You are on page 1of 8

ANG KABIHASNANG

TSINO SA SILANGANG
ASYA

Prepared by: Queenly May L. Panuncio


 Ang kabihasnang
umusbong sa China ay
itinuturing na
pinakamatandang
kabihasnang nananatili sa
buong daigdig hanggang sa
kasalukuyan . Nag-ugat ito
halos apat na milenyo na
ang nakalilipas.
 Noon pa man, mithiin na ng mga tsino ang pagkakaroon
ng mahusay na pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga
ideolohiyang suportado ng estado , partikular ang
Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa
kabihasnang Tsino..

Taoism Confucianism
 Saaspektong politikal ,halinhinang nakaranas ang China
ng pagkakaisa at pagkawatak-watak. Ang mga
pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan
ng bansa hanggang sa makabagong panahon
HEOGRAPIYA NG ILOG HUANG HO
 Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay
umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang
ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may
habang halos 3000 milya. Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea.
Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa
mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak
na kapatagan., ang North China Plain.
 Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa
ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas
ang pagbabaha sa lugar na ito.
 Ayon sa tekstong tradisyonal ng China , ang Xia o Hsia
ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit
dahil sa kakulangan ng ebidensya, hindi matiyak kung
kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng
dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan
upang makontrol ang pagbabahang idinudulot ng Huang
Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang
makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
 Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang
mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na
tinatawag nilang barbaro sapagkat hindi sila
nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din
nila ang kailang lupain na Zhongguo na
nangangahulugang Middle Kingdom.

You might also like