You are on page 1of 14

Paunang Gawain/Motibasyon:

Punan ang patlang ng angkop na


mga pahayag/salitang hudyat ng
Simula, Gitna at Wakas upang
mabuo ang akda.Piliin ang sagot na
nakasulat sa ibaba.
ANG PINAGMULAN NG MGA LAHI
wala pang tao sa daigdig, si Bathala ay umisip ng kaparaanan
_______________1.
upang maging mapayapa, masaya at masigla ang daigdig. Ipinasya niyang
lumikha ng mga tao. Isang araw siya ay kumipal ng lupa, inihugis ito at iniluto
sa isang hurno. Pagkahango sa niluto ay napuna niyang ito’y ubod ng itim dahil
sa pagkasunog. Ang kinapal na ito’y siyang pinagmulan ng mga negro natin sa
kasalukuyan. ________2. pagsasalang sa hurno ay nagkaroon ng agam-agam
si Bathala na baka masunog na naman ito kung kaya’t sa labis na pag-aalala ay
hinango agad ang nakasalang. Ang nangyari ay hilaw ang niluto. Ito ang
pinagmulan ng lipi ng mga puti. Samantala, dahil sa kasanayan na ni Bathala sa
paghuhurno, ang ikatlong salang Niya ay naging kasiya-siya sapagkat hustong-
husto sapagkakaluto, hindi sunog at lalung-lalo namang hindi
hilaw____________3. ito ang siyang pinagmulan ng lahing kayumanggi.
 Sanggunian: PANITIKANG KAYUMANGGI, Rosario U. Mag-atas et.al

 Pagpipilian:
sa wakas sa muling noong unang panahon
MGA LAYUNIN o PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 1.Nagagamit nang wasto ang angkop na mga
pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda
(F7WG-IIId-e-14)
 2. Naipapahayag ang kahalagahan ng paksang
tinalakay sa pamamagitan ng paglalahad ng sariling
opinyon at pananaw.
 3. Nakasusulat ng isang sariling sanaysay batay sa
isang napapanahong isyu
ANO ANG SANAYSAY?
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang
nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang
pumapaksa sa mga kaisipan at bagay-bagay
na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng
mga mambabasa.
Ito ay ang pagbibigay ng opinyon sa isang
napapanahong isyu.
Isang akdang pampanitikan na nasa anyong
tuluyan.
Naglalahad ng matalinong kaisipan, mga
pangyayari o damdamin ng may-akda hango sa
kanyang mga karanasan o mga katotohanang
nangyayari sa kanyang kapaligiran.
Alejandro G. Abadilla- ang salitang sanaysay ay
hango sa kaisipang “pagsasalaysay ng isang
sanay”.
Nagiging mabisa, malinaw at kawili-wili ang
paglalahad ng kaisipan, kung may kaisahan,
kaugnayan at diin ang mga salitang ginagamit sa
pagpapahayag.

Ano ang ibig sabihin ng salitang
ESSAYER?
Ito ay nangangahulugang “sumubok o
tangkain”.

Ang ama ng SANAYSAY ay si Michael


Montaigne
2 URI NG SANAYSAY
1.Pormal- Ito ay naghahatid ng
mahahalagang kaisipan o kaalamang inilalahad
sa isang lohikal at masining na paraan.
Maingat at piling pili ang mga salitang
ginagamit sa pagtalakay ng paksa. Sa uring ito
ang manunulat ay seryoso sa pagpapahiwatig
ng kanyang personal na damdamin at
pananaw. Ginagamit ng manunulat ang
ikatlong punto de bista sa pagtalakay.
Tumatalakay sa mga seryosong paksa na
nagtataglay ng masusing pananaliksik ng
sumulat o mamamahayag. Kadalasan ito ay
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang
tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang tono nito
ay seryoso at walang halong biro.
2. Di-pormal- tumatalakay ng mga paksang
karaniwan o batay sa pang-araw-araw na
karanasan. Sa paglalahad, animo kinakausap
lamang ng may-akda ang mga mambabasa
kung kaya higit na madaling basahin kaysa sa
anyong pormal.
-ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan,
personal at pang-araw-araw na nagbibigay lugod
o aliw sa mga mambabasa. Sa madaling sabi ito
ay tungkol sa damdamin at paniniwala ng may-
akda ang paksa ng di-pormal na sanaysay.
3 BAHAGI NG SANAYSAY

. Simula/panimula – ito ang pinakamahalagang
1

bahagi ng sanaysay.
 2. Katawan- dito naman mababasa ang mahahalagang
puntos o detalye tungkol sa paksang isinulat ng may-akda.
Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag dito ng
mabuti ang paksang tinatalakay at pinag-uusapan.
 3. Wakas-Ang huling bahagi ng sanaysay na nagsasara sa
talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay.
Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga paksang pinag-usapan.
ANO ANG LAYUNIN NG SANAYSAY?

Itoay naglalayong magbigay-kaalaman, magpaliwanag,


manghikayat, magturo para sa kagalingang-isip at moral
ng mga mambabasa.
Magbigay aliw, magpatawa, o manudyo sapagkat ito ay
kawili-wili, masigla at magaang basahin.
PAGPAPAHALAGA:

Bilang isang estudyante, bakit mahalagang


pag-aralan at malaman ang tungkol sa
sanaysay?

PAGLALAPAT:
Paano ninyo mapapahalagahan ang araling
ating tinalakay sa ngayon? Ilahad ito sa
pamamagitan ng inyong sariling opinyon.
TAKDANG-ARALIN:

Mag-aral ng mga araling tinalakay at


mayroon tayong pagsusulit sa lunes.
(Nobela,Tulang protesta, Ho chi minh, Pang-abay at
Sanaysay).
MARAMING SALAMAT!!!

You might also like