You are on page 1of 4

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na

mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).

Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na
hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o
personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling

Kahalagahan ng Pagsulat
Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

a. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa
kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para
bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.

b. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang
nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo
masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan
ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang
kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

c. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging
kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat
isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

d. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik
ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

Mga Uri ng Pagsulat

Akademik – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
- kritikal na sanaysay
- lab report
- eksperimento
- term paper o pamanahong papel
Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal
na layunin.
- ulat panlaboratoryo
- kompyuter
Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang
paksa.
- Bibliography, index, note cards
Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon.
- police report
- investigative report
- legal forms
- medical report
Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat
bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat.
- pagsulat ng tula
- nobela
- maikling katha
Mga Layunin Sa Pagsulat

Pagsulat Ekspresibo Ginagamit para sa layuning pagpapahayag ng iniisip o nadarama.

Halimabwa:
Tula ng mga Makata Transaksyonal Ginagamit para sa layuning panlipunan o pakikipag-ugnay sa iba
pang tao sa lipunan.

Halimabwa:
Liham pangkalakal
Dapat Tandaan: Ang dikotomiyang ito ay hindi laging nag-aaplay sa lahat ng pagsulat. May mga
pagkakataon kasing ang pagsulat ay maaring maging ekspresibo at transaksyonal din tulad ng pagsulat
ng talumpati para espisipikong pangkat ng mga tagapakinig, na kung saan ang manunulat ay may
layuning magpahayag ng kanyang ideya, emosyon o layuning mkipag-ugnayan sa ibang audience. Ayon
kay Bernales, et al. (2001).

May tatlong layunin ang pagsulat:


Ø Impormatibong pagsulat o expository writing
Ø Malikhaing pagsulat
Ø Mapanghikayat na pagsulat o persuasive writing

Impormatibong Pagsulat o Expository Writing


Ang mismong pokus nito ay ang paksang tinatalakay.
Halimbawa dito ay pagsulat ng report ng obserbasyon, mga estadistikang makikita sa libro at
ensayklopidya, balita, at teknikal o bisnes report na may layuning impormatibo.

Mapanghikayat na Pagsulat o Persuasive Writing


Naglalayong makumbinsi ang mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. Ang
pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito. Halimbawa
nito ay pagsulat ng proposal o konseptong papel, editoryal, sanaysay, at talumpati na may layuning
mapanghikayat.

Malikhaing Pagsulat
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula,
dula, at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay
pagpapahayag lamang ng kathang isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kombinasyon ng mga ito. Ang
pokus dito ay ang manunulat mismo.

Ang bionoteay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang
magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig).

Maaari ring makita ang bionote sa likuran ng mga pabalat ng libro, at kadalasan ay may kasamang
litrato ng awtor o ng may-akda.

Ang bionote ay karaniwang dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang na naglalarawan sa taong
paksa ng bionote. Ang bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mga
mambabasa o makikinig kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng paksa
bilang propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa paksa na may kaugnayan
sa tatalakayin sa kaganapan.

Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata
lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
panauhin o bilang propesyunal.
.Edu- used at the end of US Internetaddresses to show that theaddress belongs to auniversity
.com- commerce but unrestricted/all uses)
.org (organizations but unrestricted/all uses)
.ph -is the Internet country code top-level domain(ccTLD) for the Philippines.
gov is a sponsored top-level domain (sTLD) in the Domain Name System of the Internet. The name is
derived from the word government, indicating its restricted use by government entities in the United
States
net is a generic top-level domain (gTLD) used in the Domain Name System of the Internet. The name is
derived from the word network,

You might also like