Professional Documents
Culture Documents
Ang sanaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal kung ito'y
maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham
at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.
Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita
kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan
ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng
may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.
3. Maging bukas sa mga pagbabago o puna. Ang kahingiang ito ay isang tatak ng
pagiging mahusay na manunulat. Bigotry ang tawag doon sa ayawa tumanggap ng
puna at posibilidad ng pagbabago sa pagtingin man o sa sinisiyasat, inihaharap na
sanaysay.
Ito’y malalagom gamit ang katagang MASIGABU, na tulad ng
masigabo ang palakpak sa isang sanaysay kung ito ay (Santiago,
2006):
Ang Dagli
Ano ba ang dagli? Para kay Agoncillo, ang dagli ay sumulpot noong 1902
sa pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K.
Santos at namayani hanggang 1930. Maikli ang dagli, “hindi lalampas sa tatlong
papel” pero “hindi taal na maikling kwento”. Tila ang pinupunto ni Agoncillo ay ang
mababang katangian ng dagli sa usapin ng kasiningan, dahil ito’y pumapaksa “sa
tahasang nanunuligsa, lantarang pangangaral, karanasan sa pag-ibig at mga akdang
inihahandog sa mga paraluman.” Masalita ang mga dagli, na nagbigay-kongklusyon
para kay Agoncillo na isipin na bahagi lamang ito ng natural na ebolusyon tungo sa
“taal na maikling kwento.” Batay sa mga konteksto ng dagli, ito ang mga katangian ito
ay ang mga sumusunod (Tolentino at Atienza, 2007):
1. Maikli dahil nakabatay sa domestiko at politikal na
realidad; kinakailangang makaagapay, para rin sa mas
sustenidong interes sa pagbabasa at pakikinig.
2. Temporal o may panahon lamang ang halaga, kadalasan
sa kagyat na panahong may mainit na balita mula sunog
hanggang sa mga patakaran ng Amerikanong opisyal.
3. Kinathang realidad, bilang subersyon sa matinding
sensura sa panahon; gayunpaman, may mimetikong
katangian pa rin sa kaganapan kahit pa parodya ang marami
sa mga dagli.
4. Gumagamit ng mga editoryal na interbensyon sa pagsulat.
Binibigyang direksyon tungo sa papuri (kung romantikong dagli) o
panlalait (makabayan); may target itong layunin sa pagkakasulat,
kadalasan ay pagdadambana sa napupusuan o kritisismo sa
kapaligiran; masasabi na madiskurso ang dagli dahil sa paghalaw nito
ng mga iba’t ibang bagay sa puntong nais ipaliwanag; nabibigyang-
diin ang manunulat bilang panlipunang kritiko.
5. Partisano, may kinikilingan, kadalasan, pag-ibig ng lalakeng may-
akda sa babae o ang tapat sa sarili sa nagbabagong kaayusan.
6. Moderno sa reperensiyang ginagamit at sa wika. Ikinatutuwa ng
mga lingguwista at ikalulungkot ng mga purista sa wika.
Ang Maikling Kuwento
Ayon kay Reynaldo Duque (2004), ang maikling kuwento ay may mga mahahalagang
sangkap upang masabing ang isang akda ay maikling kuwento. Ang mga mahahalagang
sangkap ay ang mga sumusunod:
a. Panimulang Galaw: Dito na nakasalalay ang interes ng mambabasa kung ito ba’y
kailangang pagbuhusan ng panahon na basahin. Dapat na ang panimula ng maikling
kuwento ay nakapagbibigay agad ng hikayat sa tao upang maging kawili-wiling basahin at
matiyak na tatapusin ng mambabasa na basahin ang kuwento.
Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng maikling kuwento (Duque, 2004):
5. Kuwento ng Katutubong Kulay (story of local color) – ang binibigyang diin ng manunulat
sa ganitong uri ng kuwento ay ang tagpuan, kaugalian, paniniwala at gawi ng mga tao sa isang
tiyak na pook, gayundin ang pananalita o ginagamit na wika.
Ang dula ayon sa batikang manunulat na si Rene O. Villanueva (2006) ay “Isang anyo
ng malikhaing pahayag.” Ibig sabihin, sumusulat tayo ng dula para magpahayag; o dahil may
ibig tayong sabihin. Hindi kinakailangang mahalaga, dakila, napapanahon o monumental ang
gusto nating sabihin. Ang mahalaga, malinaw sa atin na meron tayong gustong sabihin, ano
man iyon. Sa dula ang pangunahing kailangan ay aksyon at usapan.
2. Banghay (Plot) – ito ang estruktura o kabuuan ng mga pangyayari sa dula; ang kabuuan ng
pagkilos ng isang tauhan mula simula hanggang katapusan ng dula.
3. Tema (Theme) – ito ay may kaugnayan din sa pahayag (kaya napakaimportante ng gusting
sabihin sa dula!) pero ispesipiko at mas tiyak ang anyo kaysa pahayag. ang tema ay maaaring moral
lesson, premise o insight.
a. Ang tema bilang moral lesson ay may kinalaman sa paghuhusga sa gawi, ugali, o halagahan:
maaaring tama o mali o tamang ugali o halagahan.
b. Ang premise naman ay isang kaisipang kailangang patotohanan ng mga pangyayari sa dula.
Hindi kailangang patotohanan ay isang katotohanang unibersal. Ang dula mismo ang magpapatotoo
sa piniling premise.
c. Ang insight ay isang kagyat na pagkatanto tungkol sa isang pangyayari o tauhan.
Iba pang sangkap ng dula ayon sa websayt na wikipilipinas.org:
MARAMING SALAMAT