You are on page 1of 9

KABIHASNANG TSINO

China- Zhongua Renmin Gongheguo (People’s Republic of China)

Kabihasnan: Beijing
Wika: Mandarin
Relihiyon: Confucianism, Taoism, Buddhism
Pamahalaan: Commonist
Pananalapi: Yuan

Kalagayang Heograpikal:
- May natural na balakid na naghihiwalay pa sa iba pang bansa
- Natuto silang gumawa ng mag-isa at hindi na umaasa pa sa iba.
- Pinaniniwalaan nila na nasa gitna sila ng mundo kaya’t tinawag nila itong Zhongguo na ibig
sabihin ay Gitnang Kaharian

Sinaunang Kasaysayan:
- Pagtuklas ng Homo Erectus a.k.a Peking Man
- Naitatag ng pamayanan: Yangshao at Longshao’
- Huang Ti ang Yellow Emperor

MGA DINASTIYA:

Ø  HSIA o XIA (2000 – 1570 BCE)

-          Pinamumunuan ni Yu
-          Maalamat na dinastiya at walang talang naiwan 
-          Nagpatayo  ng irigasyon para sa sakahan
 Ø  Shang (1570 – 1045 BCE)

-          An-yang ang kabisera


-          Unang Historical
-          Gumagawa ng bronze, magagarang palasyo at libingan

Ø  Chou o Zhou (1045 – 221 BCE)

-          Pinamumunuan ni Wu Wang


-          Panahong Pilisopo at Piyudalismo
-          Pinakamatagal na namahala (900 taon)
-          Paniniwala sa Mandate of Heaven
-          Panahon ng Pilosopo (Confucius, Lao Tzu, Mencius)

Ø  Chin o Qin (221 – 206 BCE)

-          Pinamumunuan ni Chao Hsiang Wang


-          Cheng, unang emperador
-          Hinago dito ang pangalang China
Ø  Han (202 BCE – 200 CE)

-          Pinamumunuan ni Liu Bang


-          Xian ang kabisera
-          Pinaka-makapangyarihang emperyo
-          Nakapsok ang Buddhism sa bansa
-          Marami silang naiambag: Lunar Calendar, Sesimograph, Papel, Tinta at Brush

Ø  Sui (589 – 618 CE)

-          Maikling Dinastiya 


-          Nagpagawan ng Grand Canal

Ø  Tang (618 – 907 CE)

-          Pinamumunuan ni Li Yuan


-          Chang’an ang kabisera
-          Naiambag ang “Diamond Sutra” (Unang aklat sa buong mundo)
Ø  Sung (960 – 1127 CE)

-          Pinamumunuan ni Chao Kuang yin


-          Kai-Feng ang kabisera

Ø  Mongol (1206 – 1368 CE)

-          Pinamumunuan ni Kublai Khan


-          Peking ang Kabisera
-          Unang dayuhang namahala sa China
-          Dumagsa ang Europa sa China

Ø  Ming (1368 – 1644 CE)

-          Pinamumunuan ni Chu-Yuang-Chang


-          Nagpatayo ng palasyo tulad ng Forbidden City
Ø  Manchu (1644 – 1910)

-          Pinamumunuan ni Nurchachi


-          Nasakop ang Korea
-          Si Puyi ang huling emperador ng China

Mga Kontribusyon at Pamana 


 Astronomong Tsino
 Kalendaryo batay sa paglitaw ng araw at buwan
 Sulatan ng taon batay sa pag-ikot sa mundo
 Halaman bilang paggamot sa tao
 Kompas na patnubay ng barko sa dagat
 Masining na kasangkapang yari sa tanso
 Sistemang decimal
 Panghuhula at pakikipag-usap sa mga espiritu
 Tatlong uri ng pagsulat

Gitnang Kaharian.

Noong mga 1500 BC, lumitaw ang unang mgapinunong historikal, ang mga pinuno ng
dinastiyang Shang.Hinalinhan ng mga pinunong Chou noong 1000 BC ang Shang. Kapag
hindiabala sa pikikidigma ay inaasikaso ng mga pinunong Chou ang gawain ng
pamahalaan.Habang umuunlad ang kanilang pamahalaan umuunlad din ang kaalaman ng
mgaTsino tungkol sa mabuting lipunan.

Mga Aral ni Confucius


Isa sa mga pilosopong malaki ang impluwensya
sapamumuhay ng mga Tsino ay si Confucius. Siya ay
guro at tagahubog ng diwa atpagkatao ng mga tao.
Bagaman hindi siya nagtagumpay sa layuning
magkaroon ngpuwang sa pulitika ay lumaganap naman
ang kaisipang unibersal ng jin tulad ng pagkamakatao,
kagandahang loob at ganap na kabutihan.Utang ng
mga Tsino ang sistemang etiko-pulitikal kung saan
itinuturo angpagiging huwaran ng namumuno upang
sundin. Ang tatlong pangunahing katangian
ngmabuting pamahalaan ay (1) tiwala ng tao sa
namumuno, (2) sapat na pagkain, (3)sapat na
armas.Lumitaw si Shih Huang Ti noong 221 BC.
Itinatag niya ang pinakadakilangestadong nakilala sa
daigdig. Sakop ng kanyang imperyo ang Karagatang
Tsinahanggang Gitnang Asya. Napilitang gumawa ang
mga tao ng mga daan at gayun ding Dakilang Pader.
Pinalawak pang lalo ng dinastiyang Han ng imperyong
kasama angGitnang Asya mula timog hanggang Vietnam at silangan hanggang Korea.
Sinimulanng imperyong Han ang huwaran ng pamahalaang imperyal na nakasentro
saemperador.Sinundan ng panandaliang dinastiyang Sui ang bumagsak na Han. Humalili
angdinastiyang T’ang. Isa ang dakilang emperador nito si Tai Tsung. Nireporma niya
angpamumuno, ibinalik na muli ang pangingibabaw ng serbisyo sibil at pinamunuan angbansa
nang buong husay. Sinundan ang pagbagsak ng dinastiyang T’ang ngpagkakapira-piraso ng
imperyo hanggang muling nabuo ito ng dinastiyang Sung.Ibinalik na muli ang kadakilaan ng
imperyo. Nahati ang Tsina noong 1126 nang lusubinng mga Mongol na pinamumunuan ni
Temujin. Ginamit niya ang pangalang Genghis Khan (Panginoon ng Daigdig) at binalak na
salakayin ang daigdig sa labas ng Mongolia.Napatunayan na hindi kaya ng mga Manchu, ang
huling imperyong lagalag kaya mulingnabuo ang imperyong Tsino sa ilalim ng dinastiyang
Yuan.Itinatag ng imperyong Ming ang pakikipag-ugnayan sa mga Portuges at mgamisyonerong
Italyanong Heswita. Pinakamalaki at pinakamayaman ang imperyongTsino noon sa ibabaw ng
lupa hanggang masakop ito ng mga Manchu noong 1682.Namuno ang dinastiyang Ming sa
matandang tradisyon at itinatag angburukrasya. Naging daan ang pagbagsak ng Ming sa
magkakatulad na pagbagsak ngimperyo. Sinalakay muli ng mga barbaro mula sa Europa ang
naguguluhang imperyo.Nagkaroon ng sunud-sunod na digmaan noong ika-19 na siglo tulad ng
DigmaangOpium, Rebelyong Boxer at mga kasunduan na hindi maganda para sa Tsina.Napilitan
siyang magbigay ng mga pribilehiyong diplomatiko at kalakal, at kontroladonghimpilang
diplomatiko ng Peking. Nanatili pa ring pinakamalaking bansa ang Tsina sadaigdig sa pagpasok
ng ika-20 siglo ngunit nawala na ang kanyang lakas atkatanyagan.
Pilosopiya ng mga Legalista

Han Fei Zi Li Si
Ang mga Legalista ay naniniwala na isang makapangyarihang pamahalan lamang
makapagpapanumbalik ng katiwasan sa Tsina. Taliwas sa kaisipan ni Confucius ang kaisipan ng
pangkat ng mga legalista. Ayon pa sakanila, kailangang pagkalooban ng gantimpala ng
pamahalaan ang sinumang maayos na tumatalimasa kanyang tungkulin at patawan naman ng
mabigat na kaparusahan ang sinumang hindi gumaganap sa tungkulin. Higit sa lahat,
iminungkahi nila ang pagsunog sa lahat ng kasulatan at pahayag na maaaring magbigay ng ideya
sa mga tao upang mag-alsa.

Great Wall of China

May habang 6, 700 kilometro na mula sa Shanhaigan sa silangan ng Tsina hanggang Lop
Nur sa kaunlaran. Ito ay unang ipinagawa ni Shi Huang-ti isang 13 taong gulang na emperador
na nagmula sa angkang chin. Ito lamang ang estrukturang gawa ng tao na bukod tanging
natatanaw sa kalawakan. Ang “Great Wall of China” ay kilala sa kasalukuyan bilang isa sa
“Seven Wonders of the World”.
Footbinding- pinaniniwalaang ang mga babaeng may maliliit na paa ay magaganda

"Grand Canal"
Ang Grand Canal ay ay ang pinakamahabang kanal o artipisyal na ilog sa mundo.Ito ay
pinakamahalagang bagay na ipinamana ng mga Sui sa Tsina dahil ito ay nagsilbing mahalagang
daanang pangkalakalan sa pagitan ng hilaga at timog Tsina.Sa ngayon, ang haba ng Grand Canal
ay humigit-kumulang 1,200 milya ang haba, tumatakbo mula sa Hangzhou sa Zhejian lalawigan
na matatagpuan sa timog ng Tsina sa Beijing, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng bansa.
Bukod pa rito, ang Grand Canal ay kumokonekta sa mga ilog ng Yangtze, Yellow Huaihe,
Quiantang, at Haihe Rivers, at pagkatapos, sa katimugang dulo, dumadaloy sa Hebei, Tianjin,
Beijing, Jiangsu, Shandong, at Zhejiang.

Sinocentrism

Ang kaisipang Sinocentrism ay tumutukoy sa paniniwala at pilosopiya ng mga Tsino na ang


Tsina ang pinakasentro ng daigdig, ang itinuturing na “Gitnang Kaharian”. Gayunpaman, hindi
naman naaayon sa kanilang gawi ang mangibang bansa upang palaganapin ng kanilang
paniniwala at kabihasnan dahil naniniwala sila na ang kulturang Tsino ay maipagmamalaki at
tiyak na tatanggapin at yayakapin ninuman nang walang pasubali o anumang uri ng
paghihikayat.

Mechanical Clock
Ang “Mechanical clock ay inembento noong 700s sa panahon ng Tang at Sung sa Tsina. Ito ay
relong pinaaandarng makina at kinokontrol ng tubig. Ang ideyang ito ay dinala ng mga
mangangalakal sa Europa.

You might also like