You are on page 1of 2

Paraan ng pagpapahayag ng diyalogo saloobin o damdamin

sa tekstong naratibo
1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)
Halimbawa:
 Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
 Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!
2. Maiikling Sambitla – Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
 Aray! Nasugatan ako ng patalim.
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang
Tao
– Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding
damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa:
Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng isang magulang ang isang
walang kamalay-malay na sanggol.
Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa isang pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang bata.
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol.
4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwinrang
Paraan
– Ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na
tuwirang paraan.
Halimbawa:
 Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan
ang mga anak.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo


Ang Creative Non-Fiction•Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang
literary non-fiction o narrative nonfi ction. Ito ay isang bagong genre sa malikhaing
pagsulat na gumagamit ng istilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng
makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon. Iba ito sa peryodismo o teknikal
na pagsulat dahil kahit naghahayag ito ng katotohanan, mahalaga pa rin ang poetika
at literariness ng akda.

Ang Creative Non-Fiction•Ayon kay Barbara Lounsberry sa “The Art of Fact,” ang
apat na katangian ng CNF ay: • Maaaring maidokumento ang paksa at hindi
inimbento ng manunulat; • Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang
kredibilidad ng narasyon; • Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at
kontekstuwalisasyon ng karanasan; at • Mahusay ang panulat o literary prose style,
na nangangahulugang mahalaga ang pagiging malikhain ng manunulat at husay ng
gamit sa wika.

You might also like