You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7
S.Y. 2019-2020

Pangalan::_______________________________________________ Iskor:_____________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na religare na nangangahulugang pagbubuklod at pagbabalik-loob.


A. Kabihasnan B. Kultura C. Relihiyon D. Sibilisasyon

2. Para sa mga Hapones, dito nagmula ang kanilang emperador na naging pundasyon ng pagkabuo ng mga
imperyo at pag-inog ng kanilang relihiyon at pamumuno.
A. Amaterasu B. Caliph C. Devajara D. Son of God

3. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdigat ang namumuno ay Anak ng Langit. Ano
ang tawag sa paniniwala o kaisipang ito?
A. Caliph B. Dejavara C. Mandate of Heaven D. Men of Prowess

4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI naganap sa panahong Paleolitiko?


A. Nakagawa ang tao ng mga kasangkapang yari sa matulis na bato.
B. Natutong magtanim at mag-alaga ng hayop ang mga tao.
C. Nakadepende ang tao sa kanyang kapaligiran.
D. Nomadiko ang uri ng pamumuhay.

5. Pagsunud-sunurin ang mga panahon.


1. Panahong Neolitiko 2. Panahong Metal 3. Panahong Paleolitiko 4. Panahong Mesolitiko
A. 1,2,3,4 B. 2,3,4,1 C. 3,4,1,2 D. 4,1,2,3

Para sa bilang 6-8, tukuyin kung saan panahon naganap ang mga sumusunod na pangyayari o pagbabago.

A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko


B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal

6. Umaasa lamang ang mga sinaunang tao sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno at halaman sa
kapaligiran na makapupuno sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

7. Sa panahong ito, ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at paglaon ay napalitan ng
tanso.

8. Natutong magpaamo ng hayop ang mga tao at gumawa ng mga damit na galling sa balat ng hayop bilang
proteksiyon sa kanilang katawan.

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
B. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa lambak at ilog.
C. Pamumuhay na pinaunlad gamit ang bagong teknolohiya.
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.

10. Ito ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog.
A. Kabihasnan B. Kalinangan C. Kaunlaran D. Sibilisasyon

11. Ito ay lupain sa pagitan ng dalawang ilog na kinilala bilang lundayan ng kabihasnan dahil dito unang
sibilisadong lipunan ng tao sa Asya.
A. China B. Fertile Crescent C. India D. Mesopotamia
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga batayang salik sa pagkakaroon ng
kabihasnan?
A. Masalimuot na relihiyon
B. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura.
C. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan.
D. Paglaki ng populasyon at pagpapangkat ng tao ayon sa kakayahan.

13. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos ang labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.
B. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan.
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aagaw sa lugar na ito.
D. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan.

14. Ito ang itinuturing na pinakamalaking templo na itinatag ng mga Sumerian bilang pagbibigay karangalan sa
kanilang diyos.
A. Great Wall of China B. Hanging Garden C. Taj Mahal D. Ziggurat

Para sa bilang 15-19, tukuyin kung saan kabihasnan naging ambag o kontribusyon ang mga sumusunod.
A. Indus B. Persian C. Shang D. Sumer

15. Calligraphy
16. Cuneiform
17. Pictogram
18. Potter’s wheel
19. Ziggurat

20. Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pagsasaayos ng kanilang lungsod
na napapalibutan ng mga matataas na paderna naging paghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang
lupain. Ano ang tawag sa estrukturang ito?
A. Great Wall of China B. Hanging Garden C. Taj Mahal D. Ziggurat

21. Ang ilog na ngsilbing tagpuan ng kabihasnang Shang kung saan pagkatapos ng pag-apaw ng tubig nito ay
nag-iiwan ng loesso dilaw na lupain na nagsisisilbing pataba sa lupaing agricultural na malapit dito.
A. Indus B. Ganges C. Huang Ho D. Tigris at Euprates

22. Ang mga Tsino ay naniniwala na sila ang sentro ng daigidig at ang namumunong Emperador ay “Anak ng
Langit” o “Son of God”. Ano ang kahulugan ng konseptong ito?
A. Ang emperador ay namumuno batay sa mga kautusan na itinakda.
B. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng diyos.
C. Ang emperador ay namumuno dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng diyos.
D. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan.

23. Sa bansang ito, ang mga hari ay kinilala bilang devajara (Haring Diyos) at cakravatin bilang hari ng
daigdig.
A. China B. India C. Korea D. Pilipinas

24. Ito ang tawag sa pinuno ng mga Muslim na utos at basbas ni Allah.
A. Amaterasu B. Caliph C. Devajara D. Son of God
25. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kinilala ang mga namumuno batay sa katapangan, kagalingan at
katalinuhan (men of prowess) na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa pagbuo at pag-unald ng mga
estado?
A. China B. India C. Korea D. Pilipinas

26. Napakahalaga ng kultura sa isang bansa. Walang makabagong kultura kung walang tradisyunal na kultura
at mahihirapan ang mga tao na panatilihin ito kung hindi aangkop sa makabagong lipunan. Ano ang ibig
ipahiwatig ng pahayag?
A. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong haligi ng bansa.
B. Dapat pahalagahan ang mga kulturang naaayon lamang sa kagustuhan ng tao.
C. Isabuhay at ibahagi ang magagandang kultura at tradisyon lamang ng bansa.
D. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan.

Para sa bilang 27-30, suriin ang talahanayan ng mga relihiyon sa Asya.

Mga Relihiyon Tagapagtatag Aral/Paniniwala/Dotrina


Buddhism Sidharta Gautama Apat na Dakilang Katotohanan,
Walong Dakilang Daan
Jainismo Vhardamana Muling pagkabuhay, bawal kumain
ng karne, bawal ang pumatay ng
insekto, bawal ang magnakaw,
bawal magkaroon ng ari-arian,
karma, ahimsa
Sikhismo Guru Nanak Paniniwala sa isang Diyos,
reinkarnasyon, nirvana
Kristiyanismo Kristo Hesus Paniniwala sa iisang Diyos,
Sampung utos ng Diyos, Bibliya
Islam Muhammad Limang haligi, paniniwala sa
iisang diyos si Allah, Koran

27. Suriin ang talahanayan, alin sa mga relihiyon ang naniniwala sa reinkarnasyon?
A. Buddhism B. Jainismo C. Kristiyanismo D. Sikhismo

28. Anong relihiyon ang naniniwala sa Apat na Dakilang katotohanan?


A. Buddhism B. Jainismo C. Kristiyanismo D. Sikhismo

29. Batay sa talahanayan, anu-anong mga relihiyon ang naniniwala sa iisang Diyos?
A. Buddhism, Islam at Jainismo C. Jainismo, Kristiyanismo at Sikhismo
B. Buddhism, Kristiyanismo at Sikhismo D. Kristiyanismo, Islam at Sikhismo

30. Batay sa talahanayan, anong relihiyon ang may Sampung Utos ng Diyos?
A. Buddhism B. Jainismo C. Kristiyanismo D. Sikhismo

31. Confuciusm : Confucius ; Taoism : ____________


A. Lao Tzu B. Li Xi C. Mencius D. Sun Tzu

32. Philo : Pagmamahal ; Sophia : ______________


A. Kaalaman B. Karunungan C. Katapatan D. Katarungan

33. Pangkat ng tao sa Kanlurang Asya na itinuturing na “Tagapagdala ng Sibilisasyon”


A. Hebreo B. Hittite C. Persian D. Phoenician
34. Ang China ay nagkaroon ng “Apat na Dakilang Dinastiya”. Bakit tinawag itong dakilang dinastiya?
A. Nakapanakop ng iba’t ibang pangkat ng tao.
B. Lumawak ang impluwensiya ng Tsina sa panahong ito.
C. Nagkaroon pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya.
D. Nagkaroon ng pag-unlad ang China sa panahong ito sa iba’t ibang larangan.

35. Alin ang bumubuo sa Apat na Dakilang Dinastiya ng Tsina?


A. Chin, Han, Ming, Yuan C. Han, Ming, Sung, Tang
B. Chou, Sui, Sung, Tang D. Ming, Sui, Yuan, Zhou

36. Siya ay pinuno ng mga Chaldean at nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa
na si Amytis.
A. Haring Hammurabi B. Haring Nebuchadnezzar C. Haring Rehoboam D. Haring Solomon

37. Ang sistemang caste sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan sa iba’t ibang pangkat o antas ng mga
tao. Alin sa mga sumsunod na pahayag ang nagpapatunay tungkol sa sistemang caste?
A. Ang sudras ang pinakamataas na uri ng tao.
B. May mga mabubuting naidulot ang pagpapangkat.
C. May mahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
D. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kanyang antas sa lipunan.

38. Sila ang unang pangkat ng tao na nakabuo ng sistema ng pagsulat na tinatawag na Cuneiform.
A. Akkadian B. Babylonia C. Persina D. Sumerian

39. Maraming pagbabago ang naganap sa Shang,isa na rito ay ang pagtatayo ng mga matataas na pader na
tinawag na “Great Wall of China”. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakatayo nito?
A. Upang magsilbimg palamuti sa China.
B. Upang makapanghikayat ng mga turista.
C. Upang maging malinaw ang hangganan ng China.
D. Upang maprotektahan ang China mula sa mga mananakop.

40. Ayon sa paniniwalang ito, dapat palawakin, patibayin at patatagin ang estado at higit na mahalaga ang
istriktong batas ng pamahalaan upang ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at
wasto.
A. Budhismo B. Confucianismo C. Legalismo D. Taoismo

41. Kakatawanin mo ang inyong paaralan sa isang paligsahan sa debate ukol sa paniniwala, tungkulin at
misyon ng mga kababihan sa Asya. Ano ang gagawin mong paghahanda?
A. Magbasa at magsaliksik tungkol sa paksa.
B. Magbasa, manood ng balita at maghanda
C. Magsalikisik at magsanay na humarap sa karamihan.
D. Gumawa ng outline tungkol sa paksa, magsaliksik at mag-aral sa mga posibleng katanungan.

42. Sa panahong ito, nakaranas ng mahabang panahon ng kapayapaan ang Tsina na tinawag na “Pax Sinica”.
Sa anong dinastiya naganap ang pangyayaring ito?
A. Dinastiyang Ch’in B. Dinastiyang Han C. Dinastiyang Sung D. Dinastiyang Tang

43. Ang suttee o sati ay isa sa mga sinaunang paniniwala ng mga kababaihan sa bansang India. Paano ito
isinasagawa?
A. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng kanyang pagmamahal.
B. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang bangkay ng kanyang asawa.
C. Nagpapakamatay para maisabay sa paglilibing ng kanyang asawang namatay.
D. Nagbibigti ang babae para maksama ang asawa hanggang sa kamatayan.
44. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa bansang China?
A. Sa murang edad tinatanggal ang kuko, binabali ang buto sa daliri at binabalot ng metal ang mga paa
upang hindi humaba.
B. Sa murang edad, binabalot na ng bakal ang paa at hindi pinapalabas ng bahay ang mga batang babae.
C. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal ang paa.
D. Ang batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa.

45. Ang mga karapatan at kapangyarihan ng mga sinaunang kababaihan sa Asya ay hindi malawak. Ito ay
batay sa kasaysayan na naitala sa mga bansang Asyano tulad ng suttee o satti sa India. Ano dahilan ng
mababang pagtinging ito sa mga kababaihang Asyano?
A. Bahagi na ng kasaysayan na ituring na mababang miyembro ng lipunan ang kababaihan at limitado
ang kanilang karapatan.
B. Hindi pinagkalooban ang kababaihan ng matataas na edukasyon at kasanayan sa buhay.
C. Hindi pinagkalooban ng langit ang kababaihan na mamuno sa lipunan.
D. Mahina ang loob at walang kakayahang mamuno.

46. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang isang lider ng bansa sa
Asya?
A. Pinataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamunuan.
B. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang bansa.
C. Itinaguyod at pinanatili nila ang mga Asyanong pagpapahalaga sa panahon ng kanilang pamumuno.
D. Binigyan ng pagkakataon at sinanay ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa kanilang
bansa.

47. Matapos ang talakayan ninyo sa aralin tungkol sa relihiyon, naatasan ka na mamuno sa paglikha ng isang
presentasyon sa iba’t ibang relihiyon sa Asya. Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo ng nilalaman
ng presentasyon?
A. Kasaysayan ng relihiyon at mahalagang aral nito.
B. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag at saan naitatag.
C. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag at ang impluwensiya nito sa bansa.
D. Kasaysayan ng relihiyon, mga mahalagang aral, impluwensiya sa bansa, at kalagayan nito sa
kasalukuyang panahon.

48. Ikaw ay pangulo ng AP Club sa inyong paaralan at naatasan gumawa ng proyekto sa kahalagahan ng mga
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang iyong proyekto
para makita at makilala ng lahat ang mga nasabing kontribusyon?
A. Pagbibigay ng phamplet ng mga larawan ng mga naging kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan.
B. Pagtatakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay
C. Pagsasagawa ng poster making contest
D. Jingle writing contest

49. Ano ang pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa panahon ng Paleolitiko?
A. Pagtatanim C. Pagkatuklas ng apoy
B. Pag-aalaga ng mga hayop D. Pakikipagkalakalan

50. Ang pagsamba sa iisang Diyos o monoteismo ay isa sa mga pinakamahalagang kontribusyon ng mga
sinaunang pangkat ng tao sa Asya na kung saan ipinagbawal ang pagsamba at pag-aalay ng mga sakripisyo
sa mga diyos-diyosan na naging batayan ng maraming batas sa kasalukuyan. Alin sa mga sumusunod na
pangkat mula sa Kanlurang Asya nanggaling ang kontribusyong ito?
A. Assyrian B. Hebreo C. Persian D. Phoenician

You might also like