucius/ Kongfuzi isang guro at pilosopo na nanilbihan din sa pamahalaan ng
estadong Lu. Siya ang sumulat ng Five Classics at Four Books.
Confucianism binibigyang-diin nito ang pagkakaroon ng mga Tsino ng
kagandahang-loob, tamang pag-uugali, pagkamakatwiran at pagkamagalang.
Pinahahalagahan ang pamilya.
Jen ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan ng maayos kasama ng iba pang
tao.
Lao Tzu/Laozi ang nagpakilala ng Taoism o Tao Te-ching.
Taoism hangad nito ang balance sa kalikasan at daigdig at ang pikikiayon ng tao
sa kalikasan.
Mencius ang may-akda ng Doctrine of The Mean. May karapatan ang mga
mamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat sikaping panatilihin ang kapayapaan
dahil walang mabuting ibubunga ang digmaan.
Shang Yang at Han Feizi ang nagpalaganap ng Legalismo.
Legalismo dapat pamunuan ng isang lider ang kanyang nasasakupan batay sa 3
mahahalagang kaisipan: ang una, ang mga kodigo ng batas ay dapat maayos ang
pagkakasulat at maipaalam sa publiko; ikalawa, mahigpit na pamamahala ang
kinakailangan upang mokontrol ang mga tao; ikatlo, ang kapangyarihan ay
nakabatay sa posisyon ng isang lider at wala sa mismong pinuno. Nagmula ito sa
mga pangunahing akda ng mga Legalista tulad ng The Book of Lord Shang, Han FeiTzu at ang Kuan Tzu.
Fa batas
Shih awtoridad
Shu pamamaraan ng gobyerno
4. Chin/Qin - ito ay sa ilalim ni Yin Zheng na di lumaon ay kinilalang Shi Huang Di o
Shi Huang Ti. Ang salitang China ay hango sa dinastiyang ito. Sa kanyang panahon
naitatag ang Great Wall of China.
Sistemang Scholarship ang pagsasanay sa mga hihiranging gobernador at opisyal
ng imperyo.
5. Han ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Conficianism. Ito rin ang
nagging ideolohiya ng mga rehimeng sumunod dito. Ang pagsusulat ng kasaysayan
ng China ang isa sa pinakamalaking ambag nito.
Emperador Wudi ang nagpalawig at nagpalakas sa Imperyong Han.
Sima Qian ang mananalaysay ng China ay nabuhay sa panahon ni Emperador
Wudi.
Silk Road ang rutang pangkalakalan sa pagitan ng China at Kanluran, bahagi ng
ruta nito ay ang kasalukuyang Afghanistan.
Wang Mang isang ordinaryong mamamayan at hindi dugong bughaw na
nagpasimula ng panandaliang Dinastiyang Xin.
Emperador Guang-wu muling ibinalik ang Dinastiyang Han sa silangan ng Xian.

3 KAHARIAN O THREE KINGDOMS


1. Dinastiyang Jin binubuo ng Kanluran at Silangang Jin
2. Dinastiya sa Hilaga o Northern Dynasty
3. Dinastiya sa Timog o Southern Dynasty
6. Sui muling nabuklod ang China subalit maikli lamang ang pamumuno nito dahil
2 lamang ang naging emperador dito. Nagawa nitong ipaayos ang Great Wall
matapos ang mahabang panahong napabayaan ito at ang Grand Canal na naguugnay sa mga Ilog Huang Ho at Ilog Yangtze. Ngunit dahil sa sapilitang paggawa,
ang mga tao ay nagsimulang mag-alsa.
7. Tang ang nagpasimula nito ay si Li Shih-min matapos niyang mag-aklas laban
sa Dinastiyang Sui. Itinuturing na Dakilang Dinastiya ng China o Ginintuang
Panahon ng China. Nalinang ang panitikan at sining. Nang nagkaroon ng kaguluhan
sa China dulot ni Huang-Chao, nagwakas ang dinastiyang Tang at nagkaroon ng
Limang Dinastiya o Five Dynasties samantalang 10 kaharian ang namayani sa ibat
ibang rehiyon ng timog China kung kaya tinawag din ang panahong ito na Sampung
Kaharian o Ten Kingdoms.
Li Po, Po Chu-I at Tu Fu mahuhusay na makata.
Civil Service Examination naging mahalaga sa pagpili ng mga opisyal ng
pamahalaan.
Buddhism nakarating sa China sa pamamagitan ng Silk Road at naging
pangunahing relihiyon sa panahong ito na nahinto lamang sa pag-usbong ng
relihiyong Islam.
Changan ang kabisera ng Tang ay pinaniniwalaang pinakalamaking lungsod sa
buong daigdig sa panahong ito.
Huang-Chao isang nagmamay-ari ng lupa na may sariling hukbo na nagpapatay sa
lahat ng tao na naninirahan sa Canton kasama na ang mga dayuhang
mangangalakal at nagtayo ng panibagong dinastiya.
Emperador Xizong nagtungo ng Chengdu ng sumuko ang Luoyang at napasailalim
ang Changda sa pamumuno ni Huang-Chao.
8. Sung/Song maraming pagbabagong naganap sa teknolohiya, kultura at
kabuhayan. Nakalikha din ng isang paraan ng paglilimbag. Nagkaroon ng kasapatan
sa pagkain kaya umunlad ang kalakalan. Nakipagpalitan ng prdukto ang mga Tsino
sa mga kalapit-bansa sa Timog-silangang Asia tulad ng Borneo at Pilipinas. Subalit
sa kabila ng positibong kaganapang ito, nabigo ang dinastiya sa aspetong pulitikal
at military kung kaya sila ay nasakop ng mga barbaro.
9. Imperyong Mongol sinakop ng mga Mongol (Mongolia) ang China itinatag ito ni
Genghis Khan. Kabilang sa mga namuno sa imperyo ay sina Ogedei Khan, Gyk
Khan at Mngke Khan.
Genghis Khan ang nagtatag ng Dinastiyang Mongol sa China.
Temujin ang tunay na pangalan ni Genghis Khan. Ang kanyang pangalan ay
nangangahulugang Universal Ruler o Pandaigdigang Pinuno.
10. Yuan itinatag ito ni Kublai Khan. Malawak ang naitatag na imperyo ni Kublai
Khan kung kaya ito ay nahati sa 4 na khanato (khanate).
4 NA KHANATO (KHANATE)

1. Ang Dakilang Khanato sa Mongolia at Silangang Asya


2. Khanato sa Turkestan o Chagadai
3. Khanato sa Persia
4. Khanato sa Ginintuang Hordo (Golden Horde) na sumasaklaw sa Siberia at Russia.
Kublai Khan ang nagtatag sa Dinastiyang Yuan at namuno sa Silangang Asia ng
mahigit sa 30 taon.
Dadu ang kabisera ng Dinastiyang Yuan na kasalukuyan ay Beijing.
Marco Polo at Mafeo Polo ang unang dayuhang nakarating sa silangan at sa aklat
ni Marco Polo na The Tales of Marco Polo ay isinalaysay niya ang kanyang
pagkamangha sa kagandahang nakita niya sa silangan.
The Tales of Marco Polo ang aklat na nagbigay inspirasyon sa mga nabigador at
manlalakbay upang maghanap ng ruta mula Europe patungong silangan.
Pax Mongolica (Mongol Peace) tumuktukoy sa kakatagan ng Imperyong Mongol na
nagdulot nga kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon at mabuting
kalakalansa malawak na teritoryong sakop.
11. Ming sa pagkamatay ni Kublai Khan, humina ang Imperyo ng mga Mongol kung
kaya nagkaroon ng pag-aalsa ang mga Tsino at isa sa numuno ay si Zhu Yuanzhang
at nagtatag ng panibagong dinastiya. Muling naibalik sa mga Tsino ang
pagpapatakbo ng kanilang bansa mula sa mga dayuhan. Malaking bahagi ng Great
Wall ay itinayo sa dinastiyang ito at naitayo din ang Forbidden City sa Peking na
naging tahanan ng mga emperador. Ang sining ay napagyaman, particular ang
paggawa ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at silangang bahagi
ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng He. Maraming aklat ang
nailimbag sa pamamaraang movable type. Kilala ang dinastiyang ito sa
pagkakaroon ng isang matatag at sentralisadong pamamahala. Nagbigay-daan ito
sa pagbubuklod at pagkontrol sa imperyo subalit ang pagtutol sa mga pagbabago
sa lipunan ang nagpahina dito. Sa kalgitnaan ng ika-15 siglo, ipinatigil ang mga
paglalayag patungo sa ibang lupain at pagtataguyod ng komersiyo. Ito ang
kahulihulihang dinastiyang pinamunuan ng mga Tsino. Nagpatuloy ang ugnayan ng
dinastiyang ito sa mga dayuhan sa pamamagitan ng mga Hewita na nagsilbing
opisyal na tagapayo sa korte nito. Tuluyang bumagsak ito dahil sa pakikipaglaban
nito sa Japan na sumalakay sa Korea. Ang pag-aalsa at kaguluhan ang naging
dahilan ng pagbagsak nito.
12. Qing/Ching itinatag ng mga Manchu matapos magapi ang Dinastiyang Ming.
Sila ay mga semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino
na mga barbarong dayuhan. Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium
laban sa England (1839-1842) at laban sa England at France (1839-1842) ay
malaking dagok para sa imperyo. Sa pagkatalo ng China nagkaroon ng konsesyon
ang mga dayuhan, ipinagkaloob ang lupain ng Hong Kong sa British. Nagkaroon ng
sphere of influence sa ibang teritoryo ng China ang mga dayuhan at tinamasa ng
mga dayuhan ang extraterritoriality. Humina lalo ang dinastiyang ito sa pagkatalo
sa Digmaang Sino-French at Digmaang Sino-Japanese. Tuluyang bumagsak ang
dinastiya ng magkaroon ng Rebolusyon noong 1911 na nagbigay-daan sa
pagkatatag ng Republika ng China.

Extraterritoriality ang karapatan na malitis sa kanilang saring batas.


MGA REBELYONG NAGANAP SA IMPERYO
1. Rebelyong Taiping layunin na patalsikin ang mga Manchu sa China.
2. Rebelyong Nien pabagsakin ang mga Manchu na mahihina at lubhang walang
kakayahan na labanan ang mga Kanluranin.
3. Rebelyong Boxer sumuporta sa mga Manchu at ang layunin nito ay palayasin
ang mga mapanghimasok na Kanluranin.

You might also like