You are on page 1of 3

I.

PAGSULAT
Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng
mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa
kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).

Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay
pisikal na aktibiti ( Bernales, et al., 2002).

Ayon kina Peck at Buckingham (w.t.) ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang
natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”

 Ayon kay Keller (w.t.) ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.”

Isang prosesong sosyal o panlipunanang, ang bunga ng interaksyong proseso ng mga mag-
aaral at produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto – Dr Lydia R. Launio

II. PANANAW SA PAGSULAT


1. Sosyo-kognitib na Pananaw - Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal.

2. Intrapersonal at Intrepresonal na pananaw sa pagsulat - Proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

3. Ang Pagsulat sa pananaw Multi-dimensyunal

A. ORAL NA DIMENSYON - Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong


isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Ang pagsulat ay isang pakikipag- usap sa mga
mambabasa.

B. BISWAL NA DIMENSYON - Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o


lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.
Isinasaalang-alang ang tuntunin sa pagsulat upang makamit ang layunin.

III. ELEMENTO NG PAGSULAT


 Paksa  Mambabasa
 Layunin  Wika

IV. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AYON KAY ARROGANTE (2000)


 Panterapyutikal  Pang-ekonomikal
 Pansosyal  Pangkasaysayan

V. LAYUNIN NG PAGSULAT AYON KAY BERNALES et. al


Impormatibo - Ang mismong pokus nito ay ang paksang tinatalakay. Halimbawa dito ay pagsulat ng
report ng obserbasyon, mga estadistikang makikita sa libro at ensayklopidya, balita, at teknikal o ulat
pangangalakal.

Mapanghikayat - Naglalayong makumbinsi ang mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o


paniniwala.
Halimbawa: pagsulat ng proposal o konseptong papel, editoryal, sanaysay, at
talumpati.

Malikhain - Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling
katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda.

VI. URI NG PAGSULAT


1. Akademiko - Pagsulat sa paaralan mula sa antas na primarya hanggang doktoradong pag aaral.
Itinuturing ng isang intelektwal na pagsulat. Hal: Kritikal na sanaysay, term paper, lab report,
ekspiremento.

2. Teknikal - Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon


sa isangkomplikadong suliranin. Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.

- Uri ng sulating ginagamit sa teknikal na komunikasyong sa ibat-ibang larangan ng okupasyon


(Industry, business, technology etc.).

Hal. Manwal , Liham Pangnegosyo , Flyers/leaflets ,Deskripsyon ng produkto at feasibility

3. Journalistiko - Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist. Makikita sa columnar ng dyaryo,


tulad ng editoryal,balitang sulatin, lathalain.

4. referensyal - Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o


nagsusuri. Ang layunin ng referensyal na pagsulat ay maiharap ang impormasyong batay sa
katotohanan o kaya’y makabuo ng kongklusyon batay sa katotohan.

Naglalayong magrekomenda ng iba pangsanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas itong
makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon. Maihahanay din dito ang paggawa
ng bibliyografi, indeks at notecards

5. Propesyunal - Nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon.

Hal: Pulis report, Investigative report, Medical report

6. Malikhain - Pokus ang imahinasyon ng manunulat. Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa.


Piksyunal o di-piksunal Hal: tula, nobela, maikling kwento, malikhain sanaysay.

VII. PAGPAPAHAYAG NA PASULAT


  Ito ang pagsasalin ng anumang simbolo sa kahit na anong midyum upang maghatid ng
mensahe sa kapwa. Maaring ito ay titik, numero, nota at iba pang sagisag na may pinakakahulugan
sa taong tumatanggap nito.

VIII. KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


1. Obhektibo 3. Malinaw at organisado 5. May pananagutan

2. Pormal 4. May paninindigan

IX. POKUS NG PAGSULAT


1. Manunulat
a. Ekspresyon – nakatuon ang manunulat sa personal na pananaw na mababasa sa kaniyang akda.

b. Refleksyon – obhektibo ang manunulat sa pagbabahagi ng ideya o mayroong distansya ang


manunulat sa kaniyang personal na pananaw sa akdang kaniyang sinusulat.

2. Mambabasa
a. pagbibigay panuto o direksyon

b. panghihikayat

3. Paksa:
 Pagsassalaysay
 Paglalarawan
 Pangangatwiran
 Pag-uuri
 Pagsusuri o analisis

X. PROSESO NG PAGSULAT
1. Bago sumulat

2. Unang burador

3. pag-eedit

4. pagrerebisa

5. Paglalathala

You might also like