You are on page 1of 4

TUNGKULIN NG WIKA

1. Instrumental
– Ito ay ginagamit upang makuha ng tagapagsalita ang kanyang mga kinakailangan katulad lamang ng materyal
o serbisyo.
Halimbawa:
– Pag-order ng pagkain sa isang restawran
– Pag utos sa kasambahay na kunin ang mga sinampay sa labas

2. Interaksyonal
– Napakahalaga na matuto tayong makiisa o makipagkapwa sa tao dahil araw araw ay may iba’t-ibang tao tayo
na makikila o makakahalubilo.
Halimbawa:
– Pagbati ng magandang umaga sa mga guro sa paaralan
– Pagkwentuhan sa mga bago mong kakilala sa unang araw ng klase

3. Personal
-Ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang kinabibilangan.
Halimbawa:
-Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong
– Pagiging bukas sa mga problema sa sarili

4. Regulatori
-Ang tungkulin ng wika dito ay kumontrol ng kilos, asal, o paniniwala ng ibang tao. Ginagamit rin ito sa
pagimpluwensya ng tagapagsalita sa madla.
Halimbawa:
-Pag-uutos ng tatay sa kanyang anak na lalaki
-Pagsunod sa batas

5. Heuristiko
-Ito ay kadalasang ginagamit sa mga paaralan. Ito ang instrumento upang madagdagan ang kaalaman ng isang
tao.
Halimbawa:
-Pagtanong sa isang guro ukol sa isang paksa na naguguluhan ka
– Pagdalo sa isang seminar

6. Representasyonal
-Wika ang nagsisilbi o ginagamit bilang tsanel ng impormasyon, kaalaman at kamalayan.
Halimbawa:
-Pagbabalita
-Pag-uulat
-Pananaliksik-papel

7. Imahinatibo
– Ang tungkulin ng wika dito ay ang pag likha ng mga kwento, tula, at iba pang mga mga malikhaing ideya.
Halimbawa:
-Pagsulat ng nobela
– Paglikha ng kanta

1
SANAYSAY

Ang sanaysay ang pinakagamitin sa halos lahat ng larangan ng mga mamamayan-pampulitika,


panlipunan, pang-edukasyon, atb.

Ang sanaysay ang laging ginagamit sa pagsagot sa isang bahagi ng pagsusulit, sa pagsulat ng liham,
pag-uulat at pananaliksik, sa paglalahad ng mga kautusan, palibot-liham at alintuintunin.

ANG KAHULUGAN NG SANAYSAY

Sa disyunaryo

-isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa
alinmang akda.

 Michel de Montaigne

-lumikha ng sanaysay
-pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan ang mga kaisipan ay maaaring
makipagtalastasan sa kanino mang mga kaibigan o kakilala.
-Kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay.
February 28, 1933- September 15, 1592 (age 59)

 Alejandro G. Abadilla

-kilalang makata at mananaysay


-ang sanaysay at kuha sa kahulugan ng pasasalaysay na isang sanay o nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
- idinugtong pa niya na walang iniwan sa tulang liriko sa larangan ng panunugma o
pagtula at madalas ay sentido komon at nasa awtor.
March 10, 1906 – August 26, 1969 (age 63)

 Genoveva E. Matute

-premyadong manunulat at mananaysay


-Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay pagtataya sa isang pakasa sa paraang
tuluyan at sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan, kuru-kuro, palgay at ng
kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw, magbibigay kaalaman o magturo.
-idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa na sa mga anyong higot na nagpapaisip,
nagpapalawak ay nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay sa isipa’t
damdamin ng bayan.
January 3, 1915 – March 21, 2009 (age 94)

2
ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY

1580

-nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga palagay at damdamin ni Michel de
Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais.

-sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga
pagsubok at mga pagsisikap ng mga may-akda.

1597

-nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Francis Bacon na naglalaman ng mga saloobin at kaisipang punung-
puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang “ Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Ingles“.

1700

-kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit maraming naghangad na sundan ang mga yapak ni
Bacon. Isa na rito sina:

▪ Sir Thomas Izaak Walton – sumulat ng aklat na pinamagatang The Compleat Angler. Naging paksa niya
ang tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan.
▪ Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y masusi niyang
inilarawan sa Religio Medici at Urn Burial.
▪ John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay kinalugdang basahin ng mga
nag papahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni
Dryden ang An Essay of Dramatics Poesy.

1800

-sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph Addison, Samuel Johnson, Oliver Smith atb.

1900

- patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay.

-bukod sa panitikan at sining naging malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon.

-nanaluktok sa panahong ito ang pangalang John Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew Arnold atb.

SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng
may akda.

Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon,
obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

MGA URI NG SANAYSAY

1. Sulating Pormal o Maanyo

Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito
ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na
maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng
pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat.

3
2. Sulating Di-pormal o Impormal

Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-
kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang
kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao.

BAHAGI NG SANAYSAY

1. Pamagat
• Ang unang salita ng pamagat ay laging nagsisimula sa malaking titik,
Halimbawa:
Ang Pangarap Ko Sa Buhay
Ang Aking Pamilya
• Ito rin ay nilalagay sa gitna
2. Panimula
• Nararapat na nababagay sa paksa at layunin ng akda.
• Maari itong isang katanungan, isang diyagalogo, pangungusap na nakakatawag pansin, isang sipi,
pagsasaad ng punong diwa at matuwid na pagpapaliwanag, paglalahad ng suliranin, pambungad na
salaysay
• Ito ay dapat nakakakuhang atensyon ng bumabasa para basahin ang natitirang bahagi ng sanaysay
3. Katawan
• Dito nakalagay ang iyong mga ideya at pahayag
• Nagsasaad at nagpapaliwanag ng mga kaisipan o ideyang sumusuporta sa pangunahing paksa
4. Wakas o konklusyon
• Binibigyang-diin dito ang kaisipan, pagbibigay solusyon sa isyung tinatalakay
• Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sanaysay
• Dapat nababagay sa haba ng buong talata at dapat makapag-iwan ng kakintalang di agad malilimutan
• Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay

You might also like