You are on page 1of 15

Tekstong

Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
 nakikilala mo ang mga tekstong nasa uring
deskriptibo;
 nabubuo mo ang halimbawang pangungusap na
nagtataglay ng katangian ng tekstong deskriptibo;
 nasusuri mo ang mga pahayag sa bawat uri ng
tekstong deskriptibo; at
 Nailalahad mo ang pagkakaiba ng dalawang anyo
ng tekstong deskriptibo.
Tekstong Deskriptibo
Ano ang tekstong deskriptibo?
Ano ang katangian ng tekstong
deskriptibo?
Pag-aralan Natin!
Tekstong Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay isang
tekstong naglalarawan. Ito ay
naglalaman ng mga impormasyong
may kaugnayan sa mga katangian ng
tao, bagay, lugar, at pangyayaring
madalas nasasaksihan ng tao sa
paligid.
Tekstong Deskriptibo
Mga Halimbawa ng
Paglalarawan
Paglalarawan sa Katangian ng Tao:
 Ang Pilipino ay matitiyaga sa anumang trabahong
ginagawa.
 Ang kabataan sa kasalukuyan ay mahuhusay sa
larangan ng teknolohiya.
 
Paglalarawan sa Bagay:
 Ang mga produktong gawa ng mga Pilipino
ay magaganda at matitibay.
 Ang kanilang bahay ay yari sa naglalakihang
kahoy na may kakaibang disenyo.
Mga Halimbawa ng
Paglalarawan
Paglalarawan sa Lugar:
 Dahil sa likas na yaman ng Pilipinas ay tinawag itong
“Perlas ng Silanganan.”
 Isa ang siyudad ng Baguio sa may pinakamalalamig na
klima sa bansa.

Paglalarawan sa Pangyayari:
 Naging mapaminsala ang nagdaang bagyo dahilan upang
mawalan ng bahay ang maraming pamilya
 Umaasa ang lahat na magiging mapayapa ang darating na
eleksiyon.
Dalawang Uri ng Tekstong
Deskriptibo
Deskripsiyong Teknikal
 Naglalayon itong maglarawan sa detalyadong
pamamaraan.

Halimbawa:
 Ang ngiting matipid ay bahagya lamang ang
ginagawang pagkibot ng bibig.
 Ang ngiting mapagbigay ay laging nakangiti.
Dalawang Uri ng Tekstong
Deskriptibo
Deskripsiyong Impresyonistiko
 Naglalayon itong maglarawan ayon sa pansariling
pananaw o personal na saloobin.

Halimbawa:
 Ang matamis na ngiti ay maaaring maghatid ng
kasiyahan at maging simula ng magandang
pagkakaibigan.
 Ang pagngiti ay nakatutulong upang magmukha
kang bata.
Dalawang Anyo ng Tekstong
Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay may dalawang anyong
ginagamit. Ito ay ang karaniwan at masining.
Dalawang Anyo ng Tekstong
Deskriptibo
Karaniwan
 Ito ay isang paglalarawang hindi sangkot ang
damdamin. Sa ganitong anyo, ang paglalarawan
ay ayon sa nakikita ng mata.

Halimbawa:
 Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang
napaliligiran ng mga karagatan.
Paliwanag:
 Obhetibo ang paraan ng paglalarawan dahil wala
itong sangkot na damdamin.
Dalawang Anyo ng Tekstong
Deskriptibo
Masining
 Ito ay isang paglalarawang naglalaman ng damdamin at
pananaw ng taong naglalarawan. Naglalayon itong
pukawin ang guniguni ng mambabasa.

Halimbawa:
 Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag habang pasan ang
kaniyang anak na maputla pa ang kulay sa isang papel.

Paliwanag:
 Subhetibo ang paglalarawan dahil naglalaman ng damdamin
at pananaw.
Tekstong Deskriptibo
Mga Paalala
 Ang teknikal na paglalarawan ay detalyado ang
paraan ng paglalarawan.
 Ang impresyonistiko na paglalarawan ay naglalaman
ng saloobin ng manunulat.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang tekstong deskriptibo ay naglalarawan ng tao,
bagay, lugar at pangyayari.
 Ang dalawang uri nito ay teknikal at impresyonistiko.
 Karaniwan at masining naman na paglalarawan ang
dalawang anyo nito.

You might also like