You are on page 1of 19

Pagsulat sa Filipino sa

Piling Larang
Para sa’yo ano ang pagsulat?

Bakit ito mahalaga?

2
Kahulugan, Kalikasan at Uri ng Pagsulat ng Sulating
Akademik

▪ Kahulugan ng Pagsulat
▪ Katangian ng Akademikong Pagsulat
▪ Iba’t ibang Uri ng Pagsulat

3
Kahulugan, Kalikasan at Uri ng Pagsulat ng Sulating
Akademik

▪ Kahulugan ng Pagsulat
▪ Katangian ng Akademikong Pagsulat
▪ Iba’t ibang Uri ng Pagsulat

4
Ang pagsulat…
ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto,
paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag
sa paraang pasulat, limbag at elektroniko (sa
kompyuter).

5
Ang pagsulat…
ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang
kaalaman o mga ideya ng tao ay isinasalin sa
pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay
nagbibigay daan para maihayag ng mga tao ang
kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal
na pamamaraan.

6
Ang pagsulat…
ay isang mental at pisikal na
aktibidad na isinasakatuparan para
sa iba’t ibang layunin.

7
Dalawang Yugto ng Pagsulat
1.Yugtong Pangkognitibo
 nasa isip lahat natin ang ating mga isusulat.
 Nagkakaroon ng artikulasyon ang mga ideya, paniniwala
at iba pa sa dahilang masusing dumaraan ito sa isipan ng
tao na pag-isipan, naisapuso o naunawaan bago naisulat.

8
Dalawang Yugto ng Pagsulat
2.Ikalawang Yugto
 Ang mismong proseso ng pagsulat.
 Nagkakaroon ng hulma at tiyak na hugis ang
mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao
habang unti-unting naisusulat ito sa papel.

9
Ang pagsulat ayon sa mga dalubhasa:

 Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito


ay ang paglilipat ng mga nabuong salita
sa mga bagay o kasangkapan tulad ng
papel.
 Ito ay naglalayong mailahad ang
kaisipan.
ng mga tao. 10
Ang pagsulat ayon sa mga dalubhasa:
 Ayon naman kay Badayos (1999), ang pagsusulat
ay isang sistema ng interpersonal na
komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo.
Maaring ito ay maukit o masulat sa makinis na
bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at
makapal na tipak ng bato.

11
Ang pagsulat ayon sa mga dalubhasa:
 Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay
isang proseso na mahirap unawain(complex).
 Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa pagkuha
ng kasanayan,hanggang sa ang kasanayan na ito
ay aktwal nang nagagamit.

12
Iba’t ibang Uri ng
Pagsulat 13
1. Akademik

 Itinuturing na isang intelektuwal na


pagsulat dahil sa layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan.

14
2. Teknikal
 Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga
kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at
manunulat. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring
makatulong sa pagbibigay- solusyon sa isang komplikadong
suliranin.
 Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular
na paksa.
 Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga
mambabasa.

15
3.Journalistic

 Pampamamahayag ang uring


ito ng pagsulat na
kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist.

16
4. Referensyal
 Naglalayong magrekomenda ng iba pang
sanggunian o source hinggil sa isang
paksa.
 Madalas binubuod ng isang manunulat ang
ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon na maaaring sa
paraang parentetikal, footnotes o endnotes.

17
5. Propesyonal
 Ito ay nakatuon sa isang tiyak na propesyon.
Saklaw nito ang sumusunod:
1. Police Report -Pulis
2. Investigative Report – Imbestigador
3. Legal Forms at Pleadings – Abogado
4. Patient’s Journal – Doktor at Nurse

18
6. Malikhain

 Masining na uri ng pagsulat sa


larangan ng panitikan o literatura.
 Ang pokus ay ang imahinasyon
ng manunulat at pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.

19

You might also like