You are on page 1of 29

Tekstong

Deskriptibo
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Nakasusuri ng mga materyales o tekstong


deskriptibo ayon sa kaugnayan ng mga ito sa
sarili, pamilya at lipunan.
• Nakakakilala ng pagkakaiba ng masining at
karaniwang paglalarawan.
• Nakasusulat ng tekstong ginagamitan ng
tayutay.
• Nakakasulat ng mga cohesive devises sa pagsulat
ng deskriptibong sanaysay.
Ano ang Tekstong
Deskriptibo?
• Ito ay may layuning ilarawan ang mga
katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar
tao, ideya, paniniwala, at iba pa.
• Ang paggamit ng paglalarawan sa mga
teksto ay ginagamit upang magbigay ng
karagdagang detalye at tumatak sa isipan
ng mambabasa ang isang karanasan o
imahe ng paksang tinatalakay.
Mga halimbawa ng sulatin o
akdang pampanitikan na
naglalaman ng tekstong
deskriptibo
• mga akdang
pampanitikan
• talaarawan
• talambuhay
• polyetong
panturismo
• suring-basa
• obserbasyon
• sanaysay
• Rebyu ng
pelikula
Karaniwang Paglalarawan

• Sa karaniwang paglalarawan, tahasang


inilalarawan ang paksa sa pamamagitan
ng pagbanggit sa mga katangian nito
gamit ng mga pang-uri at pang-abay.
Karaniwang Paglalarawan
Masining na Paglalarawan

• Malikhain ang paggamit ng wika upang


makabuo ng kongkretong imahe
tungkol sa inilalarawan.
• Tinatangka nitong ipakita, iparinig,
ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang
bagay, karanasan, o pangyayari
Masining na Paglalarawan

• Ang masining na paggamit ng wika ay


nagagawa sa tulong ng mga tayutay
upang ihambing ang paksa sa isang
bagay na mas malapit sa karanasan o
alaala ng mambabasa.
Paraan ng Paglalarawan
• Ano ang paksang inilalarawan sa teksto?
• Paano ito inilalarawan?
• Anong uri ng paglalarawan ang
ginagamit? Ito ba ay payak o masining na
paglalarawan?
• Anong katangian ng paksa ang
binibigyang –diin sa paglalarawan?
Paggamit ng Tayutay
A. Ang Simili o Pagtutulad
Ito ay tumutukoy sa paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay, tao, o
pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang
tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis,
kapara at katulad.
Paggamit ng Tayutay
A. Ang Simili o Pagtutulad
Halimbawa:
1. Kasingningning ng mga bituin ang
iyong mga mata.
2. Ang bawat hakbang ng iyong mga
paa ay parang isang higante.
B. Metapora o Pagwawangis
Tumutukoy sa tuwirang paghahambing
kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga
salitang naghahayag ng pagkakatulad.
Halimbawa:
1. Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa
tahanan.
2. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato
sa aking dibdib.
C. Hyperboli o Pagmamalabis
Tumutukoy sa eksaherado o sobrang
paglalarawan kung kaya hindi literal ang
pagpapakahulugan.

1. Pasan ko ang daigdig sa dami ng aking


problemang hinaharap
2. Nagdurugo ang aking utak sa hirap ng
pagsusulit na ito.
D. Ang Onomatopeya o Paghihimig
Tumutukoy sa paggamit ng salitang may
pagkakatulad sa tunog ng bagay na
inilalarawan nito.

1. Malakas ang dagundong ng kulog.


2. Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan.
D. Ang Personipikasyon
Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at
katangian ng tao sa mga karaniwang bagay.
Pinakikilos ang mga ito sa tulong ng pandiwa

1. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.


COHESIVE DEVICES
Kailangan ang cohesive devices sa
pagsusulat ng tesktong deskriptibo upang
maging mahusay at malinaw ang
pagkakahabi nito.
MGA COHESIVE DEVICES:
1. REPERENSIYA (Reference)
a. Anapora b. Katapora
2. Substitusyon ( Substitusyon)
3. Ellipsis
4. Pang-ugnay
5. Kohesyong Leksikal
a. Reiterasyon
b. Kolokasyon
MGA COHESIVE DEVICES:
1. REPERENSIYA (Reference)
a. Anapora b. Katapora
2. Substitusyon ( Substitusyon)
3. Ellipsis
4. Pang-ugnay
5. Kohesyong Leksikal
a. Reiterasyon
b. Kolokasyon
MGA COHESIVE DEVICES:
1. REPERENSIYA (Reference)
A. Anapora
• tumutukoy ito sa mga salitang maaring magsisilbing
reperensya sa paksang pinag-uusapan sa pangungusap o
pahayag.
• Kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino o
ano ang tinutukoy

Hal. Tablet ang gusto kong bilihin.


Makakatulong ito sa aking online class.
MGA COHESIVE DEVICES:
1. REPERENSIYA (Reference)
B. Katapora
Malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kung
magpapatuloy sa pagbabasa dahil nauuna ang
panghalip kapag ginagamit ito.

Hal. Nagbigay ito sa akin ng sakit. Marami rin ang


nawalan ng trabaho dahil dito. Ito rin ang kumitil ng
buhay ng maraming frontliners. Kailan kaya natin
masusugpo ang virus na Covid -19?
MGA COHESIVE DEVICES:
2. Substitusyon (Substitution)
Ang substitusyon ay paggamit ng
salitang ipapalit sa halip na muling ulitin
ang salita.

Hal. Masarap ang Milktea sa panahon ng tag-init. Gusto


ko ng inuming ito na may kasamang wintermelon.
MGA COHESIVE DEVICES:
3. Ellipsis
May binabago na pangungusap subalit
inaasahang maintindihan at magiging malinaw pa rin sa
mga mambabasa ang pangungusap dahil
makakatulong ang naunang pahayag para matukoy ang
nais ipahiwatig ng nawawalang salita.

Hal. Pumitas si Mae ng tatlong manga, Si Beth naman


ay dalawa.
MGA COHESIVE DEVICES:
4. Pang-ugnay
Nauunawaan ng mambabasa ang
relasyon sa pagitan ng pag-uugnay.
Hal. Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para
sa kanilang mga anak at ang mga anak ay dapat
magbalik ng kanilang pagmamahal sa kanilang mga
magulang.
MGA COHESIVE DEVICES
5. Kohesyong Leksikal
Mabisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ng
kohesiyon.

Maiuuri ito sa dalawa:


a. Reiterasyon-kung ang ginagawa o sinasabi ay inuulit ng
ilang beses.
A.1 Repitisyon A.2. Pag-iisa-isa A.3. Pagbibigay kahulugan
b. Kolokasyon- -mga salitang karaniwang ginagamit nang
magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa. Kaya’t kapag
nababanggit ang isa ay naiisip ang isa.
Hal. nanay-tatay, doktor-pasyente, karayom-sinulid

You might also like