You are on page 1of 3

Tekstong Impormatibo

Elemento ng Tekstong Impormatibo


 Layunin ng may-akda
 Pangunahing Ideya
 Pantulong na Kaisipan
 Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
- Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
- Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
- Pagsulat ng mga talasanggunian

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo


1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
2. Pag-uulat Pang-impormasyon
3. Pagpapaliwanag

Tekstong Deskriptibo
Limang Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal
1. Reperensiya – salitang maaaring tumukoy o maging repernsiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap. Maaaring maging Anaphora at Katapora
Anapora – kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy.
Hal. Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
Katapora – kung nauna ang panghalip at malalaman lamang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa ng teksto.
Hal. Siya ang nagbibigay sa akin ng inpirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi.
Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa
kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang
bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
2. Substitusyon – paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Hal. Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
3. Ellipsis – may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap.
Hal. Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
4. Pang-ugnay – paggamit ng at
Hal. Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay
dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal – mabibisang salitang ginagamit sa teksto
Dalawang Uri
a. Reiterasyon – pag-uulit ng ilang beses
Tatlong Uri ng Reiterasyon
Pag-uulit o Repetisyon
Hal. Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
Pag-iisisa
Hal. Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw,
kalabasa, at ampalaya.
Pagbibigay-kahulugan
Hal. Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap
sila kaya pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-
kainan.
b. Kolokasyon – mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan
sa isa’t isa.
Hal. Nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga – timog
Ilang Tekstong Deskriptibo
Paglalarawan sa Tauhan
Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
- Pagsasaad ng aktuwal na nararanasan ng tauhan
- Paggamit ng diyalogo o iniisip
- Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
- Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita.
Paglalarawan sa Tagpuan
Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay

Tekstong Naratibo
Mga Katangian ng Tekstong Naratibo
May Iba’t Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa Tekstong Naratibo
1. Unang Panauhan – ako
2. Ikalawang Panauhan – ka o ikaw
3. Ikatlong Panauhan – siya
Maladiyos na panauhan – lahat ng galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan
Limitadong panauhan – isa lamang ang nababatid niyang kaisipan at kilos
Tagapag-obserbang panauhan – ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan ay hindi
niya napapasok.
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo


1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
2. Di direkta o di tuwirang pagpapahayag

Element ng Tekstong Naratibo


1. Tauhan
a. Pangunahing Tauhan
b. Katunggaling Tauhan
c. Kasamang Tauhan
d. Ang May-akda

E.M. Foster, dalawang uri ng Tauhan


a. Tauhang Bilog (Round Character) – isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad.
b. Tauhang Lapad (Flat Character) – ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang
madaling matukoy o predictable.

2. Tagpuan at Panahon
3. Banghay
a. Analepsis (Flashback)
b. Prolepsis (Flash-forward)
c. Ellipsis – puwang o patlang sa pagkasunod-sunod
4. Paksa o Tema

Tekstong Persuweysib
Tatlong Paraan ng panghihikayat o pangungumbinse
a. Ethos – kredebilidad ng isang manunulat
b. Pathos – emosyon o damdamin
c. Logos – lohika
Tekstong Argumentatibo
Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo.
2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa
pagpanig dito.
3. Mangalap ng ebidensiya.
4. Gumawa ng burador (draft)
5. Isulat ang draft ng iyong tekstong argumentatibo.
6. Basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa wika at mekaniks.
7. Muling isulat ang iyong teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang magiging pinal na kopya.

Pagkakaiba ng Tekstong Argumentatibo sa Tekstong Persuweysib


Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib
 Nangungumbinsi batay sa datos o  Nangungumbinsi batay sa opinion
impormasyon  Nakahihikayat sa pamamagitan ng
 Nakahihikayat dahil sa merito ng mga pagpukaw ng emosyon ng mambabasa at
ebidensiya pagpokus sa kredibilidad ng may-akda
 Obhetibo  Subhetibo

You might also like