You are on page 1of 24

TEKSTONG DESKRIPTIBO:

MAKULAY NA PAGLALARAWAN
TEKSTONG DESKRIPTIBO

❖ Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay,


tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.

❖ Nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na


maglarawan.

❖ Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng


matingkad at detalyadong imahen na
makapupukaw sa isip at damdamin ng mga
mambabasa.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

❖ Ito ay maihahalintulad sa isang larawan ipininta o


iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay
parang nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

❖ Masining na Paglalarawan - hindi maiiwasan na


nakabatay ito sa persepsyon o sariling
interpretasyon ng manunulat.

❖ Kalimitan nakasalig ito sa emosyon at


ginagamitan ng matatalinghagang pahayag
kagaya ng tayutay o idyoma.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

❖ Karaniwang Paglalarawan – sa paglalarawang ito


ay ginagamitan lamang ng mga karaniwang
pananalita at tinitiyak o pinanatili ang pagiging
obhektibo nito o walang kinikilingan.

❖ Ito ay ginagamit sa mga sulating pormal o pang-


akademiko.

❖ Tanging mga payak at tiyak na salita lamang ang


ginagamit sa karaniwang paglalarawan.
KATANGIAN NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw


at pangunahing impresyon na nilikha sa mga
mambabasa.

2. Ang tekstong naratibo ay maaaring maging


obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay
ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng
iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan.
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Obhetibong Paglalarawan – mga direktang


pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di
mapasusubalian.

Suhetibong Paglalarawan – maaaring kapalooban


ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman
ng personal na persepsyon o kung ano ang
nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging


espesipiko at maglaman ng mga kongkretong
detalye.

❖ Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at


iparamdam sa mambabasa ang bagay o
anumang paksa na inilalarawan.
MGA DAPAT TANDAAN SA
MALINAW NA PAGLALARAWAN
MGA DAPAT TANDAAN SA MALINAW NA PAGLALARAWAN

1. LUBOS NA KAALAMAN SA PAKSA

a. Tao / Tauhan

b. Pangyayari

c. Pook / Tagpuan

d. Mahalagang Bagay

e. Damdamin / Emosyon
MGA DAPAT TANDAAN SA MALINAW NA PAGLALARAWAN

2. MAAYOS NA DALOY NG MGA IDEA

❖ Ilarawan muna ang pangunahing katangian bago


banggitin ang mga espesipiko o karagdagang
detalye.

❖ Tandaan din na ang bawat manunulat ay may


kani-kaniyang pamamaraan o estilo ng
paglalahad ng idea.
MGA DAPAT TANDAAN SA MALINAW NA PAGLALARAWAN

3. PAGBANGGIT SA KATANGIANG KAKAIBA

❖ Nakakapagpatingkad ito sa katangian ng


inilalarawan.

❖ Magkakatulad man ang lahat ng nilalang, may


isang bagay na nagpapaiba sa kaniya sa lahat.

❖ Nangangailangan ito ng masusing pagsisiyasat,


pagmamasid at pagsusuri.
MGA DAPAT TANDAAN SA MALINAW NA PAGLALARAWAN

4. PAGGAMIT NG WASTONG ALITUNTUNIN SA BALARILA

a. Paggamit ng wastong salita

b. Pang-uri

c. Pang-abay
COHESIVE DEVICES O
KOHESYONG GRAMATIKAL
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

❖ Ang mga teksto ay hindi lang basta bnubuo ng


magkakaugnay na mga kaisipan kaya’t
kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng
kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan
at kahulugan ng bawat bahagi.
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

1. Reperensiya (Reference)

- Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring


tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap.
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

❖ Anapora – Ito ang panghalip na ginagamit


matapos banggitin ang pangalan ng paksang
pinatutungkulan.

- Karaniwang ginagamit bilang panimula ng


ikalawa o mga susunod pang pangungusap.

❖ Katapora – Ito ay ang panghalip na ginagamit


bago pa man banggitin ang paksang
pinatutungkulan.
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

2. Substitusyon (Substitution)

- Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na


muling ulitin ang salita.

Hal: Nawala ko ang aklat mo. Ibili na lang kita ng


bago.
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

3. Ellipsis
- May binabawas na bahagi ng pangungusap
subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang
pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.

Hal: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y


tatlo.
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

4. Pang-ugnay

- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa


pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala
at pangungusap sa pangungusap.

Hal: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo


para sa mga anak at ang mga anak naman ay
dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga
magulang.
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

5. Kohesyong Leksikal

- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang


magkaroon ito ng kohesyon.

- Nahahati ito sa dalawa ang reiterasyon at


kolokasyon.
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

a. Reiterasyon – kung ang ginagawa o sinasabi ay


nauulit nanag ilang beses.

3 Uri:

1. Pag-uulit o Repetisyon
2. Pag-iisa-isa
3. Pagbibigay-kahulugan
COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL

5. Kolokasyon – mga salitang karaniwang


nagagamit ng magkaparehas o may kaugnayan
sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay
naiisip din ang isa.

- maaaring magkapareha o maaari ding


magkasalungat.

Hal: nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilaga-timog

You might also like