You are on page 1of 4

AP REVIEWER

I. KABIHASNANG INDUS

● Lambak ng Indus - Sentro ng kabihasnan sa rehiyon ng India


● Bulubunduking nakapaligid sa lambak Indus - Himalayas, Hindu Kush
● Ilog na dumadaloy - Ilog Indus at Ilog Saraswati
● Apat na Yugto ng Antigong Kabihasnang Indus
○ Kabihasnang Harappa
○ Yugto ng Vedas
○ Imperyo ng Maurya
○ Imperyo ng Gupta
● Dravidian - Katutubong Indian na nanirahan sa lambak Indus bago dumating ang mga Aryan
● Mohenjo-daro at Harappa - mga pinakakilalang siyudad nang umusbong ang sinaunang Kabihasnan
sa Indus

A. APAT NA YUGTO NG KABIHASNANG INDUS


1. Kabihasnang Harappa
a. Relihiyon ng mga Harappan - Polytheistic
b. Dakilang ambag ng Harappan - Urban Planning/Gardening
c. Mga Dahilan ng Pagbagsak ng Kabihasnang Harappa
i. Pagguho ng mga bundok na siyang nagpabago ng daloy ng mga ilog
ii. Dinapuan ng sakit na malaria ang mga tao
iii. Pagpasok ng mga Aryang nomadiko na siyang gumawa ng sarili nilang mga
pamayanan sa lambak ng Indus
2. Yugto ng Vedas (Vedic Age)
a. Aryan - sumakop sa mga Dravidian
b. Ilog Ganges - nagtayo ang mga Aryan ng kaharian sa matabang lupa sa may ilog na ito
c. Darius I - pinuno ng mga hukbong Persian na sumakop sa mga Aryan
d. Alexander the Great - pumasok sa kaharian ng mga Aryan matapos talunin ang mga
Persian
e. Relihiyon - Hinduismo
f. Sistemang Caste - Sistemang Panlipunan ng mga Aryan

g. Mga Ambag - Hinduismo, Epikong Mahabharata at Ramayana, literatura ng Vedas


AP REVIEWER
3. Imperyong Maurya
a. Chandragupta Maurya - nagtatag ng Imperyong Maurya
b. Pataliputra - Kabisera ng Imperyong Maurya
c. Ashoka - nagpakalat ng Budismo sa India
d. Mga Ambag - Nagpatayo ng Unibersidad, pinalaganap ang Budismo, nagpatayo ng
ospital at bahay-ampunan
4. Imperyong Gupta
a. Chandragupta I - pinagkaisa ang naghiwa-hiwalay na kaharian sa India at itinatag ang
Imperyong Gupta
b. Sumadragupta - sumunod na namuno kay Chandragupta I
c. Vikramaditya Chandragupta - anak ni Sumadragupta; Kinilala bilang Chandragupta II;
sa kanyang pamumuno, nakilala ang kultura sa panahon ng Imperyong Gupta bilang
“Gintong Yugto ng India”
d. Relihiyon - Budismo
e. Mga Ambag - Sistemang Solar, Plastic Surgery, Agham at Matematika (Algebra,
Sistemang 0-9, Trigonometry at Calculus)

II. KABIHASNANG TSINA


● Mahahalagang ilog na dumadaloy sa lupain ng Tsina - Huang Ho at Yangtze
● Huang Ho (Yellow River) - China’s Sorrow
● Yangtze - pinakamahabang ilog sa Tsina at sa buong Asya
● Dinastiya - linya ng mga namumuno na nagmumula sa isang pamilya o angkan
● Naniniwala ang mga Tsino sa konsepto ng mandato ng langit (mandate of heaven)

A. MGA DINASTIYA
1. Dinastiyang Tsina
a. Nagmula sa alamat
b. Emperor Yu - isa sa pinakamahusay na namuno sa Dinastiyang Xia
c. Mga Ambag - (ayon sa alamat) paggamit ng apoy, pangingisda, pagsasaka at maggamit
ng medisina
2. Dinastiyang Shang
a. Cheng Tang - nagtatag ng Dinastiyang Shang
b. Isang monarkiya
c. Ang mga Tsino noong panahong iyon ay sumasamba sa kanilang mga ninuno.
d. Naniniwala rin sila na ang mga elemento ng kalikasan ay mga diyos.
e. Batay sa mga labing nahanap, mayroon din silang paniniwala sa kabilang buhay.
Inilibing nila ang mga katulong kasama ng amo upang matulungan ang huli sa
panibagong buhay.
f. Mga Ambag - pulang tanso; nabuo ang pinakalumang anyo ng pagsulat ng mga Tsino
(Calligraphy)
3. Dinastiyang Zhou
a. Emperador Wu Wang - nagtatag ng Dinastiyang Zhou
b. Ang dinastiya ng Zhou ang pinakamatagal na namuno sa Tsina.
c. Mayroon ding ebidensiya ng pagsamba ng mga ninuno noong panahon ng Zhou. Ngunit
hindi katulad sa gawain ng Dinastiyang Shang, sa halip na pag-alay ng tao o paglibing
sa tao nang buhay para matulungan ang namatay sa kabilang buhay, inilibing nila ang
namatay kasama ang mga replika ng mga tao at kagamitan.
d. Naging kilala ang Zhou bilang "Gintong Panahon ng Pilosopiya" dahil sa dami ng
pilosopiyang namulaklak noong panahong ito.
e. Mga Pilosopiyang umusbong:
i. Confucianismo
1. Confucius, Mencius, Hsun Tzu
AP REVIEWER
2. Kailangang mapanatili ang tamang ugnayan sa pagitan ng mga tao at
lipunan
3. Ang mga ritwal at kagandahang asal ay mahalaga sa pamumuhay ng
maayos.
4. Ang pinuno ay dapat magbigay ng mahusay na ehemplo sa kanyang
nasasakupan.
ii. Taoismo
1. Lao Zi / Lao Tzi / Lao Tzu
2. Ang mga tao ay dapat mamuhay ayon sa “tao” o ang daloy ng kalikasan
at sandaigdigan.
3. Kailangang mamuhay ng tao kaugnay ang balanse ng kalikasan.
iii. Legalismo
1. Shang Yang, Li Si, Han Fei Zi
2. Mahalaga ang mga batas sa pamumuno ng lipunan.
3. Kailangang mahigpit na ipatupad ang batas nang walang kinikilingan.
4. Ang agrikultura at ang malakas na hukbo ay ang pundasyon ng malakas
na estado.
4. Dinastiyang Qin
a. Emperador Shi Huang Di - nagtatag ng Dinastiyang Qin
b. Legalismo - ipinatupad na pilosopiya
c. Dahil Legalismo ang pinaiiral ng dinastiya, maraming libro at akda ng ibang pilosopo ang
sinunod at maraming pilosopo ang ipinapatay.
d. Mga Ambag - Great Wall of China
5. Dinastiyang Han
a. Liu Pang - nagtatag ng dinastiyang Han na isa sa mga pinuno ng mga nagrebelde laban
sa Qin
b. Emperador Han Wu Ti - sa kanyang pamumuno, narating ng Tsina ang pinakamataas
na antas ng kaunlaran; nagpalawak ng teritoryo ng dinastiya sa dakong kanluran, hilaga,
at timog
c. Ang sumunod na mga emperador ay hindi kasing husay ni Han Wu Ti, at unti-unting
humina ang pamamahala ng dinastiya ng Han. Natapos ang dinastiya ng Han noong
220 CE at walang pangunahing dinastiya ang umusbong sa loob ng tatlong daang taon.
d. Confucianismo - batayan ng dinastiyang Han
e. Pumasok ang Budismo sa Tsina
f. Mga Ambag - pagkaimbento ng papel, Civil Service Examination; Shih Chi o Historical
Records na sinulat ni Ssu-ma Ch'ien
6. Dinastiyang Sui
a. Yang Jian - nagtatag ng Dinastiyang Sui
b. Emperador Yang Ti - sumunod na namuno kay Yang Jian; nag-utos na ipapatay ang
mga historyador
c. Pinatay si Emperador Yang Ti at pinalitan ng mga pinunong walang kakayahang
kontrolin ang pamahalaan, hanggang sa bumagsak ang dinastiya ng Sui noong 617 CE.
d. Mga Ambag
i. Pinaunlad ng dinastiyang Sui ang civil service, at naging batayan ito ng sumunod
na mga dinastiya.
ii. Nagpatayo rin ng mga kanal ang dinastiya upang iugnay ang hilagang Tsina sa
lambak ng Yangtze upang mapaunlad ang komersiyo.
7. Dinastiyang Tang
a. Tang Tai Tsung - kinikilalang nagtatag ng dinastiya ng Tang
b. Emperador Ming Huang - narating ng Tang ang pinakamataas na antas ng
kasaganahan sa ilalim ng kanyang pamumuno
c. Confucianismo - naging batayang muli ng pamamahala ng Tang
d. Pinagpatuloy rin ang pagpili ng mga naglilingkod sa gobyerno gamit ng civil service
examinations.
e. Napalawak nang husto ang teritoryo ng dinastiya ng Tang na binuo ng halos kasing
AP REVIEWER
lawak ng kasalukuyang teritoryo ng Tsina.
f. Dahil sa pagpapalawak ng teritoryo, nagkaroon ng ugnayan ang Tang sa iba't ibang tao
at kultura.
g. Dahil sa mataas na antas na kasaganahan ng ekonomiya at sining, tinatawag na
Gintong Panahon ng Tsina ang dinastiya ng Tang.
h. Mga Ambag
i. Li Po at Tu Fu - pinakamahuhusay na makata ng Tsina na namuhay noong
panahon ng Tang
ii. Wu Tao-Hsuan - isa sa mga pinakamahusay na pintor ng Tsina
iii. Naimbento ang palimbagan ng mga libro.
iv. Kasulatan ng Budismo - isa sa unang nailimbag
8. Dinastiyang Song
a. Zhao Kuangyin - isang heneral na nagtatag ng Dinastiyang Song
b. Genghis Khan - isang Mongol na namuno sa pagsakop sa Tsina
c. Kublai Khan - sa kanyang pamumuno, nagtagumpay ang mga Mongol sa pagsakop sa
Tsina
d. Mga Ambag - Neo-Confucianism; pag likha ng kasangkapang porselana
9. Dinastiyang Yuan
a. Kublai Khan - nagtatag ng dinastiyang Yuan at sa ilalim ng kaniyang pamumuno,
naging bahagi ang Tsina ng pinakamalaking imperyo sa daigdig
b. Hindi gaanong nagbago ang kultura ng Tsina, dahil sa pagtanggap ng mga Mongol sa
kultura ng kanilang sinakop.
c. Nabuksan ang Tsina sa mga taga-kanluran sa ilalim ni Kublai Khan, at isa sa mga
pumasok ay si Marco Polo.
d. Nakapasok din ang ibang relihiyon mula sa kanluran, katulad ng Islam at mga
Kristiyanismo.
e. Mga Ambag - Paggamit ng mga seramiko
10. Dinastiyang Ming
a. Ang pangalang Ming ay nangangahulugang "dakila"
b. Emperador Yung Lo - sa sa mga mahusay na pinuno ng dinastiya ng Ming, ay
nagpadala ng mga ekspedisyon sa iba't ibang teritoryo, katulad ng kasalukuyang
Cambodia, Vietnam, Thailand, bahagi ng India at Indonesia, at Sri Lanka
c. Mga Ambag - pinalawak ang Great Wall of China; naging tanyag ang pagpipinta ng
porselana
11. Dinastiyang Qing o Manchu
a. Ang dinastiya ng Manchu ay pinamunuan ng mga dayuhan mula sa hilaga ng Tsina.
b. Naging mahaba ang kanilang pamumuno sa Tsina dahil sa dalawang mahusay na
emperador: Kang Hsi (1661-1722) at Chien Lung (1736-1796).
c. Nagkaroon ng ilang labanan sa pagitan ng Tsina at ng mga Europeo.
d. Henry Pu Yi - huling emperador na tinanggal sa kaniyang posisyon
e. Ipinatupad rin ng Manchu ang kanilang kultura sa lipunan ng Tsina—kinailangang
mag-ahit ng buhok ang mga lalaki at itirintas ang kanilang natitirang buhok.
f. Mga Ambag
i. Ang dinastiya ng Manchu ay nangolekta, nagkatalog, at gumawa ng komentaryo
tungkol sa mga gawang sining ng nakaraang mga dinastiya.
ii. Ang dalawang pangunahing uri ng sining ng panahon ng Manchu ay ang
pagpipinta at ang paglikha ng porselana.

You might also like