You are on page 1of 3

Malikhaing Pagsulat

ANG PAGSULAT
Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin.

 Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng
tayprayter o ng keyboard ng kompyuter. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng
writing output kahit pa ito ay handwritten lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print-out na.

 Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo
ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang
ginamit.

Kahulugan ng pagsulat ayon sa iba't-ibang tao:

 Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao. (William Strunk,
E.B White)
 Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi
matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. (Kellogg)
 Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan kaligayahan.(Helen Keller)
 Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng
kaisipan, at retorika. (Xing Jin)

Kahalagahan ng Pagsulat (Arrogante, 2000)

1. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may
babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng
isang mabigat na dalahin.

2. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang
relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang
mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga
pangyayari sa kanyang kapaligiran.

3. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao'y sumusulat dahil kailangan para siya'y mabuhay, sa madaling salita ito'y nagiging kanyang
hanapbuhay. Pang-araw- araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na
kapag may hinahabol na deadline.

4. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay
nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

Mga Layunin ng Pagsulat

1. IMPORMATIB NA PAGSULAT (kilala rin sa tawag na expository writing) ay naghahangad na makapagbigay


impormasyon at mga paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa
teksto. Ang pagsulat ng report ng obserbasyon, mga istatistiks na makikita sa mga libro at
ensayklopidya, balita at teknikal o bisnes report ay may layuning impormatib.
2. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT naman (kilala rin sa tawag na persuasive writing) ay naglalayong
makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinion o paniniwala. Ang pangunahing
pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito. Ang pagsulat ng mga
proposal at konseptong papel ay may layuning ganito. Ang isang editorial, sanaysay, talumpati ay
maaari ring may layuning mapanghikayat.

3. MALIKHAING PAGSULAT (creative writing) ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang
tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan, ang
pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya,
damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

Malikhaing Pagsulat
Ayon kay Castillo et al. (2008), ang malikhaing pagsulat ay isang natatanging uri ng pagsulat
sapagkat kailangan nitong magtaglay ng mahusay na diwa at paksa.
Ang malikhaing akda isinusulat upang magbigay-aliw sa mambabasa at bigyan sila ng pag-
unawa sa kanilang buhay at sa lipunang kanilang ginagalawan.

Ang mga sumusunod ay ilang anyo ng malikhaing sulatin:

1. Talang-gunita o Talang-alaala
-Pranses na mémoire Latin memoria; Nangangahulugang ala-ala", "gunita"

2. Awtobiyograpiya at Talambuhay
-isang uri ng panitikan kung saan ang isang tao ang paksa at siya na rin mismo ang nagsulat ng
impormasyon at pangyayari sa kanyang buhay.
-isang uri ng panitikan na isinulat ng ibang tao na nagsasaad ng tunay na impormasyon at pangyayari
sa buhay ng isang tao.

3. Nobela
-Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas na pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng
hangarin ng katinggali sa kabila.
Halimbawa: Noli Me Tangere

4. Maikling Kwento
-isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.
- Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kwentong Tagalog".
Halimbawa: Sandaang Damit at Ang Kwento Mabuti
5. Dagli o Flash Fiction
-isang espesyal na anyo ng Panitikang Filipino na nagsasalaysay ng iba't- ibang paksa sa buhay ng
isang tao, Karaniwan ay nasa isang daang salita o kaya naman ay aabot hanggang apat na raang salita lamang,
Halimbawa:
Ang saya magkaroon ng tunay na kaibigan. Pero sobrang daya niya talaga, kaya ngayon naghahanda
ako para sa araw na ito. Ang suot ko nga pala ngayon ay itim na bistida, paborito kasi namin yun na kulay. Oo nga
pala! Kailangan ko pang pumunta sa Flower Shop kasi kukunin ko yung inorder kong bulaklak para sa kanya.
Kailangan ko rin dumaan sa grocery store may bibilhin lang ako. Dumating na ako sa chapel andito siya ngayon.
Habang naglalakad ako papunta sakanya maiyak-iyak ako. Ang daya nga niya! Ngayon na nga lang
siya magpapa-meryenda kape at biskwit pa! Minsan na nga lang ako pumunta sa kanila tulog na tulog pa siya! At
grabe siya kala ko ba ang paborito naming kulay itim bakit ngayon naka-puti siya!
Pero ayos na rin yun para di na siya mahirapan at makapahinga na siya ng maayos. Ang huling paalam
ko na lang sa kanya ay sana’y bantayan nya ako mula sa pupuntahan nyang paraiso.
Elemento ng Pagsulat

1. PAKSA
-Ito ang pinakauna na dapat isaalang-alang ng manunulat. Dapat ito ay nakaayon mga makabagong
kaganapan, mga kagustuhan ng tagabasa, napapanahon at higit sa lahat, kawili-wili.
2. LAYUNIN
-Dito nakasaad kung ano ang mensahe na dapat iparating ng manunulat sa mambabasa.
-Ito ang nagiging daan ng pagpapahayag ng manunulat sa kanyang saloobin, kaisipan at mithiin.
3. MAMBABASA
-isang napakahalagang papel ang ginagampanan ng mambabasa pagsusulat. Sila ang nagbibigay ng
importansya sa napiling paksa.

GABAY SA MALIKHAING PAGSULAT

Tatlong Hakbang sa Pagsulat (Bernales et al., 2002)

1. Pre-writing
-ito ang paghahanda bago magsulat. Pangangalap ng impormasyon tungkol sa paksa na iyong
sinusulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at pagpili ng tono at perspektibong gagamitin.

2. Actual-writing
-isinaalang-alang ang tamang pagkakabuo ng pagsulat. Partikular ang pagbaybay, gramatika at
kaayusan. Nakapaloob dito ang pagsulat ng draft o burador.

3. Re-writing
-dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng sulatin mula sa gramatika, bokabulari at
pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.

Paano nga ba magbahagi ng malikhaing pagsusulat?

1. Lagyan ng Puso o Emosyon ang Sinusulat


-Mapupukaw ang interes ng ating mambabasa dahil malalaman at mararamdaman nila kung may
puso o wala ang ating sinusulat.

2. Lawakan ang Isip o Imahinasyon


-Dito nagiging kawili-wili ang akda lalo na kung nababatid ng mambabasa ang lawak ng imahinasyon
ng manunulat. Nagiging epektibo rin ang paglalahad ng akda kung nabibigyan ng impluwensya ang
mambabasa na magkaroon ng malawak na pag-iisip.

3. Magbigay ng Aral, Libang o Impormasyon


-Mahalaga para sa mambabasa na makakuha ng kahit ano mang aral, libang o impormasyon sa
kanyang binabasa. Sa dami ng pwedeng pagpiliang basahin, mas maganda na may maibigay rin tayong libang
o ambag sa karunungan ng mga mambabasa.

4. Maayos na Daloy ng mga Salita


-Panatilihing nasa maayos na daloy ang paglalahad ng kwento at iwasan ang pagliko-liko at
biglaang pagtalon mula sa isang paksa papunta sa panibagong paksa.

5. Wastong Baybay at Bantas


-Hindi maitatanggi na hirap pa rin ang karamihan sa atin sa wastong baybay ng mga salita at
pagbabantas, ngunit isa ito sa kailangang pagtuunan ng pansin upang maging presentable ang ating akda.

You might also like