You are on page 1of 31

A.Y.

2020-2021

Filipino 9
G. Johnny V. Abalos Jr.
Pang-araw-araw na Gawain :
Pambungad na Panalangin

Ating alalahanin na tayo ay nasa kabanal-banalang


harapan ng Diyos.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo Amen.

Personal na Panalangin (A-C-T-S)


Lasalyanong Panalangin

Lider: Sabay-sabay nating dasalin ang Lasalyanong panalangin.

Tugon: Ipagpapatuloy ko O Panginoon ko ang lahat ng aking mga magagandang gawain alang-alang sa pag-ibig ko sa Iyo.
Lider: Nuestra Senyora de La Salette,
tagapagkasundo ng sanlibutan.

Tugon: Ipanalangin Mo kaming walang


humpay na nananalig sa Iyo.
Lider: San Juan Bautista ng La Salle

Tugon: Ipanalangin Mo kami.


Lider: Hesus manatili ka sa aming mga
puso.

Tugon: Magpakailanman.
Pagsasaayos ng silid

Pagtsek ng lumiban

I-update ang PATH


1) Pagdedistribyut ng mga namarkahang
LAS.

2) Ilakip ang LAS sa portfolio folder.


I- update ang iyong talaan ng nilalaman

LAS # Petsa Pamagat ng


Gawain

Paalala: Huwag magsulat ng anuman sa iskor. Ang guro na


ang mag-a-update nito.
 Pagbibigay ng bagong LAS.

Tala: Tupiin ang papel sa kaliwang bahagi nito


upang magkaroon ng isang pulgadang
puwang/palugit.
Isulat ang iyong Control Number
Isulat ang iyong Pangalan:

(Apelyido, Unang Pangalan, Gitnang


Inisyal)
Isulat ang Baitang:

9- St. F rancis of Assisi


Isulat ang Petsa:

____, ___ , ____,


________
Gawain Bilang:
3
Itsek ang sabjek:

Filipino
Uri ng Gawain:

Konseptong Pangkaisipan

Dril/Pagsasanay
Pamantayang Pangnilalaman:

Paraan ng Pagpapahayag ng
Emosyon o Damdamin
Pamantayan sa Pagkatuto:
Sanggunian:

https://epikongpersiyanoblog.wordpress.c
om/paraan-ng-pagpapahayag-ng- emosyon-
o-damdamin/
1) Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay
mga pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan
ito ng tandang padamdam (!)

1) Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang


inosenteng sanggol na ito!

2) Ang sakit malamang ang sariling anak ang


pumaslang sa ama!
2) Maiikling Sambitla – Ito ay mga
sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.

Aray! Nasugatan ako ng patalim.

Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.


3) Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak
na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao
– Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t
hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit
ito ay nagpapakita ng tiyak na emosyon.
A) Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang
bata na namang isinilang sa mundo.
B) Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit
ipatatapon ng isang magulang ang
isang walang kamalay-malay na sanggol.
Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama ay ang
nagharap sa isang pagtutunggali.

Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang


sanggol.

Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na


hindi patayin ang bata.

Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag- isip ang


pastol.
4) Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng
Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan
Ito ay mga pangungusap na gumagamit ng
matatalinghagang salita.

Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga


magulang na pinababayaan ang mga anak.

(Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na


galit.)
Gawain 1
Tukuyin kung anong paraan ng pagpapahayag
ng emosyon o damdamin ang mga sumusunod
na pangungusap.

1) Naku !
2) Mukang may damit pang mas bagay sayo
kaysa sa suot mo.
3) Masaya ako sa aking narinig.
4) WoW! Ang ganda ng tanawin.
5) Labis akong nagulat sa mga pangyayari.
6) Huwag !
7) Labis akong nagagalak sa pagpapalang
tinatamasa mo.
8) Mataas na ang sikat ng araw.
9) Huwag! Huwag po ninyo akong saktan.
10) Sunog!
Gawain 2
Bumuo ng isang halimbawang pangungusap sa bawat Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin.

1) Mga Pangungusap na Padamdam


2) Maiikling Sambitla
3) Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin
4) Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan
Pamantayan:
3 2 1 0

Ang kasagutan ay Ang kasagutan ay Ang Walang


wasto at kompleto. hindi kompleto. kasagutan ay naibigay na
Naibigay, nasuportahan Naibigay ang mga hindi kasagutan.
at naipaliwanag nang detalye ngunit kulang sumasagot sa
malinaw ang mga ang pagpapaliwanag. katanungan.
importanteng detalye.
Ipasa ang LAS

You might also like