You are on page 1of 10

PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

NG EMOSYON O DAMDAMIN
1.Mga pangungusap na padamdam- ito ay
mga pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan
ito ng tandang padamdam (!)
Halimbawa:
1. Naku po, hindi ko maaatim na patayin ang
inosenteng sanggol na ito!
2. Ang sakit malamang ang sariling anak ang
pumaslang sa ama!
3. Wow! Ang gandang laruan niyan!
4. Naku! Nasira ang laruan mo!
2.Maiikling sambitla- ito ay mga
sambitlang iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin.

Halimbawa:
Aray! Awww! Ngek! Uy! Wow!
Naku! Ay! Grabe!
3. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak
na damdamin o emosyon ng isang tao- ito’y
mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi
nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit
nagpapakita naman ng tiyak na damdamin o
emosyon.
Halimbawa:
Kasiyahan:
• napakasayang isipin na may isang bata na namang
isinilang sa mundo.
• Tuwang tuwa si jobet ng bigyan sya ng sapatos ng
kanyang ina.
Pagtataka:
• hindi ko lubos maisip kung bakit ipapatapon ng isang
magulang ang isang walang kamalay-malay na sanggol.
• Bakit hindi sya nagsasawang tumulong sa iba?
Pagkalungkot:
• masakit isiping ang mag-ama pa ang nagharap sa isang
pagtutunggali.
• Umiyak si mama at ang aking pamilya ng na matay si lola.
Pagkagalit:
• hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
• Galit ako sa pagmamalupit ng taong mahihina.
Pagsang-ayon:
• tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang bata.
4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng
damdamin sa hindi tuwirang paraan- ito ay mga
pangungusap na gumagamit ng
matatalinghagang salita sa halip na tuwirang
paraan.
Halimbawa:
• Kumukulo ang dugu ko kapag naiisip ko ang mga
magulang na pinababayaan ang mga anak.
• Kaninang umaga kumukulo na ang dugo ko sa
ginawa ng aking kapitbahay.

Kahulugan ng may salungguhit: Galit na galit.


Maraming salamat sa pakikinig!

Myembro ng ikalimang pangkat


1. Khayerun Joy S. Cervantes
2. Ressel P. Breva
3. Rey Jane Dulfo
4. Ivan Earl L. Baura

You might also like