You are on page 1of 5

C.N.

:
Esc
R.S.:
Association of Lasallian Schools Supervision Services Association (LASSAI)
Accredited Super Schools Member P.S.: 50
st
The 1 Certified CVIF - Dynamic Learning Program School in the Philippines
T.G.:
IKAAPAT NA KWARTER NA PAGSUSULIT
FILIPINO 7
Pangalan: _______________________________________________ Petsa:___________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________ Guro: :___________________
_
I. PAGBABAYBAY
Baybayin ang mga salitang bibigkasin ng guro. Isulat ang tamang baybay sa patlang na nakalaan sa bawat
bilang. ( 5 puntos)

1) __________________________________
2) __________________________________
3) __________________________________
4) __________________________________
5) __________________________________

II. PAKIKINIG
Makinig sa maikling kwentong babasahin ng guro. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa
nakalaang patlang. ( 5 puntos)

____________6) Sino ang batang matalino na tinutukoy sa kuwento?

____________7) Anong wika ang una nitong pinag-aralan?

____________8) Anong wika ang sunod na pinag-aralan ng bata?

____________9) Ano ang nais ng bata na labis na nakapagpapalungkot sa kanya?

____________10) Ano ang binili ng mga magulang ng bata upang maging katuparan ng kanyang nais?

III. TALASALITAAN
Piliin ang angkop na salita sa kahon upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang. ( 5 puntos )
binagtas pata
nahapis tampalasan
naino tugon
nililo tumalima
pantas uliran

_____________ 11) Isa siyang ___________ na ina dahil naitaguyod niyang mag-isa at nang maayos ang
kanyang mga anak.
_____________ 12) Labis ang kanyang galit nang __________ siya ng kanyang matalik na kaibigan.
_____________ 13) Labis siyang _____________ nang maalala niya ang kanyang ina.
_____________ 14) Agad na _____________ ang utusan sa kanyang amo.
_____________ 15) _____________ ng magkaibigan ang makitid na daan matagpuan lamang ang kanilang lugar
na pupuntahan.

Filipino 7, pahina 1
IV. WIKA
A) Kilalanin ang pinakaangkop na salin sa Filipino ng mga sumusunod na idyomatikong pahayag sa Ingles.
Itiman ang bilog ng tamang sagot. (5 puntos)

16) You can count on me.


A) Maaasahan mo ako.
B) Mabibilang mo ako.
C) Maisasama mo ako.
17) Red letter day
A) pulang letra sa araw
B) mahalaga o masayang araw
C) makulay na araw
18) A little bird told me.
A) Isang munting ibon ang nagsabi sa akin.
B) May mumunting tinig na nagsabi sa akin.
C) May nagsabi sa aking hindi ko mapangangalanan.
19) Break a leg.
A) Malasin ka sana.
B) Mabali sana ang isa mong binti.
C) Palarin ka sana.
20) Straight from the horse’s mouth
A) mula sa bibig ng isang kabayo
B) mula sa bibig ng taong may nalalaman tungkol sa isyu
C) mula sa bibig ng malapit ang puso sa mga hayop

B) Baybayin sa Filipino ang mga sumusunod na salitang hiram sa Espanyol. Isulat ang sagot sa
patlang.
( 5 puntos)

_______________21) vocabulario
_______________22) dialogo
_______________23) prioridad
_______________24) maquina
_______________25) psicologia

V. Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang kaisipang inihahayag sa bawat bilang. Kung mali, palitan ang
salitang may salungguhit upang maging wasto ang pahayag.( 10 puntos )

______________________ 26) Ang Fenix ay isang ibong mythical na napakaganda at nag-iisa sa uri nito.
Sinusunog nito ang kalaban upang muling mabuhay.
______________________ 27) Ang monarko ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang taong namumuno
sa isang bansang ang sistema ng pamahalaang naghahari ay aristokrasya.
______________________ 28) Ang butil ng damong trigo ay kalimitang ginagamit sa paggawa ng arina.
______________________ 29) Ang sansalop ay may katumbas na tatlong kilometro.
______________________ 30) Ang mahika blanka ay kapangyarihang itim tulad ng kulam o dulutan ng sakit ang
isang tao.
______________________ 31) Ang mga Amerikano ang nagbigay ng pangalang Negrito sa mga tao sa Pilipinas
na pandak, maitim at kulot ang buhok.
______________________ 32) Ang garing ay matigas at maputing bahagi ng pangil ng ahas. Sinasabing ang
bola ng bilyar ay gawa rito.
______________________ 33) Ang iba pang tawag sa mga Malay ay Baluga, Negrito o Agta.
______________________ 34) Si Santa Ana ang nagwakas ng pag-uusig sa mga Kristiyano ng Imperyong
Romano.
Filipino 7, pahina 2
______________________ 35) Ang busal ay isang bagay na inilalagay sa nguso ng aso upang hindi nito maibuka
ang bibig.

VI. Punan ang patlang ng mga salitang kokompleto sa diwa nito. (10 puntos)

36) Ang kauna-unahang utos ni Haring Salermo kay Don Juan ay gawing ____________ ang trigong
itinanim nito sa pinatag na bundok.
37) Sa ikalawang utos ng hari, inutos nito sa prinsipe na kailangang maibalik sa prasko ang mga alaga
nitong _________________ na pinakawalan sa laot ng karagatan.
38) Ang ikatlong utos ni Haring Salermo ay kailangang maitapat sa kanyang bintana ang __________.
39) Muling sinubok ng hari ang katatagan ni Don Juan sa ikalimang pagkakataon kung saan ipinag-
utos niya ritong itabon ang bundok sa maugong na karagatan at saka magtayo roon ng isang
____________________.
40) Ang dahilan ng labis na pagkalungkot ni Haring Salermo ay ang pagkawala ng kanyang
__________ _________.
41) Tinadtad nang pinong-pino ni Don Juan ang katawan ni Maria Blanca at ito’y naging
_______________ na sumisid sa kailaliman ng dagat upang hanapin ang nawawalang gamit ng
amang hari.
42) Sa panghuling utos ni Haring Salermo kay Don Juan, ipinag-utos nitong paamuin ang
kanyang mailap na______________.
43) Sa dinami-rami ng utos ng hari sa prinsipe, napakadali lamang itong naisasakatuparan ni Don
Juan dahil si _________________ naman talaga ang gumagawa nito.
44) Ang balak ni Haring Salermo upang hindi makatuluyan ni Don Juan si Maria Blanca ay ipakasal
ito sa kanyang kapatid na nasa ________________.
45) Ang ginawa ni Haring Salermo sa sobrang galit kay Don Juan at Maria Blanca dahil sa pagtakas
ng mga ito ay kaniya itong _________________.

VII. PAGBASA
Basahin ang kwentong-bayang “Bakit May Pulang Palong ang mga Tandang”. Pagkatapos ay
sagutin ang mga sumusunod na katanungan nang hindi bababa sa tatlong pangungusap.(5 puntos)

Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang

Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag
pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga
dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang
ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga salamangka o
mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon. Bukod sa pagiging magalang,
masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga nayon si Iskong Salamangkero. Madali
siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at
palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang siyang nasa
harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na siya
lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya magampanan at tanging ang pag-aayos ng sarili
lamang ang kanyang pinagkakaabalahan.Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay
nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod na
pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito. Tinawag niya
Filipino 7, pahina 3
ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap ng salamin ang
anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.

Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni Iskong
Salamangkero. Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito. Kung kayo ay nagugutom,
kayo na lamang ang magluto, ako ay hindi pa nagugutom. At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng
kanyang buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang
pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi “Mabuti pang wala na akong
anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi ka na lamang nagsusuklay ,ang pulang suklay
na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo.” At idiniin ni Iskong Salamangkero ang pulang
suklay sa ulo ni Pedrito.

Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging tandang
ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang palong. Hanggang sa
ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

46-47) Ilarawan ang ugali ng anak sa kwento. Paano ito naiba sa katangian ng kanyang ama? ( 2 puntos)
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

48-50) Ano ang napulot mong aral sa akda? Paano mo ito isasabuhay? ( 3 puntos )
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Rubrik
Pamantayan sa Pagmamarka Puntos
Napakahusay ng pagpapaliwanag ng hinihinging kasagutan. 5
Mahusay ang pagpapaliwanag ng hinihinging kasagutan. 4
Bahagyang mahusay ang pagpapaliwanag ng kasagutan. 3
Naipaliwanag ngunit may kaunting kulang na salitang bubuo sa tamang kasagutan. 2
Naipaliwanag nang bahagya at maraming kulang at maling salita na dapat bubuo sa 1
tamang kasagutan.
Walang naisulat na paliwanag. 0

Filipino 7, pahina 4
Filipino 7, pahina 5

You might also like