You are on page 1of 11

PAGSUSURI

NG SANAYSAY
Sanaysay-Ito ay isang sulatin na kung saan
kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o
opinyon ng isang awtor o may-akda tungkol sa isang
paksa o isyu. Sa pamamagitan nito,naipahahayag ng
may- akda ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa. Ito rin ay isang uri ng
pakikipagkomunikasyon na ang layunin ay
maipabatid ang saloobin sa isang paksa o isyu. Ang
Ingles na salin nito ay essay.
May dalawang uri ito:

Pormal at Di-Pormal

a.Pormal – Ang tinatalakay ng uring ito ay ang mga seryosong mga


paksa na nagtataglay ng masusi at masusuring pananaliksik ng
taong sumulat. Ito ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon ukol
sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang halimbawa nito
ay ang pahayagang editoryal.
b.Di-Pormal – Tumatalakay naman ito sa mga topikong karaniwan,
personal, at pang araw-araw na kasiya-siya o mapang-aliw para sa
mga mambabasa. Binibigyang-diin nito ang mga bagay-bagay at
karanasan ng may-akda sa isang paksa kung saan maipakita niya
ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap siya sa isang
kaibigan.
Mga Bahagi:
1.Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga na bahagi
dahil ito ang inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa ang
kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang
atensyon at damdamin ng mambabasa.
2.Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa
ang mga mahahalagang puntos o ideya ukol sa paksang pinili
at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong
puntos dahil ipinapaliwanag nang maayos at mabuti ang
paksang pinag-uusapan o binibigyang- pansin.
3.Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng may-akda ang paksang
nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. Dito rin
naghahamon ang may-akda sa isip ng mga mambabasa na
maisakatuparan ang mga isyung tinalakay niya.
BALANGKAS/PORMAT SA PAGSUSURI NG SANAYSAY:
I.BANGHAY
A.Panimula
B.Katawan
C.Wakas
II.PAGSUSURING PANGNILALAMAN
A.Paksa/Tema
B.Uri ng Teorya
C.Uri ng Sanaysay
D.Anyo at Estruktura
E.Wika at Estilo
III.PAGSUSURING PANGKAISIPAN
A.Pahiwatig/Kahulugan
B.Mga Aral / Implikasyon
HALIMBAWA NG SANAYSAY NA SINURI:
“ANG NINGNING AT ANG LIWANAG,”ni Emilio Jacinto
I.BANGHAY
A.Panimula
Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata,
upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy
na sikat ng araw ay maningning ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Angningning
ay madaya.
B.Katawan
Tayo’y huwag mabighani sa mga bagay na maningning kundi hanapin natinang liwanag na siyang
makapagbibigay ng tunay na liwanag sa atin.Maaaring ang isang bagay o tao na nababalutan ng
maningning aynagtataglay ng tinatagong isang pusong sukluban. Nagdaraan ang isangmaralita na
nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo’y mapapangiti at isasaloob:saan kay ninakaw? Datapwa’y maliwanag
nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag
at kapagalang tunay. Sa ating pag-uugali’t nakasanayan ay mas sinasamba ang ningning kaysa liwanag
na siyang dahilan upang ang tao at ang bayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita. Ang mga pinuno na
nagpupumilit lumitaw na maningning kung kaya’t nagiging sakim.
C. Wakas
Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng
mga matang mapagmalas ang kanilang kapangitan,ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay
hubad, mahinhin, at maliwanag na napatanaw sa paningin.
II.PAGSUSURING PANGNILALAMAN
A.Paksa/Tema
Ang naging paksa o tema ng akdang “Ang Ningning
at Ang Liwanag Emilio Jacinto" ay kung ano ang
pagkakaiba ng ningning at ng liwanag.

B.Uri ng Teorya
Teoryang Realismo ang ginamit sapagkat ito ay
mayroong layunin na magsalaysay o magsaad ng mga
totoong pangyayari sa buhay. Ito ay salamin ng realidad na
may mga taong niyayakap ang ningning kaysa
liwanag.Nasisilaw tayo sa mga bagay na kumikinang na
hindi tinitingnan ang tunay na anyo nito.
C.Uri ng Sanaysay
Ito ay isang pormal na sanaysay dahil
masusing pinag-aralan ng manunulat ang kaniyang
paksa.
D.Anyo at Estruktura
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga
ideya o pangyayari sa sanaysay na nakatutulong sa
mambabasa upang maunawaan ito.
E.Wika at Estilo
Gumamit ng mga piling salita,natural, at
matapat na pahayag ang may-akda upang maging
makatotohanan ang kanyang pagsasalaysay.
III.PAGSUSURING PANGKAISIPAN

A.Pahiwatig/Kahulugan
Ang kaliluhan at ang katalampasanan ay humahanap ng
ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal
ang kanilang kapangitan.

B.Mga Aral /Implikasyon

“Huwag tayong magpapasilaw sa liwanag ng ningning dahil ito ang


magdadala sa atin sa kasamaan kundi maniwala tayo sa liwanag
dahil ito ang magdadala sa atin sa katotohanan .“

“Dapat huwag agad tayong mabighani sa isang bagay na hindi


naman natin alam kung ano ito.”
MGA SANGGUNIAN:

https://philnews.ph/2019/07/16/sanaysay-kahulugan-uri-bahagi/
https://alyssanicole27.weebly.com/sanaysay/ang-ningning-at-ang-
liwanag-emilio-jacinto
https://www.scribd.com/document/495024956/Mungkahing-
Balangkas-ng-Pagsusuri-Sanaysay
https://www.academia.edu/13027039/
BALANGKAS_NG_PAGSUSURI_NG_SANAYSAY_NI_MARY_FLOR_BUR
AC
https://dokumen.tips/documents/sanaysay-pagsusuri.html
https://www.facebook.com/1605247909764495/posts/ano-ang-
pangunahing-kaisipan-ng-binasang-sanaysay-na-ang-ningning-at-
ang-liwanag/1773241116298506/
MARAMING SALAMAT PO SA PAKIKINIG!

You might also like