You are on page 1of 2

Sanaysay

Kahulugan

Ang sanaysay o essay sa ingles ay nagmula sa salitang Latin na exagium na nanggaling


naman sa pandiwa na exagere na nangangahulugang “gawin, magpaalis,
magtimbang, magbalanse.”

Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon, sa pamamagitan ng inilathalang sulatin ng


Pranses na si Michel Eyquiem de Montaigne na pinamagatang Essais, naitakda ang
kahulugan ng essay ayon sa naging hangarin ng manunulat na maging isang
pagtatangka na makapagpahayag ng mga kuro-kuro at karanasan ang sulatin.

Ang “sanaysay” naman sa Filipino ay salitang likha ni Alejandro G. Abadilla. Pinagsanib


niya ang mga salitang “pagsasalaysay ng isang sanay” o “nakasulat na karanasan ng
isang sanay sa pagsasalaysay.” Ang sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng
karanasan, damdamin, kuro-kuro ng isang manunulat at ito’y inilalahad sa isang
malinaw, lohikal at nakakahikayat na pamamaraan.

Uri ng Sanaysay

▪ Pormal – sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid


ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng mga ideya tungo sa ikalilinaw ng piling paksang tinatalakay. Maanyo rin ito
kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya
mabigat basahin. Pampanitikan kaya makahulugan, matalinhaga, at matayutay.
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di
kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang
halong pagbibiro.

▪ Di-Pormal – Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal.
Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa
kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng
mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan
lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang
tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya
pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat
pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Mga Bahagi

1. Simula / Panimula – Ito ang magsisilbing introduksiyon ng may-akda upang ipakita


at ilahad kung ano ang paksang lalamnin ng kanyang sanaysay. Kinakailangang sa
simula pa lamang ay mapukaw na ang atensyon ng mga mambabasa.

2. Gitna / Katawan – Sa bahaging ito mababasa ang mahahalagang impormasyon


na magiging batayan ng paksa. Mababasa rito ang mga tiyak na punto at ideya
ukol sa paksang tinatalakay ng sanaysay. Dito rin makikita at mababasa ang
pagpapaliwanag nang mas malawak at malalim sa paksang pinili.

3. Wakas – Ang huling bahagi ng sanaysay, inilalahad dito ang buod ng simula at
gitnang bahagi. Mababasa rin dito ang panghahamon ng may-akda sa isip ng mga
mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinalakay sa sanaysay.

Sanggunian: https://philnews.ph/2019/07/16/sanaysay-kahulugan-uri-bahagi/
http://rosiefilipino10.weebly.com/sanaysay.html#/

You might also like