You are on page 1of 11

ANG SANAYSAY

Katuturan, Uri, Layunin


at Katangian
Katuturan
O Ang sanaysay ang isang anyo ng panitikan na
ipinahahayag sa isang paraang tahas ngunit masining.

O Tahas- sapagkat ang inilalahad dito ng manunulat ay


ang kanyang kaisipan, pala-palagay, at damdamin
hango sa personal niyang karanasan kundi man ayon
sa iniisip niyang katotohanan.

O Ang sanaysay ay “essay” sa Ingles, na hango sa Latin ay


nangangahulugan ng “to try out” o subuk-subuking
ihayag ang mga ideya sa isang masining na paraan.
O Nagmula ito sa mga pariralang pagsasalaysay ng isang
sanay sa pagsasalaysay o paglalahad g mga pangyayari o
karanasang may kaugnayan sa kronolohikal na paraan.

O Laging sangkap nito ang mga impormasyon at


detalyeng sasagot sa mga katanungang sino, saan,
kailan, at ano.

O Ang sanaysay ay itinuturing na isang makabagong


anyo.

O Nasa pagtingin, pag-unawa, at pagdama ng manunulat


sa kanyang mundo ang kahalagahan at kabuluhan ng
anyong sanaysay.
Uri ng Sanaysay
O Pormal- tinatawag ding impersonal,ang sanaysay
kung ito ay maimpormasyon-naghahatid o
nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman
sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw
ng pinakapiling paksang tinatalakay.

O Maanyo rin ito kung turingan sapagkat mahigpit


itong pinag-aaralan.

O Maingat na pinipili ang pananalita kaya mabigat


basahin.
O Ito din ay pampanitikan kasi makahulugan,
matalinghaga, at matayutay.

O Mapitagan ang tono dahil bukod sa


ikatlong panauhan ang pananaw ay
obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng
may-akda.

O Ang modo nito ay seryoso, paintelektuwal,


walang halong pagbibiro.
O Pamilyar- o palagayan naman kung ito ay
mapang-aliw– nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
paksaing karaniwan, pang-araw-araw at
personal.

O Ang pananalita ay parang kombersasyunal


lamang, parang nagkukwentuhan lamang
ang magkaibigan– ang may-akda ang
tagapagsalita at ang mambabasa ang
tagapakinig.
Layunin ng Sanaysay
O Ang dalawang uri ng sanaysay ay panlahat
na pahayag ay parehong naglalayong
magbigay-kaalaman at magdulot ng aliw.

O Ang tanging pagkakaiba ay nasa prayoridad


din ng bawat uri.
O Pormal na sanaysay ay nagnanasang
magpaliwanag, maghikayat, at magturo
tungo sa pangkaunlarang-isip, moral at
hilagyo ng mga mambabasa.

O Ang pamilyar na sanaysay ay nagmimithi


ng ganyak, magpatawa, o kaya ay manudyo
o magsilbing salamin sa lahat ng mga
saloobin at kondisyong pansikolohikal ng
mga mambabasa.
Mga Katangiang Dapat Taglayin
ng isang Mananaysay
1. Mabilis mag-isip
2. Sensitibo sa kapaligiran
3. May laging tugon at hinuha sa interes ng
buhay, ng tao, at mga bagay-bagay
4. May kakayahang manuklas ng mga bagay-
bagay na hindi nakikita ang panlabas
lamang.
5. Malikhain at orihinal sa isip at damdamin
6. May mapiling panlasa

7. May kalugurang mapagkakatiwalaan

8. May kabatiran sa mga kaalamangmakabago


hinggil sa makataong kapakanan

9. Pamilyar sa mga mabubuting panitikan at


iba pang sining
MARAMING SALAMAT! 

You might also like