You are on page 1of 3

Uri ng teksto: Deskriptibo

Ang pangalawang uri ng teksto ay ang Deskriptibo. Ang tesktong deskriptibo ay isang tesktong
naglalarawan. Ito ay naglalaman ng mga impormasyong may kaugnayan sa mga katangian ng
tao bagay at lugar, at pangyayarihang madalas nasasaksihan ng tao sa paligid.

Mga halimbawa ng paglalarawan:

Paglalarawan sa Katangian ng tao:

 Ang Pilipino ay matitiyaga sa anumang trabahong ginagawa.


 Ang kabataan sa kasalukuyan ay mahuhusay sa larangan ng teknolohiya.

Paglalarawan sa Bagay:

 Ang mga produktong gawa ng mga Pilipino ay magaganda at matitibay.


 Ang kanilang bahay ay yari sa naglalakihang kahoy na may kakaibang disenyo.

Paglalarawan sa lugar:

 Dahil sa likas na yaman ng Pilipinas ay tinawag itong “Perlas ng Silinganan.”


 Isa ang siyudad ng Baguio sa may pinakamamalamig na klima sa bansa.

Paglalarawan sa Pangyayari:

 Naging mapaminsala ang nagdaang bagyo dahilan upang mawalan ng bahay ang
maraming pamilya.
 Umaasa ang lahat na magiging mapayapa ang darating na eleksiyon.

Ang tekstong deskriptibo ay may dalawang Uri: teknikal at impresyonistiko. Ang teknikal ay
naglalayong maglarawan sa detalyadong pamamaraan.

Halimbawa:

 Ang aso namatay ng dahil nasagasaan ng malaking truck.


 Ang ngiting mapagbigay ay laging nakangiti.
Samantala ang impersyonistiko naman ay naglalayon na maglarawan sa pamamagitan nag
sariling pananaw, opinyon o saloobin.

Halimbawa:

 Ang pag-iyak ng bata ay maaring sanhi ng pagpalo sa kanyang ina.


 Ang pagngiti ay nakatutulong upang magmukha kang bata.

Bukod dito and tesktong deskriptibo ay may dalawang anyong ginagamit. Una ang
Karaniwan. Ito ay isang uri ng paglalarawan na hindi sangkot ang damdamin ngunit sa
pamamagitan sa nakikita ng mata.

Halimbawa:

 Isa sa mga nilulutong pagkain pagdating ng pasko ay ang abodo. (Ang halimbawa na
aking nasabi ay isang karaniwan dahil walang damdamin na sagot.)
 Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang napapaligiran ng mga karagatan.

Paliwanag:

Ang halimbawa na aking nasabi ay isang karaniwan dahil walang damdamin na sagot o
obhetibo.

Pangalawa, ang Masining ito ay isang paglalarawang naglalaman ng damdamin at pananaw


ng taong naglalarawan. Naglalayon itong pukawin ang kuro-kuro ng mambabasa.

Halimbawa:

 Ang pagkamatay ng kanyang anak ay isa sa pinakamasakit na nagyari sa kanyang


buhay.
 Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag habang pasan ang kaniyang anak na maputla
pa ang kulay sa isang papel.

Paliwanag;

Subhetibo ang paglalarawan dahil naglalaman ng damdamin at pananaw.

Mga Palala

 Ang teknikal na paglalarawan ay detalyado ang paraan ng paglalarawan.


 Ang impresyonistiko na paglalarawan ay naglalaman ng saloobin ng manunulat.

You might also like